"Mas lalong ma iinlove si Drake niyang sayo. Ayiiie!" Pangaasar niya.

E HAMPASIN KO KAYA SIYA NANG LAMPARA!

Akmang susuntukin ko sana siya nang hinila ako nang isa sa mga staffs papunta sa harapan, while si Alfred naman tumalon sa tuwa dahil hindi ko naituloy ang pagsuntok.

Pinagdilatan ko siya nang mga mata, akala niya huh! Pero nag peace sign lang siya at itinuro ang nasa harapan ko.

"Go Suz!" Elle at pumalakpak.

"Tingin ka na sa camera man!" Alfred na agad na sapak ni Meljun.

"Camera man! Photographer oy!" Meljun.

Napatawa nalang ako sa kalokohan nila at dahang-dahan na tumingin sa harap.

Ayokong tumingin, pero ano naman ang rason kung ayaw kong tumingin sa kanya? Nahihiya? 

"Just be your usual self, Suzy." Drake at ngumiti.

Galit ba ako sa kanya para hindi ko siya tignan?

"Ok." Cold kong sagot at napabuntong hininga.

"Tignan mo 'ko Suzy."

Tumingin ako sa kanyang mga mata at nagsitayuan lahat nang balahibo ko sa katawan. Napayuko ako sabay ayos sa buhok kong maayos naman.

Narinig ko siyang napa-chuckle kaya tinignan ko muli siya.

"Kelan ka pa natutong mahiya?" Pang-aasar niya.

Oo nga, kelan nga ba?

Ngitian ko lang siya at nag pose pero hindi pa niya clinick yung camera niya.

"Drake! Start na!" Sigaw ni Meljun.

Tumingin naman si Drake kela Meljun kaya napairap ako. Kailangan na naming magsimula para matapos na kaagad ito!

"Sorry, masyadong na distract ako sa isang," Napatingin ako sa kanya na ngayong ay nakatingin sakin. Our eyes locked. "Art." Dagdag niya at ngumiti.

Ngayon, alam ko na kung bakit ayaw ko siyang tignan.

"Ok! Start na!" Sigaw ni Drake kaya nagpose na ako habang busy na siya sa pagkuha nang litrato.

Ayaw ko siyang tignan dahil nararamdaman kong,  

 "You're doing great Suzy!" Sigaw ni Elle.

Nagpose ako nang iba at lalong natatakot ako sa sarili ko.

Napatigil sa pagkuha nang picture si Drake at lumapit sakin. Agad naman akong napaatras nang kaonti at tinignan siya.

"B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Sabi ko sayo diba na 'usual self'?" Kalmado niyang sabi.

Tumango ako bilang sagot, napa-pat naman siya sa ulo ko at tumingin sa mga mata ko.

"This isn't the first time na kukunan kita nang litrato, same goes with me." Marahan niyang sabi, tumigil siya sa pag-pat at umatras, "Huwag kang matakot." 

Huminga ako nang malalim at tumango.

"Sorry, nagulat lang kasi ako dahil masyadong biglaan ang nangyayari." 

Napa chuckle ulit siya at tumalikod, sabay sabi ng, "Mas lalo mo lang akong pinahulog sayo." 

Nagtilian naman ang mga tao sa loob nang studio, habang ako naman ay napatulala.

Ang mga rason kung bakit ayaw kong tumingin sa kanya ay hindi hiya o galit, kundi iba na ang nararamdaman ko.


Nararamdaman ko na mas lalong tumitibok ang puso ko para sa kanya.

"Suzy?" Tawag niya sakin.

Bumalik naman ako sa tamang pagiisip at tumingin sa kanya.

"Ready ka na?"

"Yep," Nakangiti kong sabi at nagpose kung saan comfortable ako.

Ready na ako kung saan papunta 'tong nararamdaman ko para sayo, kahit na sad o happy ending pa yan. 

At least, magiging honest ako sa sarili ko.

It Started With A ClickWhere stories live. Discover now