LOVE LETTER

400 6 1
                                    

Dear Jacob,

               Minsan natatakot ako na baka nahahalata mo na na mahal kita. Hindi ko kasi mapigilan minsan ang 'wag magalala. Kung pwede nga lang na sabihin ko na sayo na sobrang mahal kita. Kaya lang alam ko naman na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Kung hahayaan mo lang sana ako na maipakita kung gaano kita kamahal. Hindi ka na siguro malungkot ngayon. 'Wag kang magaalala, naiintindihan naman kita. Hindi ko naman pwedeng ipilit sayo na mahalin din ako di'ba? Alam ko din na mahal mo sya. Sobra-sobra pa nga,e. Katulad din ng nararamdaman ko sayo. Kaya 'wag ka ng magalala dahil naiintindihan kita. Sana marealize nya na mahalaga ka. Para hindi ka na laging malungkot pa. Sana makita naman kita na masaya kasi nasasaktan din ako lalo na pag inaaway ka nya at umiiyak ka kasi ayaw mo syang mawala. Sana pangitiin ka naman nya. Yung ngiting gusto ko laging nakikita. Masaya ako kapag masaya ka. Sana sa next life time natin akin ka na. Ipapakita ko sayo yung ibig sabihin ng pagpapahalaga. Sana kung hindi ikaw yung para sa akin sana bigyan ako ni Lord ng pwede kong mahalin. Yung pwede kong paglipatan ng lahat ng pagmamahal ko sayo. Sayang naman kasi kung walang makakaramdam ng pagmamahal na pwede kong iparamdam. Mahal kita, 'wag mo yung pagdududahan. Kaya lang gusto ko din sanang malaman yung pakiramdam na pinapahalgahan. Kaya next life na lang ako aasa na magiging akin ka. Ngayon kalilimutan na muna kita. Okey lang ba? 'Wag ka sanang magagalit kung iiwasan muna kita o kaya hindi muna ako magpakita. Gagawin ko yun para unti-unti na kitang kalimutan. Mahirap syang gawin pero kakayanin ko naman siguro. Kaya 'wag mo muna akong hanapin. 'Wag mo rin akong alalahanin. Basta lagi akong magiingat. Sana kapag nagkita na tayo ulit masaya ka na kasama sya. Kapag tuluyan na kitang nalimutan babalik na ako. Pagbalik ko... kaibigan mo na lang talaga ako. Kaya ba-bye muna...

                                                                                                                                     love,

                                                                                                                                    Sierra

April 15 2012

LOVE LETTERWhere stories live. Discover now