A Love to Remember

2 0 0
                                        

MIKE POV

Panibagong araw nanaman ngayon at makikita ko nanaman siya dito sa harap ng garden ng paaralan. Dito kasi ang lugar kung saan palagi ko siyang nakikita.

At hindi nga ako nagkamali nakita ko nanamam siya. Naglalakad siya sa harap ng fountain parang ang lalalim ng kanyang inisip. Pero kahit ganon ang ganda niya parin, hindi talaga ako magsasawa sa mukha niya.

Pero siguro ganito nalang ako palagi, palaging nakatingin sa kanya pero hindi ko kailaman siya nalapitan.

Kailan mo ba ako mapapasin Anika, hanggang tingin lang ba ako sayo.

Pero kahit ganon masaya naman ako, na napapasaya ko siya sa mga supresang binibigay ko sa kanya. Matagal ko na siyang binibigyan ng mga regalo pero hindi niya alam kung sino ang nabibigay non. Nahihiya kasi ako pero kahit ganon nakikita ko naman sa kanyang mga mata ang saya. Pero hindi yun nagtatagal kasi bigla siyang malulungkot, pero agad nanaman siya matutuwa. Siguro dahil nagtataka siya.

Pero siguro ito na yung tamang panahon para makilala niya ako. Pagkatapos ko siyang titigan umalis na ako at agad na pumunta sa locker nya, para ihatid tung sulat ko para sakanya. Binuksan ko muna yun at tinignan.

~3:00 pm sa harap ng fountain ng school bukas, hihintayin kita ^_^
.
.
.
.
.
Sana pumunta ka....

Pakatapos kong basahin inipit ko yung sulat at agad akong umalis. Sana pumunta siya, desperado na ako sa kanya, hindi na ako hihiling pa ng iba. Kahit isang araw lang.

-----KINABUKASAN----

Pakatapos ng klase agad akong pumunta sa garden. Buti nalag at maaga ang dismissal ngayon, at sakto rin sa oras na sinulat ko kahapon.

Pagdating ko sa harap ng fountain, agad kong kinuha ang 3 rosas at isang box ng chocolate sa bag ko. Habang hawak ko yung rosas at chocolate napatingin ako sa fountain nakikita ko ang sarili ko dahil sa sobrang linaw ng tubig agad akong napangiti.

Pero napansin kong may tao sa likod ko. Agad akong napa ayos ng tayo at dahan-dahang akong tumingin sa likod at laking gulat ko ng makita ko ang babaeng gustong gusto kong makita.

Anika

Nakangiti siyang tumingin sa akin. At isa yun sa nagustohan ko sa kanya. Akala ko hindi ko yun makikita pag ako na ang kaharap niya. Nakikita ko siyang ngumiti sa iba, pero para sa akin ito ang kakaiba.

Agad akong nanumbalik nung napansin kong nagbaba siya ng tingin sa mga kamay ko. Ngumiti naman ako at binigay yun sa kanya. At nakangiti naman niya kinuha yun habang nakatingin sa binibigay ko.

Naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa mga kamay ko. Napatitig ako dun.

"Thank you" sabi niya habang nakatingin sa mga rosas na binigay ko at agad siyang tumingin sakin at ngumiti. Ang ganda ng boses niya, gaya ng mukha niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love to Remember (Sad Short Story)Stories to obsess over. Discover now