“Bye Ma ingat!” I kissed her cheek.

“Bye po Tita! Have a safe trip.” Alex kissed her cheek as well.

Pagalis ni Mommy, hinarap ko si Alex.

“So magtititigan nalang tayo dito ganun. Ginising mo ko ng maaga para magtitigan!” Naiinis na sabi ko. Wala talaga ko sa mood. Di talaga nakakatuwa tong paggising ng maaga.

“Sorry na okay?” Sinabi niya yun gamit yung ‘oh-so-nakakaakit’ niyang boses. Damn. “Pero di tayo aalis hanggat ganyan yang suot mo.”

“What’s wrong with my dress?”

“Just wear shorts, tops and flipflops.”

“Sana sinabi mong pangbahay nalang.” Tas tinalikuran ko na siya at umakyat sa kwarto ko. Nakakainis talaga. Gigisingin ako ng maaga tapos pati damit ko papakialamanan niya.

Nagblack maong shorts ako, pink na cropped top at flipflops na black.

“That’s better.” Sabi niya.

“Psh.”

“Init ng ulo. Sorry na nga po. Kailangan kasi natin maaga umalis. Malayo yung pupuntahan natin.”

Di ko siya pinansin at lumabas nalang ako ng bahay. Di ko na siya hinintay pagbuksan ako ng pinto. Pumasok nalang ako at umupo sa shotgun seat. Sumunod naman siya sakin at umupo sa driver’s seat.

“Wag kana mabadtrip please. Magugustuhan mo dun sa pupuntahan natin.” Sabi niya sakin.

“Di tayo makakarating dun kung dadaldal ka ng dadaldal.”

He sighed. “Okay. Matulog ka nalang baka sakaling gumanda mood mo.”

“Sorry.” Biglang sabi ko.

Napatingin siya sakin. Naguilty ako eh. Mukhang nalungkot siya sa pagtataray ko. But can you blame me?! As I’ve said, Im not a morning person. I dont wake up this early in the morning especially on weekends.

“Nope. I understand. Ako dapat magsorry. Sorry for waking you up so early.” He leaned and kissed my forehead. Damn damn damn Alex! Hulog na hulog na ko!

 

 

Nararamdaman kong may hiningang malapit sa mukha ko. Nakakaakit yung amoy. Right. Cass, kailan ka pa naging pervert.

 

Binuksan ko yung mata ko. Holysh-t!

 

“Anong ginagawa mo!” His face is like an inch away from me. Kaya tinulak ko siya.

“Ginigising ka. Effective naman. Andito na tayo.”

I'll Never Fall For The PlayboyWhere stories live. Discover now