Chapte 15: Let's break-up

Start from the beginning
                                    

'Alli..' bati sakin ni Ciara, girlfriend ni Jonas.

'Hi Ciara..' pinilit ko nalang kalimutan ang naging conversation namin ni mommy. Umupo ako tabi nito dahil parang mga batang nagdi dribble ng bola at pilit inaagaw nila Al.

'Manonood ka ba ng game nila mamaya sa Livingstone university?' Tanong ni Ciara sakin. May inter school basketball tournament kasi at fighting for champion sila.

'Oo.. ako pa ba' natatawa kong sagot.

'Sasama ba si Shane?' Tanong ni Al, matagal ko ng napapansin na may gusto to kay Shane.

'Hindi daw eh. Tatapusin niya daw yung term paper namin sa bus-ed' sagot ko.

'Ahh ganun ba..' matamlay nitong sagot.

'Asa ka pa Al' kantiyaw nila Montes kaya nagtawanan sila at tumabi naman sakin ang humahalakhak na si Zach.

'Grabe naman kayo' bulalas ni Al.
Mababait naman ang mga kasamahan ni Zach sa team pero mas close niya si Montes, Al at Jonas.

'Sunduin kita mamaya para sabay na tayong pumunta  sa Livinstone'
Saad nito habang pinupunasan ko ang pawis niya sa noo.

'Wag na.. 7:30 magstart laro niyo diba? Eh 7:20 matatapos ang last subject ko baka ma-late ka lang ako nalang ang hahabol. Magpapahatid lang ako sa driver' paliwanag ko.

'Are you sure? Malapit lang naman ang-'

'Babe.. wag na! Magwawarm up pa kayo. Okay lang, promise ko naman na hahabol ako eh.'

'Fine just keep me updated kung nasaan ka na ha?'

Matamis akong ngumiti at tumango. Actually pareho kami ng schedule ni Zach kahit magkaiba kami ng kurso nagkataon rin kasi na pareho ng schedule ang mga major subjects namin kaya lang excused sila sa last subjecy dahil nga sa laro nila.

Dumaan ang team nila Zach sa classroom namin kaya halos magsibalian na ang mga leeg ng mga classmates ko pero ako pasimple ko lang kinawayan si Zach kaya halos mabingi akonsa hiyawan nila, maging si Shane ay nakikihiyaw rin. Para na kasi kaming instant loveteam sa school.

'Class quiet' sigaw ng professor namin kaya nagsitahimik na kami.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse namin at halos utusan ko na ang driver na paliparin ang kotse. Nagtext na sakin si Ciara na malapit nadaw magsimula at si Zach ay kanina pa nagmimisscall sakin at nakasampung text na siya sakin.

'Hello dad?' Kumunot ang noo ko ng tila may naririnig akong nagsisigawan sa background 'what???' Natampal ko ang noo ko ng malamang nagsisigawan sila mommy at mama sa mansyon kaya kahit labag sa loob ko ay pinabalik ko sa mansyon ang sasakyan.

'Mama!' 'Pareho silang natigilan ng makita akong humahangos papasok ng mansyon. Ilang ulit pa silang nagsigawan at nararamdaman ko narin ang ilang ulit na pagvibrate ng phone ko. Mga kalahating oras ata bago natapos ang bangayan nila at hindi na ako mapakali ng nasa daan na ulit kami patungo sa Livingstone. Sana nagbrownout.. ilang ulit kong bulong sa sarili kaya parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng makitang naglabasan na sa gym ang mga estudyante.

'Excuse me. Padaan.. excuse me' halos ipagtulakan ko na lahat ng makasalubong ko makapasok lang sa loob.

'Muntik pang matalo dahil kay Zach eh' narinig kong sabi ng isang lalaki n nakasout ng Xavier's.

'Anong nangyari dun kay Zach? Parang wala sa sarili ah?'

'Oo nga buti nalang nakaka-3points yung si Montes' pinilit ko nalang na dumiretso sa gym at binalewala ang mga kantiyaw nila.

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now