"Hindi ba tayo susunduin ni Keith?" I asked her. I'm really excited to see him. She just shook her head. I sighed. "Alam ba niya na kasama ako?" She shook her head again.

Bakit ganyan ang itsura ni Krisandra? She looks nervous and guilty about something. Nagtataka din ako dahil hanggang ngayon hindi niya parin sakin sinasabi kung bakit niya ako gustong sumama sa kanya dito.

"Jaqie." Lumingon ako kay Krisandra at hinintay siya na magsalita. "Whatever happens, I hope you can forgive him."

"Sino?" Napakunot noo ako. Instead of answering my question she just smiled a sad smile. "Si Keith?"

"Tara na. Let's surprise him." She said na para bang pinipilit niyang maexcite. Again, she did not answer my question.

May driver naman na sumundo sa amin and buong biya kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Dahil siguro yun din ang aura na nararamdaman ko kay Krisandra. Tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking bahay, in fact it looks like a mansion. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas at at may mangilan ngilan din akong taong nakita na naka tux at gown.

"Fred why are there so many people today?" Nagtatakang tanong ni Krisandra sa driver.

"Maam?" Mukha namang hindi narinig ng driver ang sinabi ni Krisandra.

"Nevermind. Just bring our things inside." Nagmamadaling sabi ni Krisandra at agad akong hinila palabas ng kotse.

"Sandali Krisandra." Pero mukhang hindi niya ako narinig dahil bigla siyang tumakbo at hinila ako papasok ng pinto ng bahay nila. Habang papasok kami parami ng parami ang mga taong nakikita namin. Ang iba ay binabati pa si Krisandra pero hindi niya ito pinapansin.

"Where is he?! Where's my brother?!" Sigaw ni Krisandra sa isa sa mga tao doon.

"He's inside maam--" ni hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil binuksan na ni Krisandra ang pinto.

Agad naagaw ng isang lalaki ang atensyon ko at napansin ko din na lahat ng tao na nandoon ay nakatingin sa amin. I looked at Keith halata sa itsura niya na nagulat siya nang makita ako. She's beside Darling, yung babae na nakausap ko noon sa elevator. She's dressed in white with a bouquet in her hands and it's funny because Keith is also wearing a white tux. Alam niyo ba ang mas nakakatawa? Si Keith at si Darling nasa gitna ng aisle at kung baliw ako iisipin ko na ikakasal sila. I mentally laughed at myself. Why? Because I am thinking na ikinakasal nga sila. Nagtama ang mga mata namin ni Keith pero nakatingin lang siya sakin.

"Let me talk to him." I heard Krisandra. Nang walang kumibo sumigaw na si Krisandra. "I said I want to talk to him!"

"What for?" Si Keith. After he said those words he tore his gaze at me and looked at his sister. "You're ruining my wedding."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. I was right. It was indeed a wedding.

"Keith." Bigla nalang laumabas sa bibig ko ang pangalan niya. Hindi ko alam kung narinig niya yun dahil  nadako ulit ang tingin niya sa akin. He moved a little na para bang pupunta sa akin pero nakita ko ang paghawak ni Darling sa braso niya. He looked at her, nagtinginan sila ng ilang segundo bago ipinikit ni Keith ang mga mata niya. He sighed and when he opened his eyes, it was like as cold as ice na para bang hindi niya ako kilala.

"Let's continue the wedding." He said bago tumalikod sa amin. May mga lalaki nalang na lumapit sa amin. Pinalabas kami ni Krisandra at isinara ang pinto.

Dinala nila kami sa isang kwarto at ikinulong doon. Kanina ko pa naririnig na umiiyak si Krisandra habang ako ay nakatulala lang at hindi makapaniwala sa nangyayari. Sinapak ko na din kanina ang sarili ko para magising dahil parang panaginip lang ang lahat. I suddenly looked at Krisandra.

"Bakit mo ba talaga ako dinala dito?" Napaangat ang tingin niya sa akin. Ang pula na nang mata niya sa kakaiyak pero wala akong pakealam.

"I'm sorry Jaqie. I'm really sorry." Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

"Ano ba talaga ang nangyayari?! Pinapunta mo ako dito di ba? Sumama ako dahil nag aalala ako kay Keith pero ano yun?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na din alam kung anong nararamdaman ko. Hindi siya nagsalita, she's just crying. "Bakit ganon? Akala ko ilang buwan lang siyang mawawala pero ano yun?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kumawala na ang mga luha na akala ko ay wala. Buong buhay ko pinilit ko ang sarili ko na hindi umiyak. Kahit anong sitwasyon hindi ko iniiyakan pero ito? Hindi ko kaya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.

"Sabi niya mahal niya ko. Sabi niya babalik siya." Pinunasan ko ang mga luhang bumubuhos sa mga mata ko. Tinignan lang ako ni Krisandra. Halata sa kanya na nasasaktan din siya sa nangyayari pero wala na akong pakealam. Naglakad ako papunta sa pinto at salamat sa Diyos dahil hindi ito naka-lock.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako sa mansion. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin. Hindi ko na din alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang gusto kong lumayo.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon