Napamulat ang mata ko ng marinig ko ang tunog ng intercom sa bedside table ko. Tamad ko itong pinindot at narinig ko ng magsimulang magsalita si Nanay Ecing.
"Anak, Maghanda ka na at may pupuntahan pa kayo ng mommy mo. Naku ! ako ang mananagot sayong bata ka pag hindi ka pa bumaba at nakaready ng alas tres" Tarantang sabi ni Nanay sa kabilang linya.
"5 minutes" sagot ko at babalik na sana sa pagtulog.
"Anak, hindi pwede ! Baba ka ba diyan o tatawagan ko ang mommy mo?" Nagbabantang tanong ni nanay.
"Fine ! Give me 1 hour, I'll just take a shower" I said while stretching my arms.
"Hala sige na't maligo ka na" ani nanay bago ibaba ang tawag. What so special about this day ? bakit ba atat na atat si mommy makipag meet sa kaibigan niya at bat kasama pa ako ? ilang minutes din ako nagmuni muni at ng walang maisip na dahilan ay dumaretcho na ako sa banyo para maligo. Nagbabad muna ako sa maligamgam na gatas sa bathtub bago ako nag shower at linisin ang dapat linisin pagkatapos ay tinuyo ko na ang buhok ko at sinuklay ko ito ng brush. ang natural na curl sa baba ng buhok ko ay sumasayaw sa baywang ko. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako sa banyo ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa pagkakapatong sa kama at tinignan kung sino ang tumatawag.
Calling Mom...
Pinindot ko ang answer button at tinapat sa tenga ko ang phone ko.
"What?!" I asked annoyed.
"Oh how sweet of you young lady" mom said with a cold sarcastic voice. She really know how to irritate me !
"What do you want?!" I asked while losing my patience.
"Wear something formal" she said plainly.
"You can't just order me around MOTHER." I said emphasizing the last word with full of hatred.
"Frances Allison !-" I cut the phone call before she can start her drama. After the phone call ay hinagis ko sa kama ang phone ko, I walk towards my huge closet and scan it. Instead of wearing something presentable like my mom wants me to wear, I pick some white 3/4 and a floral short shorts together with my white high cut nike shoes and pale green hand bag.Nang maisuot ko na ang dapat maisuot ay sinunod ko namang lagyan ng face powder ang mukha ko I also put lipgloss for my final touch. Nang makuntento nako sa itchura ko ay hinablot ko and binili ko kahapon at inilagay sa bag at tuluyan ng bumaba. Agad akong nagtungo ref. at sinalinan ng malamig na tubig ang baso atsaka ito ininom habang nakasabi parin saaking kamay ang aking pinamili. Nahagip pa ng aking paningin ang paghaplos ng tingin ni Nanay sakin simula ulo hanggang paa. Hindi ko nalamang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa painom ng tubig ng maubos na ang laman ay ibinaba ko ito sa mesa.
"Anak, hindi ba masyadong maikli ang suot mo?" tanong ni nanay saakin.
"Nay, tapos na ho ang kapanahunan ni Maria Clara. atchaka normal lang ho itong suot ko" I said without even glacing at her.
"Ganun ba iha? ang akin lang naman e ayaw kong mabastos ka" malungkot na sabi ni nanay. Hindi ko na siya kinibo at tinungo nalang ang daan paalyat muli sa aking kwarto ng mapansing naiwan ko ang phone ko.
"Hindi ka naman ganyan noon, pero simula ng mawala siya nagbago kana anak" pabulong na sabi ni nanay ng makalampas ako sa kinatatayuan niya. bakas na bakas ang lungkot sa kanyang tinig na saglit na nagpatigil saakin parang sinasaksak ang puso ko sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari, Ngunit agad din akong nakabawi at dali daling tinungo ang hagdan. I didn't mean to be rude. Pero hindi niyo naman ako masisi kung bakit ako ganito. Everything has a reason and I also have a reason kung bakit ako ganito. I'm so sorry nanay. Nang makaakyat nako sa kwarto ko ay nasulyapan kong muling ang aking sarili sa salamin may konting luha sa aking mga mata pero hindi naman halata. Huminga ako ng malalim at pinilit na pigilan ang emosyon ko. Nang makuntento nako sa itsura ko ay umupo nalang ako sa kama ko at kinuha ang phone ko habang naghihintay ng tawag sa intercom. after 10 minutes ay tumunog na ito hudyat na may tumatawag. Pinindot ko ang answer button at hinintay magsalita ang nasa kabilang linya.
"Ma'am nasa labas na po si Mang Narding, at pinapasabi po ng mommy niyo na bilisan niyo daw po kasi urgent daw po ang pupuntahan niyo" sabi ng isa sa mga kasambahay namin sa kabilang linya.
"Ok bababa nako" I said and ended the intercom call. Pagkababa ko ay naghihintay na ang sasakyan namin sa labas ng mapansin ng guard na palabas na ako ng bahay ay dali dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan habang hindi parin maalis ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Pumasok naman ako dito at pagkasarang pagkasara ng pinto agad na nagmaneho ang driver. Nang makarating kami sa Restaurant ay agad na naghanap ng parking si Manong Narding. Pagkapark ng sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at lumabas na. Dumaretcho ako sa loob ng Restaurant at hinanap ang receptionist at nilapitan.
"Excuse me Miss, where's the table reserved for Mrs. Del Fiero?" tanong ko sa receptionist.
"Oh ! I assume you are Mr. and Mrs. Del Fiero's Daughter right ? this way ma'am" maligayang sabi ng receptionist habang nakaturo ang kanyang kamay sa dadaanan ko. Sinamahan niya naman ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng private room. Nagtataka ko naman itong tinignan ng pinagbuksan niya ako ng pinto, Ngunit isang ngiti lang ang kanyang ginanti. Bagama't nakangiti ay bakas na bakas parin sa kanyang mga mata ang lungkot. Hindi ko na lamang ito pinansin sa halip ay pumasok na ako sa loob.
"Thanks" sabi ko sa receptionist
"Your Welcome, Ma'am" sabi niya ng nakangiti bago tuluyang isara ang pintuan. Naglakad ako papalapit sa kanila at nang makalapit ay na ako ay gulat na gulat akong napatingin kay dad. What the hell is he doing here? My dad is a very busy person, hindi siya pumupunta sa simpleng dinner lang. I know he's up to something, I can feel it.
"What the hell are you doing here dad?" tanong ko ng makalapit na ako sakanila.
ESTÁS LEYENDO
Fall for you
RomanceI got everything I needed in life, A happy family, loyal friends, beautiful face and all the love and attention that every girl wants.A lot of person wants to be in my shoes. Until all of a sudden my world turn upside down. My perfect fairy tale van...
