CHAPTER 12: First Attempt

Start from the beginning
                                    

“Nasa canteen lang daw sila kanina eh. Nagpaalam lang si Mitch na bibili sandali ng maiinom, pagbalik niya, wala na raw si Maggs. Nagtanong-tanong na siya kung may nakakita kay Maggs, sabi nagmamadali raw na lumabas ng canteen.”-JC

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw na ayaw kong isinasama si Margarrette. She always lost herself.  Maghiwa-hiwalay na muna tayo para hanapin si Maggs. Magkita nalang tayo ulit dito mamaya.”- ako atsaka na kami tumakbo sa magkakaibang direksyon.

Asan na ba yung batang yon. Ang laki pa naman nitong school. Umatake na naman ba ang pagiging Dora the Explorer niya? At sa lugar pa na ito ang napili niyang pagexploran? Naku Barbara Margarrette, Makita lang kita mamaya, sermon ang abot mo!

Lakad.

Lakad.

Lingon.

Lingon.

Takbo…

 Lingon-lingon…

Asan ka na ba Margarrette? Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Ladies comfort room. Tumakbo na ako papunta doon. Ng malapit na ako sa Ladies CR, may biglang tumawag sa akin.

 

“Bro!/Tol!/Kuya!/Cous!/Pre!”

 

 

 

 

Sina Kats, JC, Dixon, Seth at Lester. Huminto muna ako at hinintay sila. Patakbo rin silang pumunta palapit sa akin ng mapansin kong walang bakas ng isang Margarrette silang kasama.

“Kuya, hinagilap na namin bawat sulok ng school na to pero wala parin talaga.”-hingal na sabi ni JC

“Bro, baka naman magkasama na sila ni Mitch.”-Lester

“If that so, dapat tinawagan na ako ni Mitch.”-JC

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now