Chapter 2 - Cynth Rhyan

100 7 2
                                    

Kinalimutan ko na ang nangyari kanina, alam kong wala namang mapapala ang pag-iyak ko sa isang lalaki. I think I should get rid of my feelings for Dran. Ah no, I must get rid of it.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko galing sa pag-iyak. I'm looking at the mirror and I just want to laugh right now. Ang pangit ko talaga.
Naisip kong maligo kaya pumunta ako sa isang kwarto na puno ng cosmetics, wigs, contact lens, at iba't ibang nagagamit pang-disguise.

Una kong tinanggal ang wig na kulot kulot at super lagkit. Sa loob n'on lumadlad ang straight at kulay brown kong buhok. Oh, How I miss this hair of mine. Sinunod kong tanggalin ang malaking salamin na nasa muka ko. Tinanggal ko rin ang contact lens at lumitaw ang kulay asul kong mata. Binakbak ko ang pekeng muka na naka-dikit sa tunay kong muka. Lumitaw ang napaka-puting kutis ko, mala gatas sa puti. Ngumiti ako at tinanggal ang braces na naka dikit sa mga ngipin ko. Oh, How I miss this face of mine. But to bad I must hide it.

Pumunta ako sa ban'yo at naligo. It feels so good to be like this again. Pero hindi nagtagal ay naisip ko na naman ang nangyari noon. Umiling ako, ayoko ng mangyari ulit ang nagyari noon. Baka ikamatay ko pag naulit muli 'yon.

Nagbihis na 'ko at bumalik sa pagiging Nerd. Hindi pa 'to ang tamang oras para sabihin ko kung bakit gan'to. Umupo ako sa gilid ng kama ko.

Third Person's POV

Pagka-upo ni Cynth sa gilid ng kama n'ya ay itinaas n'ya ang kanyang dalawang kamay. Pumikit s'ya at may binulong, sa pagbulong n'ya na 'yon lumabas ang apoy sa kaliwa n'yang kamay wina-gayway n'ya ito at naging fireballs. Sinabi n'yang "Na miss kong gawin 'to" ngumiti s'ya ng sinabi n'ya 'yon. Kita ang mga pekeng dilaw n'yang ngipin pati narin ang suot n'yang braces.
Sa kanan naman ay tubig na lumulutang, wina-gayway din n'ya ito at naging water drops. Nagsasaya s'ya ng muli n'ya itong nagawa. After those years, nagawa n'ya ulit ilabas ang kanyang kakayahan.

Pinag-sama n'ya ang apoy at tubig. Napangiti s'ya ng lumitaw ang isang yelong crystal. Eto ang kanyang --

"CYNTH!"

Cynth Rhyan's Point Of View

"CYNTH!" Napa-balikwas ako ng marinig ang boses ni Mama. Agad nawala ang ginagawa 'ko. Baka mabigla si Mama na ginagawa ko na naman 'yon.

Mabilis akong bumaba ng narinig ko ang boses ni Mama.
"Ano bang ginagawa mong bata ka at hindi ka pa bumababa kanina. Naka-ilang tawag na ako" sabi ni Mama sa'kin ng makita n'ya akong sumisilip sa pader. Naka-upo narin doon si Papa, haggard na haggard ang itsura n'ya.

"Sorry po Ma' d' ko narinig nakatulog po ako eh" palusot ko at dumiretso na sa upuan ko.
"Anyare sayo Pa'?" Tanong ko kay Papa. Haggard na haggard talaga itsura n'ya eh.

"'Yang Papa mo naglasing na naman jusko! Pagsa-bihan mo nga' ya'n Cynth hindi nakikinig sa'kin eh! Ang tigas ng ulo parang bato. Kulang nalang talaga ipupukpok ko s'ya sa malaking bato. Jusme." Nagulat ako ng si Mama ang sumagot. Jusko, S'ya ba tinanong ko. Pero okay lang naman sa'kin, natatawa nga ako sa pagmamahalan nila eh. Kahit na ganyan sila, hindi sila nagkukulang.

"Kagaya ng sabi mo Hon, matigas ulo ko kaya hindi ito basta basta mawawasak" sabi ni Papa at nag pogi sign pa.
Si Mama naman parang diring-diri. Jusko, Walang forever. Hmp.

"Anak, bakit naka-pang disguise ka nanaman." Tanong ni Papa sa'kin. Oo, tama ang pagkabasa niyo. Alam nila na naka-disguise lang ako. 
"You know it already. Why I'm wearing this" seryoso kong sagot.

Hindi nalang sila kumibo at nagpatuloy sa pagkain. 

Natapos na rin kaming kumain, tinawag ni Mama sina Manang at ang iba naming Yaya. 
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko wala na rin naman ako gagawin n'yan doon. 

I'm not a witch, I'm a goddess.

I'm not a witch, I'm a goddess

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----Sorry lame :<

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


-----
Sorry lame :<

-Author

The Nerd's SecretWhere stories live. Discover now