"Ano yan?" curious na tanong ko. 

"Wow Kikay, improving ka na. Marunong ka ng magtanong!" sabi nito na mukhang tuwang tuwa. 

I rolled my eyes. "Sasagutin mo o sisipain kita palabas ng bahay? Pumili ka," naiinip na tanong ko. 

"Chill! Kailan ka ba hindi magagalit sakin? Ramdam na ramdam ko yung pagkulo ng dugo mo," nakalabing puna nito. 

Hindi ako sumagot. Pinanood ko lang siyang buksan yung kahon. 

"Ready?" tanong niya habang nakangising aso. Yung nakakalokong ngising aso niya na matagl kong hindi nakita. 

Kahit kelan talaga hindi ko nagustuhan yun! Badtrip. 

"This is my piece offering Pam. Hope you like it" sabi nito saka may kinuha sa kahon at inabot sakin. 

Nakatitig lang ako sa kamay niyang may hawak na papel. "Anong gawin ko dyan? Ayan na yun? Wag mong sabihing yang papel na yan lang yung laman ng malaking kahon masasapak kita ng wala sa oras!" 

Bigla siyang tumawa saka pinatong yung papel sa mesa. "Ofcourse not. Love letter yan, basahin mo muna bago ko ipakita sayo 'to," sabi niya habang tinuturo yung kahon. 

Napaangat yung kilay ko. Love letter my ass. Tsk.Kinuha ko yung papel at binasa saka mabilis ko tong nilukot at binato sa kanya ng makit ko yung nakasulat in capital letters pa talaga! Kingina. Kung ganito kaaga bubwisitin niya lang ako, wag na lang siyang magpakita. Leche! 

Tumayo agad ako at iniwan yung pinagkainan ko. 

"Kikay! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Cone habang tumatawa. 

Siraulo. 

Hindi ko siya pinansin at nagtuluy tuloy lang ako pabalik sa kwarto ko. Buti na lang wala akong pasok. Kung sakaling meron, sobrang masisira ang araw ko pag dumagdag pa sina Yanna at Raven. Tsk. 

"Morning baby. Ang aga aga, nakakunot agad yang noo mo. Do you even know how to chill?" tanong ni LWB na kakalabas lang ng kwarto niya. 

Eto pang isang to. Pampasira talaga sila ng araw kahit kelan.

Napairap ako at hindi ko na lang siya pinansin. Dumaretso na ko palakad papunta sa kwarto ko ng marinig ko na naman yung boses ng nakakabwisit na hampaslupang apa na yun. 

"Kikay! Kikay!" sigaw niya. Sarap salpakan ng panda sa bibig! Ugh! 

"I see," sabi naman ni LWB habang nakangisi. "Morning Trystan. Aga mo ah?" patuloy nito habang nakatingin sa likod ko. 

"So? Lagi naman akong maaga pumupunta dito dati." 

"Hhm. Nung hindi ka pa busy sa 'stuffs' mo" 

"Tss" 

Hindi ko na sila nilingon at pumasok na lang sa kwarto ko. Bahala sila sa buhay nila. Nahiga ako sa kama at pumikit. Inaantok pa pala ako, bumangon lang naman kasi ako para kumain pero dahil sa bwisit na Apang yun nawala yung antok ko. Kingina niya. 

"Kakakain mo lang. Bumangon ka nga" 

Napadilat ako ng may biglang nagsalita. 

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga sa kwarto ko" 

Ngumisi lang si Cone at ang walanghiya, naupo pa sa gilid ng kama ko. 

"Namiss kong tumambay dito kaya dito muna ko," sabi niya sabay higa sa tabi ko. 

"Hoy! Tumayo ka nga dyan!" napabangon ako bigla at tinulak ko siya pero hindi siya natinag at pumikit pa. 

"Ang sarap talagang mahiga sa kama mo. Paidlip ha? Hindi ako nakatulog masyado kagabi e" 

Good To YouWhere stories live. Discover now