Pinagtitinginan kami ng mga tao. Eeh?!

SI Tungsten kasi nakaakbay pa rin saken.

Hoo! Aika, mandakana. Dadagsa haters mo.

Nakarating na rin kami sa room. Puro bulungan lang napakinggan ko like,

"Ang swerte naman n'ya!"

"Ayy. Baby Tungsten is taken..."

"Magbabago na daw s'ya just because of that girl! Urgh!"

"Wala na si Darling ko!"

"I hate that Tiffany!"

See? Dame ko agad haters. Well o well, pasesnya na po.

Ibabalik ko din naman ang Tungsten n'yo e. =_______=

Pagdating namin sa room, sakto. 8:30 am na. 9am klase namin.

Sina Danna, Khas, Tyrone, Myka at Luke nandito na. Well, si Camella aka Camcam. Hindi na ata s'ya sasama sa amin.

Nandito din s'ya sa room but... May bago na s'yang friendships.

Nilapitan ako nina Danna, Myka at Luke...

Ipakilala ko daw sa kanila si Tungsten.

Ako naman, ipinakilala ko nga. Feel ko e? Masama? Fake girlfriend here.

Si Tungsten naman, tuwang tuwa. New friends daw. Eeh? Kiareer na ng kumag.

Bale, si Khas at Barium, confirmed. Sila na nga. Eeh? Bilis naman? Parang nung isang araw lang.

Naku Barium, pag niloko mo yang si Khas, humanda ka kay Danna! Warfreak din yun. Hoho. =___=

Nitatamad ako ngayon. Ewan ko? Basta tinatamad ako...

8:45am on the dot.

Si Tungsten, still nakaakbay pa din sakin...

Wala pa kami sa proper seats tutal wala pang teacher...

Naalala ko tuloy si Nickel. Bakit hindi nila kasabay kanina? Baka absent?

"Oi, Tungsten. Bet di n'yo kasabay si Nickel kanina, I mean, natin?" tanong ko sa kanya...

"Tiffany ko. It's Tungsty..." sabi n'ya. =______=

Eeh? Sige, pagbigye na...

"Tungsty ko... Bakit di n'yo kasabay si Nickel kanina?" tanong ko...

"AYEEEEE! Ang sweet naman ng tawagan! Tiffany ko, Tungsty ko!!! Waaaaah! Dannana ko!! Dito ka nga!!!" eh? Sino pa ba? E di si Tyrone. Lul! Kahit kelan, sabog. Hoho! Lul!

Di na lang namin s'ya pinansin. Yung iba naming mga kaklase, ewan ko ba? May kinikilig, meron namang mamamatay na sa inggit.

"Ah... Si Nickel? Pinauna na kami e..." sabi ni Tungsten.

Ah... Kaya naman pala... Edi meaning papasok din... Akala ko tuluyan na silang nagkagalit dahil ni Camella.

10minutes bago magtime...

"WAAAAAAAAAH!!! Girls!!! May bago daw salta sa baba!!! SUPER GWAPO DAW!!! WAAAAAAAH!!! Tara!!!" kaklase kong malandot. Sino pa ba?

"Eh?!! Talaga girl?!!! Baka transferee!!!!!" sabi pa nung isa, excited na excited? Eeh?

"Tara!!! Tingnan natin!!! Waaaaaah!!! Sana kaklase natin!!!" si Ms. third the motion.

At bumaba na yung tatlo kong kaklaseng malalandot...

Eeh? May bago daw salta? Sino naman kaya yun? Gwapo daw e? Baka nga transferee?

TIningnan ko 'tong katabi ko...

Walang reaction. Ganun?

Hello? Maaagawan na s'ya ng title bilang Casanova Prince ng School?

Nagbabago na nga ata ang kumag...

Mas mabuti yun... ^______^

Kung magbabago man si Tungsten... For the good naman...

Ramdam ko na lang, biglang humigpit yung akbay n'ya saken...

Napatingin tuloy ako sa kanya...

"Bakit?" tanong ko...

"Kung sino man yung pinag-uusapan nila... Wag kang titingin dun ha..." sabi n'ya then lumapit sa'kin ng konti pa...

Tapos...

*HUG*

"WAAAAAAAAAH!!! Ang sweet namang nina Aika at Tungsten!!! WAAAAAAAAH!!! Kilig ako here!!!" -isa sa mga kaklase ko. Extra sa kwento.

"Oo nga!!! Yiiieee!!! Galing ni Aika!!! Nabago n'ya si Tungsten!!! From stick to everyone to stick to one!!! Kyaaaaaaaah!!! Cute!!! Bagay sila!!!" sabi nung isa pa...

"Yaaaa!!! Certified Tungska na ako!!! Yaaaa!!!" sabi pa nung isa.

Eeh? Ganun? Sa isang hug lang? May supporters na kami? Naman?

Pero... Eep... TUNGSKA DAW OH? Fans Club???

^_____________^

Ano bang nangyayari kay Tungsten? Bet ang sweet?!

Kinakareer na talaga e?!

Mayamaya may pumasok na sa room...

Bale, halata... Siguro ito yung pinag-uusapan nung mga babae kanina...

Eh habang napasok ba naman si kuya, nakapalibot ang mga malalandot kong kaklase...

Di ko tuloy Makita yung mukha... Eeh?

Siguro gwapo nga.. Ang kita ko lang buhok! Eh ang gwapo ng buhok! Buhok gangster! >;D Bwahaha. Yung tipong gulo-gulo pero cool! Eep?

Pati buhok, gwapo na?

Nagkakagulo pa din yung mga kaklase kong malalandot dun kay kuya na hanggang ngayon nasa may pintuan pa din...

Sino ba kasi yan? Transferee?

Mayamaya, dumating na si Prof.

Tuloy umalis na si Tungsten sa tabi ko... Go back to your proper seats daw...

Si kuya namang nasa pinto at yung mga kaklase kong malalandot, ganun din...

Pero teka... Eep? O_______O

Napatingin ako kay Kuyang pinagkakaguluhan lang kanina...

Umupo kasi s'ya sa tabi ni Tungsten!

Hindi s'ya transferee at hindi ko s'ya kuya kasi...

"Ate" na din itatawag n'ya sakin for sure!!!

Kung sino man ang iniisip n'yo... Tama... Kilala na!!!

Pero bakit? Anong nangyari?! Nagmukhang gangster ang kailan lang ay napakainosenteng si....

THE CASANOVA KNIGHT [PUBLISHED]Where stories live. Discover now