[TCK 2.3]*

35.1K 459 24
                                    

(Nickel's POV)

Nasa loob ako ng kwarto, sa may bintana.

Nakatingin lang ako sa labas.

"38" napabilang na lang ako. May nakita kasi akong dumaan.

After awhile.

Biglang may nagpark na mga kotse, yung dalawa kay Lolo yun alam ko, yun namang dalawa ulit, kay Tito Hel.

May dalawa pang kotse na nagpark, hindi ko alam kung kanino.

Pero teka, bakit sila nandito?

Nga pala, una sa lahat, I'm Nickel Iron Corpuz, 17years old.

Hindi ako palaimik, iapproach mo man o hindi, depende na lang sa tao.

Kung mukhang mabait, kakausapin ko pero small talk lang.

Hindi ako mahilig makipag socialize for short.

Ayoko sa malandi, maarte at mukhang flirt.

Magaling ako sa academics, wala akong hilig sa sports.

Wala din akong kaibigan, kung meron man, sina Kuya Tungsten, Kuya Barium at Vana at si... ah basta... may isa pa at napapangiti ako pagnakikita ko s'ya...

Sila lang ang nakakausap ko ng mahaba at matino...

Oo, nga pala, mas matanda sakin si Barium. 2minutes daw.

Ganito na ako since elementary, hindi ko alam kung bakit.

Ako ang opposite na version ng dalawa kong kapatid na lalaki.

To summarize, Boring na tao ako.

At itong POV ko, baka ganun din.

Pasensya na, hindi lang talaga ako mahilig makipag usap.

Mayamaya, lumabas na yung mga nasa kotse.

Di ako nagkamali, sina Lolo at Tito Hel nga yung naunang may dalawang pares na kotse.

Kasama ni Tito Hel sina Kuya Xenon at Kuya Neon.

Tapos dun sa dalawa pang unknown car, may bumaba din...

Mag-asawa tapos may isang babae...

Teka...

Si ano yun a...

Si----

May pumasok bigla sa kwarto ko, si Manang Liza, isa sa mga maid namin.

"Sir, magpalit daw po kayo ng damit at bumaba sa living room sabi ni Sir Magz." -Manang Liza.

Tumango na lang ako, sabi ko nga, di ako mahilig makipag-usap.

Si Sir Magz, si papa yun. Magnesium diba?

Nagbihis na ako, ano kayang meron?

Pagbaba ko sa living room, sakto nandun na sila, nandun si Kuya Barium, Papa, Lolo Iron, Tito Hel (Helium), Xenon at Neon.

Pati yung mag-asawang nakita ko saka si---

"Ah, Mr. and Mrs. Sy, meet my two sons, Magnesium and Helium..." sabi ni Lolo.

"Nice meeting you both Mr. Magnesium and Mr. Helium..." sabi ni Mr. Sy? Sabay abot ng kamay.

"Nice meeting you too Mr. Sy..." sabi ni Papa.

Si Tito Helium naman nagsmile lang tapos shake hands.

"And here are my grandsons..." tapos tinuro kami ni Lolo sa kanila. Magkakasama kaming apat na magpipipinsan sa iisang sofa kaya madali kaming naituro.

THE CASANOVA KNIGHT [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon