Ano ba ang dapat kong maramdaman?
Dapat ko bang pagsisihan ang lahat ng naging desisyon ko?
Nagkakilala tayo nang hindi sinasadya.Nagkagustuhan.
Akala ko para satin laro-laro lang yun pero ginawa nating totoo.Masaya sa una.Walang problema
Pero bakit kaya may pagkakataong hindi ka makuntento kong anong meron ako?
Kung anong meron tayo!
Nakakatawang isipin diba.Sating dalawa ako ang laging may kasalanan.Ako ang laging may mali.
Pero sana inisip na kahit kailan hindi kita nagawang ipagpalit.Hindi kita nagawang lokohin.Alam kong mali tong naging desisyon ko pero ginusto ko dahil sayo.Dahil sa pagmamahal ko sayo
Pero lahat ng yun sinayang mo.
Masakit malaman na ginusto mo paring magmahal ng iba.
Kahit alam mong masasaktan ako.
Siguro nga ganon sa pagmamahal.
Kung gano.kabilis mahulog ang loob mo hindi mo namamalayan ganon din kabilis mawala ang nararamdaman niya sayo.
Nakakapagod.Nakakapagod nang magmahal sa isang taong lagi kang sinasaktan.Panahon na siguro para pakawalan kita.
