"Napagpalit nila ang folder natin," sabi niya agad pagkabukas ko ng pinto.

"Yup, I think so. Ikaw si Lee, Zenrid Ace R.?" tanong ko sakanya.

"Puwede bang pumasok?" seryosong sabi nito.

"I only need the envelope. Kukunin ko lang iyong sa'yo—hey!" binuksan niya nang husto ang pintuan ko saka pumasok nalang basta.

"Nice place. Hindi mo ba ako maalala? Strike two ka na ah," sumandal ito sa mesa ko. Kilala ko ba dapat ang taong ito?

"Baka napagkamalan mo lang ako. Here's your's, give me mine," kinuha ko at inabot ko sakanya ang dapat na envelope niya.

"I saved you once, you saved me once," ngumisi siya.

"I really don't—Ah! Ikaw 'yung diver ng mga lasing sa highway!" sigaw ko agad nang maalala ko ang mukha at boses niya.

"Excatly. Noong pinagkamalan kang pokpok," sabi niya agad. Sa ilang segundong natahimik kami ay tumunog ang tiyan niya.

"Dahil niligtas mo ako noong araw na 'yun, dadagdagan ko ang ramen na luluthin ko," nakangiting sabi ko. Umalis ako sa harap niya at pumunta sa kusina.

"Kamusta na si Nana?"

"She died. Paano—I mean, who are you?" inilapag ko ang hawak kong kaldero.

"Condolence. Matagal din akong nawala dito kaya wala akong masyadong balita. Kagrupo mo ako sa volunteer group. Putik, alalahanin mo na. Nakakahiya kung ako mismo ang magku-kuwento," paliwanag niya. Napakamot pa siya sa ulo niya.

Habang nagluluto ako ay inaalala ko siya. Teka, nabanggit din ni Ron, isa sa mga kaibigan ni Lee, si Zenrid. "Ikaw 'yung emo at long hair? 'Yung nakita kong umiiyak?" alanganing tanong ko.

"Ako nga. Umiiyak ako dahil naghiwalay ang mga magulang ko at kailangan kong lumipat sa London. Men, nakakhiya 'yun. Salamat sa pakikinig sa akin noon."

"Tinanong lang kita that time kung nag-lunch ka na pero iba naman ang isinagot mo. Kung tama ang pagkaka-alala ko, sinabi mo sa akin ang problema mo habang umiiyak ka."

"Eh sa malinaw naman pala diyan sa utak mo eh, gusto mo lang akong mapahiya. Dahil sa sinabi mo sa akin noon ay nagbago ang buhay ko men."

"What did I say exactly?"

"Lahat ng tao sa mundo ay dumaraan sa problema at nasa'yo na kung gagawin mo itong kahinaan o isang bagay na ikakalakas mo pa," he even tried to mimicked my voice.

"Oy, kahit na anong mangyari, magpakatatag ka at huwag mong kalimutan ang mga salitang 'yan," seryosong dagdag niya. Tumunog ang intercom ko kaya tumayo ako para buksan ang pintuan.

"Kanina pa ako text nang text," diretsong pumasok si Lee. Napatigil siya nang makita niya si Zenrid.

"Anong ginagawa niyan dito?" tumaas ang boses ni Lee.

"Intersting..." sambit ni Zenrid.

"Bakit ka nagpapapasok ng mga hindi mo kilala?" galit na sabi ni Lee. Ihinagis niya sa sofa ang ilang notebooks at papers.

"Mga notes 'yan sa araw na ito, sana hindi nalang pala ako nag-abala. May ganyan bang may sakit?" baling niya sa akin.

"Boyfriend mo?" singit ni Zenrid. Gusto ko tuloy siyang sigawan ng 'shut up!'

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon