a blow to the heart

Start from the beginning
                                    

“ayyiieee! Pare ah! Anu yan bago na naman? Ahhaha” pang-aasar sa kanya ng mga tropa nya.

“ah..kase…” sabi nung babae.

“hm?”

“sorry…may klase pa kasi ako eh..nagmamadali ako sa katunayan kaya….pasensya na! alis na ko” tapos ay dali-daling tumakbo yung cute girl palayo sa kanila. Halatang nahihiya ito sa kanila kaya umalis sya kagad.

*sigh* ‘buti nalang…..nakaalis din…nakakahiya..’  sabi nya sa sarili nya.

Ang babaeng yun nga pala ay si Margarette. Mabait sya at tahimik na babae, pero pagnaging close naman kayo..dun mu lang malalaman na masaya rin pala syang kasama dahil mahilig syang magkwento ng kung anu-ano at mag magsabi ng mga korning joke. Ang totoo nyan bago lang sya sa school nina Troy. Kakatransfer lang nya. Kakauwi lang kasi nya galing Canada last 2 weeks at dahil sa marami pa syang inasikasong papeles kaya naman ngayon lang sya nakapag-enroll ng college dito.

“ok class bago tayo mag start ng klase today..meron muna sana akong ipapakilala sa inyong new student natin …” tumingin-tingin yung prof nila sa buong klase.

“mm…wala pa ba sya?” sabi pa nito.

“huh? Sino pu ba ms? wala namang bago dito ah?”

Pagkatapos ay biglang may narinig silang tumatakbo sa labas. Pagkatapos ay binusan ang pinto.

*huff* *huff*

“sorry po… late ako…” sabi nito ng hingal na hingal.

“hinanap ko pa po kase tong room….medyo naligaw po ako eh.. sorry” sabi nya ulit.

Ipinakilala na sya ng prof. “she’s the one who’s I’m referring to kanina. Sya yung new student na sinasabi ko. Nalate sya ng pag-enroll kaya ngayon lang sya nakapasok..Simula ngayon magiging blockmate nyo na sya …be nice to her ok?”

“ah..hi sa inyo…nice to meet you all.. I’m Margarette Fernandez..” nahihiya nitong sabi habang nagpapakilala sya.

Umingay sa buong klase nang magpakilala sya.

“wow..ang cute nya..”

“oo nga” bulong-bulungan nila. At dahil dun lalong nahiya si Margarette sa kanila.

“sige iha..maupo ka na..dun ka nalang sa tabi ni Mr.Gilbuena” pumunta na sya dun at umupo. Habang nagkaklase sila napansin ni Margarette na yung katabi nya kanina pa natutulog simula nang umpisa ng klase.

‘grabe naman tong lalakeng to….’sa isip-isip nya.

‘hmp..bahala nga sya..as if I care..’

Ang lalake palang yun ay si Troy. Napansin si Troy ng prof nyang natutulog kaya naman nilapitan sya nito.

“MR. GILBUENA!” nagising  at nagulat si Troy dahil sa lakas ng sigaw sa kanya ng prof nila.

“HUH! NASAN? NASAN YUNG SUNOG?!!” sabi nya pagkagising nya.

Nagtawanan naman yung mga classmate nya including Margarette. Napatingin sya kay Margarette kase parang nanibago sya sa muka nito..

“teka? Sino ka?” tanong nya dito.

Napatingin si Margarette sa kanya. “huh? Ako ba?” tanong din nya.

‘parang nakita ko na to ah?’ pareho nilang iniisip.

 

‘ah! Sya nga! Sya yung kanina!’ sabi nila pareho sa isip-isip nila.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

wew! :)))

a blow to the heart (ongoing series)Where stories live. Discover now