"Gusto kong makita na kumpleto kayong team bukas pag practice. Onti na nga lang ang nag try out kulang-kulang pa kayo pag practice! Sige na! Lumayas na kayo!" Napaka bossy talaga netong tanda na toh. Tsk! Bat ba kasi siya pa Coach namin!
"Ang tindi din naman pala magpa practice ng Kuya mo noh? Hahaha! Walang pinipili. Kahit ikaw na kapatid niya hindi sinasanto😂" tss... kelan ba ako sinanto niyan? -___-"
"Ewan ko sayo Justine. Gutom lang yan. Dun nalang tayo sa labas kumain" ayoko nga sa bahay kumain! Mas okay na saking kumain ng walang lasang ulam kesa kumain na puro tanga ang maririnig sa bunganga ni Kuya.
Oo kapatid ko yung Coach namin. Teacher ko din siya sa Math. Nakakaiyak nga isipin na bantay niya lahat ng galaw ko dito sa School. Sabi na kasing sa Private nalang siya magturo eh! Paalis na sana kami sa field ng bigla akong tinawag ni Kuya
"Hoy Arthuro! Pumasok ka mamayang hapon ha! May quiz ako sa Math" Arthuro pa talaga ang tinawag! Pwede namang Art, Arthur. Ang pangit-pangit ng Arthuro! Pang sinauna
Ewan ko ba kasi sa mga magulang namin kung bakit pang sinauna pinangalan sakin. Nakakatakot na nga yung apelyido ko! Pang tamad at sinauna pa yung First name! San ka pa? Eto lang naman kasi ang pangalan ko "Juan Arthuro Mandirigma" ang saya diba?
Nag tricycle lang kami ni Justine papuntang Carenderia dahil wala naman kaming motor o bike. Mabilis lang din kami nakarating don. As usual onti lang ang kumakain pagdating namin. Pano ba naman walang lasa yung ulam. Lasang dagat pa yung tubig nila
Nilapag naman na namin yung gamit namin sa lamesa atsaka umorder. At kung sineswerte ka nga naman si Maldita ang bantay.
"Kayo nanaman pala. Anong kakainin niyo?" Tanong samin ni Maldita. Hindi niya yun tunay na pangalang syempre!
"Isang Bopis, Afrtitada at dalawang order ng rice sakin" pag order ni Justine
"Sakin naman Dinuguan tapos Ginisang sayote dalawang order nadin ng rice" tumango naman si Maldita atsaka inasikaso yung pagkain namin. Hindi ko naman napansin na may sinasabi pala siya sakin. Buti nalang at tinapakan ni Justine yung paa ko
"Nakikinig ka ba Pogi? Sabi ko kulang na yung kanin! Mag aantay ka ba o hindi?" Jusko. Nakatitig pala ako kay Maldita
"Ano.... sige okay na sakin yung amount ng kanin na meron jan" umirap naman siya sakin atsaka nilagay sa plato yung kanin
Mabilis lang kami natapos sa pagkain dahil nga kulang sa kanin. Di man kami nabusog pero okay lang. Atleast nakakain kami
Kasabay nga pala namin si Maldita sa tricycle kaya ang awkward. Syempre! Nakatitig ako sakanya kanina. Di ko nga alam kung bakit. Buti na nga lang din at madali lang ang byahe
"Kuya bayad po dalawa" inabot ko naman dun sa druver yung pera saka dumiretso sa gate. Di ko naman alam na may babae palang nag aayos ng sapatos sa daan kaya natapakan ko yung kamay niya
"Punyeta!!! Aray ko!" Patay! Si Maldita pala
"Bakit ka ba kasi andyan?! Di ko pa naman nakita na nag aayos ka ng sapatos" paalis na sana ako ng bigla siyang tumayo atsaka ako tinulak dun sa may gate dahilan para mapasandal ako
"OBVIOUS NAMANG DI MO NAKITA! ANO AKO UDO? HA? UDO? Letse!" Sabay sampal sakin. Abat ang tapang naman netong babaeng toh! Napatingin naman lahat samin ng papasok habang si Justine ay tumatawa lang dun sa tabi nung guard. Tss... napapahiya ako dahil sa babae na toh ha!
Hindi naman ako papayag na ako lang napapahiya kaya Hinawakan ko siya sa braso niya atsaka ko siya nilapit sakin.
"Ang tapang mo din naman eh noh? Eh kung parusahan kaya kita? Walang nagpapahiya sakin. Pano kung gawin ko to sayo?" Tatakutin ko naman na sana siya na hahalikan ko siya pero huli na ang lahat
"AAAAAHHHHH!!!" Dinakma niya lang naman ako sa may ari ko sabay layo
"Gago!Ang liit-liit nga niyang ano mo,kung makapag yabang! Halikan mo sarili mo!" Sabay alis ni Maldita. Langhiya. Pahiyang pahiya ako dun ah! Ang bwisit pa! Hinawakan ako sa ano!
"Wag mo kasi sasagutin ng ganon si Margareta. Nahawakan ka tuloy. Hahahaha!!!" Sayang-saya naman tong si Justine!
"Ulol! Gagantihan ko yun!" Sisiguraduhin kong ikaw naman ang pahiyang-pahiya
"TANDAAN MO TOH MARGARETA POLARIS!! MALAKI TOH!"
Papakita ko sayo! Mas malaki pa toh sa braso mo. Humanda ka sakin
YOU ARE READING
My Palaban Girl
Teen FictionHindi ko alam kung ano nagustuhan ko sa Babaeng yon. Napaka kulit niya, matakaw, maingay, malibog at napaka sungit. Hindi din naman siya ganon kaganda at katalino. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit sa dami ng babae sa School siya ang napili ko. B...
