"Uy,tara punta tayo sa canteen libre ko kayo habang vacant pa naten"sabi sa amin ni Cris"Totoo ba yan Kanyex Cris?baka gusto mo lang magpasama sa canteen kaya sinabihan mo kami na ililibre mo kame para sumama kami?"tanong ni Nina kay Cris.
"Syempre naman Nina totoo..kanina kapa ha!kailan mo balak tumigil?!"aso't pusa talaga halata naman na gusto nilang ang isa't isa,kahit hindi pa nila sinasabi sa amin.
"Hanggang mag-"pinutol ni Drauch ang sinasabi ni Nina at siya ang nagsalita.
"Tigil na tigil na..
kayo ha parang mga aso't pusa kayo palagi kayong nag aaway"sabi ni Drauch kay Nina at Cris,hindi na nag salita pang muli ang dalawa at pinili nilang manahimik nalang.
"Kalo ko bang manglilibre ka Cris?tara na"sabi ko naman kay Cris,pumayag naman siya at naglakad na uli kami.
-Canteen-
"Anong gusto niyo?ako nalang din ang bibili"sabi ni Cris sa aming tatlo.
"Dalawang fanta at isang pringles magkasama na kami ni Drauch don"sabi ni Nina kay Cris.
"O..ikaw ano ang sayo?pre"tanong ni Cris sa akin"fanta at piatos ang akin..samahan na kita magdala ng pagkain"sabi ko kay Cris.
"O,sige pre...tara"sabi ni Cris sa akin,pumunta na kami sa bilihan para mabili na namin ang mga gusto naming pagkain,nang nasa counter na kami may nakita akong babae na parang may hinahap siya sa wallet niya at hindi niya mahanap ito.
Bigla akong napatingin sa sahig ng canteen nang may nakita akong papel na may nakalagay na pangalan,pag angat ko sa aking ulo nakita ko ang babae na umalis na sa counter na nagmamadali na may parang hinahanap itong importanteng bagay,pinulot ko ang papel na nasa sahig at hinabol ko ang babae na umalis para tanungin sa kanya kung iyon ba ang hinahanap niya.
"Miss..Miss!!"sigaw ko sa babaeng na nasa labas na ng canteen,humarap na siya sa akin nang bigla akong natigilan at hindi makagalaw sa kwesto ko,ang ganda niya ANG GANDA GANDA NIYA parang anghel sa langit na bumaba sa lupa,gusto ko na ata siya.
"Mr!kung gusto mong may mapag tripan ka huwag ako..may hahanapin pa ko"sabi niya sa akin,mukha naman nga siyang anghel sa langit na bumaba sa lupa pero ang sungit sungit naman.
"Gusto ko lang sanang sabihin kung sayo to"sabi ko sakanya at pinakita ko ang papel na nasa sahig kanina ng canteen.
"Oo mr...thank you sa pagbalik"pagkatapos niyang magpasalamat sa akin hinablot niya sa akin ang papel at nagmadaling umalis.
"Ms..ms!!"sigaw ko dun sa babae,kung tinatanong niyo kung bakit ko siya tinatawag wala na kayong pake don este para tanungin kung anong pangalan niya.
"Ano?!"ay ang sungit niya talaga.
"P-pwede bang itanong kung a-anong pangalan mo?"nauutal na tanong ko sakanya.
"Nagtatanong ka ng mr...Tracy"ang gandang pangalan,TRACY.
"Glyx..ms"sabi ko sa pangalan ko kahit alam ko namang wala siyang pake don.
"Apat na letra na nga lang ang pangalan mo walang pang vowels "sabi niya sa akin,pano naman niya kaya nalaman ang pangalan ko?INTERESTING.
