We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Kamatayan

27 9 0
                                        

Matagal na kitang hinahanap.
Ba't di ka maapuhap?
O, kamatayan!
Ikaw ba'y nasa mga ulap?

Nang sila'y iyong kinuha
Ba't di mo ko sinama?
Sa nangyaring trahedya
Na ikaw naman ang may gawa!

Ako nga'y napabilang na sa mga patay.
At handa nang tumalikod sa mga nabubuhay.
Subalit ako'y iyong hinayaang matangay
Sa agos pabalik sa mga buhay.

At ito ako ngayon nagdurusa
Sa pait ng mga masasayang ala-ala.
O, Kamatayan asan ka na ngaba?
Ako ba'y iyong kinalimutan na?

Near-Death Experience [ Short Story ]Stories to obsess over. Discover now