TANGA KA KASE! (One-shot)

181 12 3
                                        

"Tanga ka kase."

Sabi ko dito sa seatmate kong tatanga-tanga. Si Libby.

Arts Class ngayon at kailangan naming mag-paint. Isang pad lang ang pwede naming gamitin kaya dapat ayusin namin.

Dahil nga tatanga-tanga siya, nagkamali siya. Nainis siya kaya ibinuos niya yung lahat ng paint dun sa pad niya.

"Pa'no na 'to!" Inis na sabi niya sa sarili.

Binigyan ko siya ng white paint. "Ayusin mo." Sabi ko sa kanya.

Mukhang nagets nya naman. Parang nakagawa siya ng abstract. Tss. Kala ko paiiralin na naman niya yung katangahan niya eh.

"Rio, salamat ha." Sabi niya sakin. Tinanguan ko lang siya at ipinass ko na ang gawa ko.

"Tanga ka kase." Sabi ko kay Libby.

Cooking class namin. At kailangan naming magluto ng dish na may toyo.

At dahil sa taglay niyang katangahan, ang inilagay niya sa adobo ay patis.

Di kasi nagbabasa.

"Anla anla! Konti nalang yung time. Di ko na mapapaltan to." Nag-aalala niyang sabi. Kaya ang ginawa ko, hinatian ko nalang siya ng dish na ginawa ko at sinabi kong ibahin nalang niya yung plating.

"Rio, thank you." Sabi niya sakin at nginitian ako. Napatitig ako sa ngiti niya pero agad ko ding iniwas ang tingin ko.

Gaya ng dati, tinanguan ko lang siya at umalis na.

Mula sa malayo ay nakatingin ako sa gawi ni Libby.

Nadapa siya dun sa bleachers. Balak ko sana siyang puntahan at itayo pero may lalaking lumapit sa kanya.

Inilahad nung lalaki yung kamay niya pero di niya yon tinanggap at tumayo siyang mag-isa. Pero wala pang sampung hakbang ay nadapa na naman siya. This time, natawa na ako.

Ibang klase talaga ang katangahan ng babaeng 'to. Natural yung pagiging ignorante niya sa mga bagay-bagay pero pakshet, di niya talaga maiwasan ang katangahan.

Minsan, nabubully siya dahil sa taglay niyang kaestupidahan, pero hindi niya yon pinapansin.

Minsang may nagtapon ng tubig sa damit niya, pero ang ginawa niya, kumuha pa ulit siya ng tubig at ipinaligo sa sarili niya. At take note, naghanap pa ng sabon.

Pero yung katangahan niya, dun ako nainlove sa kanya. Wala siyang pakealam sa paligid at ginagawa niya ang gusto niya.

Padalos-dalos lagi siya nang pagdedesisyon, kaya yun, lagi siyang napapahamak.

Pero dahil lagi akong nakamasid sa kanya, lagi ko siyang tinutulungan. Pero bago ko siya tulungan, sinasabi ko munang tanga siya.

Baka kasi mahalata niya na gusto ko siya.

Then one day, periodical exam namin. Dahil tatanga-tanga siya, di niya muna binasa ang instruction at tapos na siya nang makita niya.

"Tanga ka kase." Sabi ko sa kanya at sinulatan ko ang papel ko ng pangalan niya at kinuha ko ang papel niya at isinulat ko ang pangalan ko dun.

"Oy anla Rio! Ikaw ang ma-zezero niyan! Bat mo pinagpalit papel natin?" Pabulong niyang sabi.

"Alam mo kung bakit?" Tanong ko sa kanya. Medyo napangiti ako dahil nagkaron kami ng conversation.

"Hindi eh. *kamot-ulo* Teka, huhulaan ko. Tao ba 'to?" Inosente niyang sabi kaya di ko naiwasang hindi matawa.

Medyo yumuko ako habang tumatawa dahil baka mahuli ako.

"Hindi yon tao. Mamaya sasabihin ko sayo." Sabi ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako. "Kung ano man yang dahilan mo, thank you ha? Ikaw ang lifesaver ko." Nakangiti niyang bulong sakin.

Di ko maiwasang hindi mapangiti. At ngayon buo na ang desisyon ko.

Nang makapagpasa na kami ng papel, ipinatawag ako ng adviser namin dahil mali daw ang ginawa kong pagsasagot ng exam. Idinahilan kong masakit ang ulo ko kaya di ko napansin yung instruction. At sinabi niya sakin na kalhati lang daw ng makukuha kong score ang irerecord niya dahil hindi ako sumunod sa instruction. Tumango nalang ako. Mas maigi nang ako ang ma-zero kesa kay Libby.

Nang uwian na, eto na. Magtatapat na ako kay Libby. Nandito kami sa labas ng school sa tabing kalsada.

"Ah Libby. May gusto akong sabihin sayo." Sabi ko sa kanya. Di ko kayang maging straight to the point.

Dahil tanga siya, Im sure di niya agad magegets kaya mabuti nang di ko muna sabihin ng diretso.

"Ano yon Rio? Sabihin mo na. Dadating kasi yung kababata ko, baka di mo na masabi pag dumating na siya." Sabi niya habang nilalaro ang kamay niya.

"Ah Libby, ma—"

"Lavendeeeeer!" May sumigaw na isang babae sa kabilang kalsada. Kaya napaharap dun si Libby.

"Ayan na pala siya, bukas mo nalang sabihin, Rio. Babye." Nakangiti niyang sabi sakin.

Hindi ko alam, yun na pala ang huling pagkakataon na makikita ko siyang nakangiti.

▪▪

"Tanga ka kase."

Sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha galing saking mata.

Dahil tatanga-tanga siya, hindi niya napansin na may dadaang van na sobrang bilis ng pagpapatakbo.

"Tanga ka kase."

Paulit-ulit na sabi ko habang nakatingin sa puntod ng pinakatangang babae na nakilala ko.

Lavender Arellano
January 10 1995 - August 3 2011

"Tanga ka kase."

"Yan ang palaging sinasabi ko sa'yo. Ang tanga-tanga mo, Libby. Sa sobrang katangahan mo, di mo nahalata o naramdaman yung nararamdaman ko sayo." I said between my sobs.

"Pero may narealize ako Libby, sa ating dalawa, hindi ikaw yung tanga. Ako yung tanga, Libby. Ang tanga-tanga ko kasi hindi ko agad nasabi at napagtapat yung nararamdaman ko para sayo." Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. At mukhang nakikidalamhati sakin ang langit dahil biglang bumugso ang malakas na ulan.

"Lavender, Libby, mahal kita. Mahal na mahal kita. Mahal ko lahat ng tungkol sayo. At dahil dyan sa katangahan at pagiging ignorante mo, lalo kitang minahal. At ang tanga-tanga ko dahil nagpakatorpe ako, di agad ako umamin sayo dahil akala ko di mo maiintindihan ang nararamdaman ko. Ayan na yata ang pinakatangang desisyon, nag-akala ako. Hindi ko sinubukan. Hindi ako sumugal. Mahal na mahal kita, Libby. At patawad, patawad dahil palagi kitang sinasabihan na tanga, pero sana maintindihan mo, sa pagsasabi ko sayo kung gano ka katanga, ayun yung paraan ko sa pagsasabing mahal kita."

Katte's note: Hello dun sa magsasabing maikli. Hehehez one-shot nga diba? Sipain ko kayo jan eh hakhakhak. Thank you sa pagbabasa. Labyu ol :>

TANGA KA KASE! (One-shot)Where stories live. Discover now