Ampalaya.
Malamang 'bitter' kaagad ang pumasok sa isip mo. Bitter sa pag-ibig dahil iniwan ng boyfriend. Bitter sa pag-ibig dahil hindi mapansin ni crush. At bitter din sa pag-ibig dahil ikaw na lang ang nag-iisang single sa barkada.
Pero isa lang ang masasabi ko. Hindi yan ang nilalaman ng istoryang ito. Hindi ako bitter at wala rin akong boyfriend since birth. Maniwala man kayo o hindi, NBSB talaga ako. Pero hindi ko aakalain na matatagpuan ko ang taong mamahalin ko habang buhay. At alam niyo ba kung anong naging tulay sa aming pag-iibigan?
Ampalaya.
At eto ang kwento ng pag-ibig kong nabuo nang dahil sa ampalaya.
--------------------------
Ako nga pala si Nicoleen Zai Macasa. Maganda ang pangalan ko, alam ko yun at syempre, maganda rin ako. Feelingera na kung ganoon. Basta maganda ako sabi ng nanay ko.
Anyways, I'm still eighteen years young. Nakatapos na ako ng highschool bago pa man magsimula ang K-12 na program. But unfortunately, hindi pa ako makapag-aral ng college dahil hirap pa kami. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Gustuhin ko mang mag-aral pero hindi ko magawa. Nasa dugo ko na nga kasi ang pagiging dukha kaya ngayon nagtiyatiyaga na lang akong tulungan ang mga magulang ko sa maliit naming negosyo.
Nagtitinda lang naman kami ng mga prutas sa may palengke. Yun lang ang pinagkakakitaan namin. Kaya heto ako, ang pinakamabait na anak ng nanay ko ay masyadong abala sa pag-ientertain sa mga customers.
"Oh, boss! Anong sa'yo? Manga? P100 na lang ang kilo niyan para sa'yo boss!" sambit ko sa lalaking suki na ng tindahan namin.
"P100? Ang mahal naman!! Wala na bang tawad?"
"Ay! Ikaw talaga boss! Syempre meron! Dahil suki ka naman namin, ibibigay ko lang sa'yo yan ng P99."
"P99? Ano yun? Piso lang ang tawad?"
"At least pinatawad pa kita, boss!"
"Ikaw talagang bata ka! Maloko ka pa rin hanggang ngayon," aniya at ginulo ang buhol ko. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Oh, siya. Bigyan mo ako ng dalawang kilo."
"Okay boss!" Sabi ko naman at nagkilo na ng manga. Inilagay ko naman ang mga iyon sa plastik pagkatapos saka ko ibinigay sa kanya.
"Oh eto. P200 yan. Sabi mo P99 lang ang kilo. Sa'yo na lang yung dos na sukli. Ipunin mo, baka makapag-aral ka na niyan" Aniyang tumatawa pagkatanggap sa supot ng mangga.
"Aisshhh!! Kayo talaga boss!! Ang hilig niyong magbiro! Makakapag-aral din ako noh! Maghintay lang kayo!" Sagot ko sa kanya.
"Oo na. Oo na," sabi naman niya habang inilalagay ang supot ng manga sa basket ng bike niya. "Alis na ako!"
"Sige! Bye!! Balik po kayo uli!!" paalam ko.
Mga ilang customers pa ang bumili ng mga prutas sa tindahan namin kaya naging busy ako. Nang kumonti na ang mga tao nagpahinga muna ako. Kinuha ko ang cellphone ko at pinanood yung kadadownload ko pa lang na bagong Kdrama series ni Ji Chang Wook. Yung Suspicious Partner. Wala eh, kinikilig ako sa kanilang dalawa.
Nasa gitna ako ng panonood nang may biglang lumapit sa tindahan.
"Ah, miss. May ampalaya kayo?"
Napatulala ako sa kanya. Anu daw?
"Ah, miss?" Tawag niya sa'kin.
"Huh?"
Napakamot siya sa batok. "Ang sabi ko may ampalaya ba kayo?"
YOU ARE READING
Nang Dahil Sa Ampalaya (One Shot)
Short StoryHindi lahat ng ampalaya mapait. Depende lang sa kumakain. 😂😂😂
