Prologue

39 2 0
                                        

This is a work of fiction. Names, Characters, Places and Incidents are product of the authors imagination or are use fictitiously. any resemblance to actual person, living or dead, places and locations are purely coincidental.

-Enjoy reading.

-------------------------------------------------------------
Prologue:

"T-teka. Anong sabi mo? M-mahal mo ko?" Pag uulit nya sa sinabi ko na parang hindi nya naintindihan.

"Ang tanga ko no?" Iyak ako ng iyak at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

I took a deep breath and try to speak again "Ewan ko ba kung bakit minahal kita? Although alam ko namang hindi ka pwedeng magkagusto sakin, dahil..."

Tumigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko na alam kung saan pa pwedeng kumuha ng lakas para magpatuloy. Nanginginig na ang mga tuhod ko at nanlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak. "M-may mahal kang iba." Pagpapatuloy ko kahit napakahirap at napakasakit bitawan ng mga salitang yun para sakin.

Nakatingin lang sya sakin na halata ang pagkagulo at pagkagulat base on his face expression.

Alam ko namang kasalanan ko lahat to. Dapat lang na masaktan ako. Dapat lang na umiyak ako. Dahil ako naman ang nag lagay sa sarili ko sa alanganin. Nandamay lang ako ng ibang tao. Alam kong madami ang magagalit sa kin dahil sa kagagahang Pag ibig ko sa taong hindi naman ako gusto. At alam ko ding kahit saang anggulo mo tingnan eh ako parin ang lalabas na masama.

Kaya ako umiiyak dahil galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa bwisit na nararamdaman ko.

Hindi pa rin sya nagsasalita at ni hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan nya para syang naistatwa at gulong gulo ang isip dahil sa mga sinabi ko.

"S-sorry. Sorry talaga. It's all my fault. Sorry din kung nasira ko yung party nyo." Sabi ko sa kanya habang patuloy parin sa Pag iyak. I really mean it. Totoong sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari. you know why, 'coz he don't even harass me to love him. Ako lang tong kusang nakaramdam, ang masakit lang ay bakit sa kanya pa. Pwede namang sa iba.

Parang nabalik naman sya sa katinuan at aktong lalapitan nya ako. Kaya umatras ako ng bahagya.

"Sorry." Ang huling salitang binitawan ko bago tumalikod at naglakad palayo sa kanya.
Hindi ko na sya hinayaan pang makalapit sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang lumingon pa sa kanya. halos kapusin ako ng hininga 'coz i gave all my remaining energy to walk away from him. Hindi ko na kayang magtagal pa na kasama sya. Dahil habang tumatagal kami sa ganung sitwasyon ay mas lalo lang akong nasasaktan.

Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad. Lakad na naging takbo. Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Napansin ko ngang pinagtatawanan na ko ng mga taong nakakasalubong ko dahil sa itsura ko. Pero wala akong paki alam dahil mas masakit yung sakit na nararamdaman ko.

Pakiramdam koy namanhid ang buong katawan ko. Kasabay ng pamamanhid ng puso ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Patuloy lang ako sa Pag takbo hanggang sa makarating ako sa isang play ground.

Then I found my self na nakaupo sa isang swing while crying. As if there's no tomorrow will come. I feel so empty. Pakiramdam ko ay ako ang pinaka malas na tao sa mundo.

After AllWhere stories live. Discover now