Kaytagal na rin noong una,
Noong una kang makilala at ako sayo'y nagpakatanga
Kaytagal na rin buhat noon,
Subalit ako sayo'y lunod pari't di makaahon.
Hindi makausad, hindi makalabas.
Hanggang ngayo'y naghihintay;
Naghihintay na makawala sa ala-ala ng ikaw.
Sa bawat halik mo't yapos.
Ikaw saki'y hindi na ngunit bakit puso ko'y sayo pa?
Bakit kahit puro galos sayo parin tumitibok?
Bakit kahit dala mo ay pait, hapdi at sakit, ako'y patuloy na sayo'y bumabalik?
Nais nang makawala.
Nais nang mahinto.
Nais nang ikaw sa puso ko'y maglaho.
Nais nang ito ay makalaya sa bigat na sayo nagbuhat.
Nais ulit makadama ng kakaibang ligaya.
Ngunit paano kung puso ko'y puro takot?
Takot na ikaw ang nagdulot.
Takot na baka mangyari muli ang nagdaang lungkot.
Takot na sa huli, ako ulit ay masasawi.
Sabihin mo kung paano.
Paano magsisimula gayong pag-ibig ko sayo'y di pa tapos?
Sabihin mo kung paano.
Paano mawawala ang pag-ibig at sakit na hanggang ngayo'y nasa dibdib at ala-ala pa?
Nadarama't nakaukit.
Paulit-ulit na sumasakit.
Kahit na ang lahat ay kaytagal na.
Oo kaytagal na.
Kaytagal na rin buhat noon.
Noong una kang makilala.
KAMU SEDANG MEMBACA
Buhat Noon
PuisiHindi makawala, hindi makaahon. Naghihintay sa wala. Umaasa sa makausad.
