Prologue

672 30 12
                                        

"Good! Look to the side, Adrianne!"

Sinunod ko ang sinabi ng photographer na kumukuha ngayon ng photos ko at pinaigting pa ang panga ko para mas makita ang hulam noon. Narinig ko na naman ang iilang click ng camera at halos masilaw na ako sa flash nito pero nanatili pa rin na seryoso ang aking mukha.

Nang makuntento sa mga nakuhang photos sa gano'ng pose ay kusa naman akong humarap sa camera para makapag-pose ng panibago. Binaba ko ng kaunti ang shades na suot ko sabay kindat sa camera na nagustuhan ng photographer kaya naman nakakuha ulit ako ng compliment mula sa kaniya.

"Oh, that's better!" Click lang ng click ang photographer habang kung ano-ano ring anggulo ang ginagawa niya. Sinusundan ko lang lagi ng tingin ang camera habang paiba-iba rin ng pose.

Pagkatapos ang halos isang oras na photoshoot ay natapos na rin ako at tinawag na ang mga susunod pang model para sila naman ang kuhanan. Nagpasalamat ako sa photographer na ngiting-ngiti na chine-check pa rin ang mga kuha niya sa akin. Pinakita pa nga eh at tuwang-tuwa sa kinilabasan ng mga photos ko.

Kinausap pa niya ako tungkol sa pagmo-model ko sa mga ganitong photoshoot na ine-entertain ko rin naman ng mga sagot kaya lang naputol nang kinailangan na niya mag-start ulit. Tapos ay tinawag pa ako no'ng kaibigan ko kaya nagpaalam na rin ako sa photographer at patakbong lumapit kay Reinard.

"Angas mo na naman," asar nito agad nang makalapit ako sabay pabirong tinapik ang tiyan ko na sinubukan kong iiwas sa kaniya na natatawa rin. "Kain na kain mo na naman oras no'ng ibang models! Kaya ang sama na ng itsura no'ng iba eh. Inip na inip na."

Tumawa lang ako at napailing sa kaniya, kumuha lang ako ng monoblock at itinabi iyon sa kaniya. Pero ayun nga ang napansin ko kanina nang matapos na ako kuhanan. Halos nakasimangot na iyong mga sumunod sa akin at parang nakahinga nang maluwag ang mga itsura nila nang naglalakad na ako paalis dahil sila na ang sunod.

Gano'n naman lagi ang nangyayari lagi sa tuwing may booking ako na photoshoot. Laging napapasobra ang oras na kinakain ko dahil masyadong naaaliw sa akin ang mga photographer. Kaya lagi rin masama ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko kung meron man. Lalo na kung bigla akong kinuhanan ng solo photos kahit wala sa plano. Kasalanan ko ba kung betang-benta sa mga photographers itong kagwapuhan ko?

"Ano? Napag-isipan mo na ba 'yung sinasabi ko?" Tanong ni Reinard sa kalagitnaan ng pagbubura namin ng manipis naming makeup gamit ang makeup remover. No'ng una, hilamos lang ay sapat na sa akin kaso nakagawian ko nalang rin ang paggamit ng remover dahil sa impluwensya ni Reinard. Mas maganda daw kasi sa balat, iwas pimples daw. "Sumama ka na, dali!"

"Ayaw ko nga," sagot ko sa tanong niya. Last week pa talaga ako kinukulit nito.

"Sige na, Adri!" Padabog siyang sumandal sa upuan niya at parang bata na ngumawa sa akin. "Samahan mo na ako mag-apply sa modeling agency!"

Hindi pa siya nakuntento sa pag-ngawa niya at hinawakan pa ako sa braso sabay yugyog doon. Eh sa laki ng katawan nito halos ma-out of balance na ako sa upuan ko. Napahawak pa ako sa lamesang nasa harapan ko para lang hindi tuluyang matumba. Gigil ko siyang tinignan, hinablot ng marahas ang braso ko mula sa kaniya.

"Parang hindi tropa oh!" Reklamo niya pa at maangas na hinampas ang lamesa. Humarap pa siya sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"Ano?" Tinanguan ko siya, pinapantayan ang angas niya. "Papalag ka na ba? Matibay na ba 'yang mga buto mo?"

Bigla siyang sumimangot at nag-tantrums ulit. "Bakit ba ayaw mo? Gago, maraming agency magkakandarapa diyan sa mukha mo! Pag-aagawan ka ng mga 'yan!"

"Ulol," ang tanging nasabi ko. "Sabi nang wala akong interest sa mga ganiyan. Kung hindi lang naman ako kumikita dito, hindi ko papatusin 'to eh."

"Eh mas kikita ka nga ng malaki kung may agency ka na! Mas dadami bookings mo kasi sila ang tutulong sa 'yo!" Paliwanag niya sa akin na hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin. "Hindi kagaya ng mga ganito, swertihan lang kung may kukuha sa 'tin."

Reaching The Blinding Sky [Celebrity Series 1]Stories to obsess over. Discover now