IMAGINE ONE // GOING PUBLIC

54 5 2
                                    

Y/N - your name
Y/T/U - your twitter username

Inayos ko ang dress ko at huminga ng malalim. Ngayong araw kasing i-aannounce ni Harry na couple na kami. Five months na kami at sa tingin naming dalawa na right time ng sabihin sa buong mundo na kami na.

"You ready, love?" Ngumiti ako at tumango kay Harry. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Hindi ka kinakabahan?" Tanong niya sakin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masaya ba dahil finally, makalabas na kami ng hindi patago. Malungkot dahil wala na akong private na life.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman to be honest." Tumawa si Harry at hinawakan ang kamay ko. Tumingin siya sakin at napangisi.

"Just remember na nandiyan lang ako. Huwag kang mag-aalala." Tumango ako at tumawa. Ang cute rin kasi ng kulot na to.

"Alis na tayo. Baka malate pa tayo."

I-aannounce kasi ni Harry sa isang interview na kami na. 30 minutes ang nakalipas at nasa dressing room na kami. Kasama ko si Harry, Anne at Gemma ngayon. Ang saya-saya ko nga dahil nandito sila.

"Y/N, pupunta na ako sa stage. See you later." Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti. Umalis na siya ng dressing room at pumunta na sa stage. Sinamahan ako ni Gemma sa backstage, nanonood kaming dalawa kay Harry.

"Okay, this is the most requested question from your fans. Are you single or not?" Napatingin ako kay Gemma at nginitian niya na lang ako. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Well, I'm in a relationship right now. Nandito siya actually." Napuno ng gasps ang audience at ang nag-iinterview. "Pwede bang papuntahin mo siya dito?" Tanong ng interviewer, tumango si Harry at pumuntang back stage.

"Ready ka na?" Huminga ulit ako ng malalim at tumango sa kay Harry. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming dalawa lumabas ng back stage at umupo sa couch na nakahanda.

"So tama pala ang mga rumors huh?" Tumango si Harry at ngumiti. Inakbayan niya ako at tumingin sakin. "So ilang months na kayong dalawa?" Tanong ng interviewer.

"Five months." Ngumiti kami ni Harry sa isa't isa. Tumawa na lang ang nag-iinterview at tinanong pa kami ng mga ilang tanong.

"Before matapos ang interview na to, sana huwag niyong bigyan ng hate si Y/N. I love her and seeing her cry dahil sa mga hates makes me sad. Ako ang bigyan niyo ng hate, huwag si Y/N." Nanlaki ang mata ko habang sumagot ng 'oo' ang mga audience which is mga fans ni Harry.

"Thank you so much Harry and Y/N. This is Rica and thank you for watching!"

. . . . .

"So far, wala pa namang hates diba?"

Two days na after ng interview, nandito kami ngayon ni Harry sa bahay nina Anne. Dito kami nagstay for two days.

"Meron namang hates pero hindi naman ganun kadami." Sumimangot si Harry at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang twitter niya.

Harry Styles. Please stop sending hate to Y/T/U. It makes me sad that some of you are sending hate to her. If you've got nothing good to say then don't say it. H.

"Haz." Tumingin siya sakin at ngumiti. Ang swerte ko talaga dahil may Harry Styles ako sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin kung wala siya.

. . . . .

hi! so ito na nga ang first imagine ng book. sorry talaga kung hindi siya ganun kahaba o kaganda. first time ko kasi gumawa ng imagine. vote, comment and don't forget to like our page Harry Styles Tagalog Memes and follow our twitter @hstmphil.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Harry Styles Imagines // Taglish Where stories live. Discover now