Pinagtutulak ko sila at ginantihan ng batok hanggang sa tumigil na sila. Tumayo ako at hinabol ang dalawa. Tumakbo kaagad ang mga hinayupak. "'Langya kayo—hoy! Magpahabol kayo! Lumapit kayo rito!" Asar na sigaw ko habang nakikipag-ikutan sa kanila sa sofa at center table. Loko-loko 'tong mga 'to, lintik lang ang walang ganti!

"Ayaw!" Tatawa-tawang sigaw ni Ate. "'Langya ka rin kasi, akala ko naman kung anong meron, 'yon lang pala! Pinakaba mo pa kami!"

"Mas kabahan kayo kapag naabutan ko kayo!" Umakyat ako sa sofa para abutin sila pero mabilis nakaiwas ang mga ito. Tumakbo agad sila sa dining room kaya humabol ako. Sa mahabang lamesa naman kami nag-ikutan.

"Bakit kasi binanggit mo yung buong pangalan namin? Nakakatakot kaya ang dating!" sigaw ni Yanyan.

"Pakialam ninyo ba? Eh, sa gusto ko!" sagot ko. Takte, ang lilikot ng mga 'to. "Huwag nga kayong magalaw!"

"Huminto ka muna sa paghabol!"

"Ano kayo, sinuswerte? Kayo muna!"

"Ikaw muna, mananakit ka panigurado!"

"Buti alam ninyo. Huminto kayo sabi!"

"Utot mo!"

Aba, ginagalit talaga ako ng mga 'to, ah. Kung anu-anong strategy na ang ginawa ko para mahabol sila kaso masyado silang magalaw. Sina Juliet naman, halatang aliw na aliw sa ginagawa namin. Lintik, napapagod na ako.

"H-huminto—na—kayo...Hoy!"

"Ikaw muna!" sigaw nila sa'kin. Tinatakbukhan pa rin ako.

Ayoko sana tumigil pero waley na talaga, 'di na keri ng energy ko. Labag man sa kalooban ay huminto na ako. Hingal na hingal akong bumalik sa living room at humiga sa sofa. Inabot ko yung cookies at kumain.

"Oh, ano, suko ka na?" tanong ni Ate na nasa harapan ko na. Medyo malayo pa rin sila sa akin.

"Eto kayo, oh," Inangat ko ang kamao ko at tinaas yung pinky finger ko. 'Di naman ako nagdi-dirty finger. "Pasalamat kayo hindi na ako makagalaw, mga hinayupak kayo."

Nag-gasp sila ng exaggerated. "Bad ka, ano yung ginawa mo?"

"What? Para namang yung middle finger ko ang tinaas ko. Huwag nga kayo, ang aarte ng mga 'to." Kumuha pa ulit ako ng maraming cookies. Buti na lang abot ko, tinatamad ako bumangon, eh.

"Are you alright, Mine?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Juliet. Umupo siya at hiniga ang ulo ko sa kandungan niya.

"Tingin mo?" mataray na tanong ko.

"Sungit." Ngumuso siya. Pinunasan niya ang pawis sa mukha at leeg ko gamit ang sariling panyo.

"Under na talaga 'tong bata natin." parang nalulungkot na ewan na sabi ni Ate.

"Okay lang 'yan, okay lang 'yan." Pang-aalo naman ni Yanyan sa kanya habang tinatapik ang balikat nito. Sumandal naman si Ate sa kanya. Pasimpleng tsansing.

"Under? Ang sweet kaya nila. 'Di ba, baby?" tanong ni Dianne kay Trisha.

"Yes, baby. They're like us. We're just sweeter than them." Hinalikan ni Trisha sa pisngi ang girlfriend.

"Mga bulag, under nga si Juliet! Tingnan ninyo, oh, inaalipin lang ni Cindy." sabi ni Yanyan.

Tiningnan ko siya nang masama at agad siyang umiwas ng tingin. "Humanda ka talaga sa'kin."

"Don't worry, guys," singit ni Juliet, "Kapag nag-honeymoon na kami, I'll make sure that Cindy will be under me—ouch!" Napadaing siya nang kurutin ko ang tagiliran niya. Siraulo kasi. Nakasimangot na tumingin siya sa akin. "That hurts, love."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now