Ang tahimik ng buong Bakuran. Nagkalat ang ibat ibang uri ng bulaklak sa paligid. Maganda, kasing ganda ng sikat ng araw na nakatirik na maaaring makapag patuyo ng mga sinasampay kong mga damit na nilabhan. Masarap ang simoy ng hangin kasabay ng pag awit ng mga ibon.
"Ang swerte ninyo, malaya. Kaylan kaya ako?" Tanong kong nakatingin sa mga ibong tahimik na lumilipad at dumadapo sa punong mangga sa likod ng aming bakuran.
Malaki ang aming bahay. Kaya ko itong ihalintulad sa mga mansyon sa Maynila na pagaari ng matataas na tao. Kunsabay, kilala at matataas na tao ang mga Magulang kong kilala sa kanilang Malaking pabrika. Mayroon na itong 5 replika sa bawat panig ng bansa.
Ang puting kulay ng Mansyon ay sumisimbolo sa karangyaan ng Pamilyang kinabibilangan ko. Ang magarbo at maluwang na double door ang sasalubong saiyo matapos lakbayin ang mahabang kalsada mula sa main gate ng mansion. Malawak ang lupain, malawak na tila kaya pang tayuan ng dalawang normal na bahay para sa isang pamilya. Ngunit mas piniling taniman ng Bermuda grass at hayaang bakante ang mga lugar.
"Summer!" Dinig ko ang matinis na sigaw ni Mama.
Mabilis akong nagpunas ng kamay gamit ang aking damit at tumakbo papunta sa maluwang na sala ng Mansion.
Nakaupo siya sa sofa ng tanggapan ng aming sala, may Pagkain sa kanyang harapan at donyang donyang nakadekwatro paupo.
"Po ma?" Pinunasan ko ang namuong butil ng pawis sa aking Noo ng tanungin siya noon.
"Puntahan mo si Ken. Asikasuhin mo" kalmado niyang tanong habang tinitingnan ang magandang may kulay na kuko. Hinihipan pa niya ito bagya bagya. Batid kong kakatapos lamang ng kanyang Spa Session.
"Hindi pako tapos sa paglalaba Mama. Si Sunny po ba? Wala naman pong ginagawa iyon" reklamo ko.
Napaangat siya sa akin. Mataman nya akong tiningnan.
"Nagrereklamo kana?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ito ang unang beses.
Hindi ako nagrereklamo. Kung nagrereklamo ako, sana'y noon pa. Mayaman ang aking Pamilya. Pero bakit kailangang ako pa ang maglaba ng sarili kong mga damit? Maglinis ng sariling kwarto? Bakit kailangan ako lahat ang gagawa para sa sarili ko? Bakit si Sunny ay hindi?
"Hindi naman po sa..." Hindi nya ako pinatapos.
"Hindi sa ganon? Ha? Pasalamat ka't... Pasalamat ka't..." Naghintay ako sa kasunod ng kanyang sinasabi ngunit hindi niya itinuloy. I smirk, nabusan ng sasabihin ang isang ito.
"Ano po Ma?" Napairap ako't tinalikuran sya.
"Summer! Bastos kang bata ka! Wala kang utang na loob!" Rinig kong sigaw nya habang paakyat ng hagdan. Umere ang kamay ko at kumaway sa kaniya patalikod.
Napahagikgik ako habang nasa labas ng itim na pinto ng kapatid ko. Alam kong hindi ko dapat siya istorbohin dahil bukod sa nakalagay na don't disturb na nakapaskil sa pinto ay baka mamaya mabato nanaman ako ng Vase nito. Hindi pa magaling ang sugat ko sa ulo ng pukpukin ako ng laptop ni Sunny. Makirot pa at ayoko pang dagdagan. Sabi pa nya'y matigas talaga ang ulo ko. Umiyak sya at nagsumbong kay Mama dahil nabasag ang screen noon.
Kumatok ako upang ipaalam ang pagdating ko.
"What, stupid?!" Sigaw niya mula sa loob ng kanyang silid.
"Kumain kana Jerk!" Sigaw ko din at muling kinalampag ang pinto.
"Ayoko! Get lost!" Ay oh. Bongga ng lambingan hindi ba?
"Lumabas kana. Nakahain na ang pagkain mo" mas malumanay kong sabi. Baka sa kaling madaan sa maayos na usapan ito.
Nagulat ako sa malakas na tunog ng nabasag na Vase. Sabi na, buti hindi ko binuksan agad. At mas nakakagulat ng bumukas ang pinto at nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula sa cute nyang kamao.
YOU ARE READING
Life of an Ordinary Summer
Teen FictionSummereigh Alvarez - Henemeye 💓 © All Rights Reserved.
