"Nagtext na ba sayo si Mika? Nasaan daw siya? Oay lang ba siya?" Kim.

"Hindi pa nga eh. Wala pa akong contact sa kanya. Pero tatawagan ko nalang maya maya after breakfast." Cienne.

"Jusko, nasaan kaya napadpad si Mika. Tumawag ka na ba sa kanila? Baka mamaya nandun naman pala yun sa bahay nila." 

"Hindi pako tumatawag pero sige mamaya. Aakyatin ko muna si Ara sa taas. Baka mamaya kung ano nanamang nangyare sa kanya parang kaninang madaling araw." Sabi ni Cienne at akmang patayo na. 

"Cienne wait lang, sama ako." Sabi naman ni Kim na papunta na sa direction ko pero agad akong nagpakita sa kanila. Pareho silang gulat. 

"Oh, Kanina ka pa ba nandyan?" Tanong ni Kim sa akin.

"Ha? Hindi naman. Kakadating ko lang. Bakit?" Pagsisinungaling ko sa kanya. 

"Ah ganun ba. Osige, tara na. Kain na tayo ng breakfast. Hinihintay ka lang namin ni Kim." Sabi naman ni Cienne sa akin at pumunta na kaming tatlo sa dining at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming tatlong kumakain. Walang nagsasalita. Hindi ko masyadong ginagalaw ang pagkain ko. Wala naman kasi akong gana eh. Masakit parin yung nararamdaman ko eh. Mahal ko eh. Bakit iniwan niya ako. Alam ko namang mahal niya ako eh. :'( Nararamdaman ko naman yun pero bakit ganun yung kinalabasan? :'( Ayoko na ng ganito. Ito nanaman ba tayo? Hindi nanaman ba ipaglalaban yung nararamdaman? Ayoko na eh. Sawa nako. Handa ko nanamang ipaglaban yung nararamdaman ko para sa kanya eh. Siya nalnag naman yung hinihintay ko eh. :'( 

"Vic.. Wag ka ng umiyak." Sabi ni Cienne sabay pahid sa luha ko. Hindi ko namalayang naiiyak nanaman pala ako. I gave her a fake smile. Pero patuloy parin yung pagtulo ng luha ko. 

"Ara.. Hintayin mo lang si Ye. Saglit lang yan mawawala." Sabi naman ni Kim sa akin. Napailing nalang ako.. Ayokong umasa eh. :'( Part of me gustong umasa pero yung isang part gusto ng bumitaw. :'( 

"Galawin mo naman yung pagkain mo. Hindi ka na kumain kagabi eh. Kainin mo na yung breakfast Ara." Sabi ni Cienne sa akin. Pero hindi ko parin to ginalaw. 

"Hindi ako gutom Ienne. Sige, akyat muna ako. Alis na rin naman ako. Dun muna ako sa condo ko." Sabi ko sa kanila at umakyat na. Narinig kong tinawag nila akong dalawa pero hindi na ako lumingon. 

Umalis na ako sa bahay nina Kim at Cienne. Nagpaalam na naman ako na aalis na ako. Sinuggest nilang itahtid ako pero hindi nako pumayag. Kaya ko naman ang sarili ko. Dumiretcho ako agad sa condo at umakyat sa kwarto ko. Karating ko naman doon ay dumapa agad ako sa kama. Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung wallpaper ko. Picture namin ni Mika na naka kiss ako sa cheeks niya nung nag tagaytay kami. 

"Baby, anong nangyare sa atin? Nung nagkita tayo okay pa naman tayo eh. Ang sweet sweet pa nga natin, nararamdaman mo namang mahal mo ako eh. Alam ko yun kasi ganun yung ginagawa ko sayo. Pero bakit sa isang iglap bigla bigla nalang nawala lahat yun? Akala ko ba okay na tayo? Wala ng kung ano man. Akala ko sabay nating ipaglalaban kung anong meron tayo.. Pero bakit bigla ka nalang bumitaw? Bakit? :'( Mika ang sakit. Bakkt kailangan mong gawin yun. Ng wala man lang explanation sa akin. ;'( Mukha akong tanga kakahintay sayo. Kakatext.. kakatawag.. kakahabol sayo. Pero ginagawa ko yun kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. At hindi ako naniniwalang hindi moko mahal dahil alam ko. sa puso ko na mahal mo rin ako." Mukha akong tanga kakakausap sa picture namin sa phone ko. Hahaha. Gago na ba? Tanga na kung tanga, wala eh. mahal ko siya. Ano pa nga ba? 

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon