Chapter 1 : Nanay

24 0 0
                                    




CHAPTER 1.




  "IJA, anak." napalingon ako habang tinutuloy ang pagtupi sa aking mga damit. 


 "Ma? Bakit po? " Tanong ko at kinuha ang pantalon upang matupi na ito. 



 "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede namang dito ka nalang maghanap ng trabaho, pwede kong sabihan si Mareng Corpus para bigyan ka ng trabaho sa factory nila."
 Napabuntong hininga ako sa narinig at itinigil ang pagtutupi.

 "Ma naman, diba sabi ko sayo, sigurado na ako. Buo na pasya ko. Sa Manila ako maghahanap ng trabaho. Mas madali dun ma. Hindi dito. Ayoko dito. Ayoko rin magtrabaho lang dahil sinabihan niyo ang ka-Mare niyo. Gusto ko ang makukuhang trabaho yung paghihirapan kong kunin."
 Paliwanag ko kay Mama at tinapos ang pagtutupi, agad ko na din ipinasok sa aking malaking bag ang aking mga naituping damit. Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Mama.


 "Ganun ba? Wala na talaga akong magagawa para maiba ang desisyon mo." may pagsusukong sabi ni Mama. Nginitian ko si Mama. Matapos marinig ang ingay ng pagsarado sa zipper ng aking bag ay agad kong yinakap si Mama.


 "Mama naman. Alam mo naman pangarap ko na magtrabaho sa isang malaking companya diba. Atsaka mama, hindi ko kayo papabayaan. Pag-aaralin ko pa si Coco, magpapadala ako ng pera agad pag may sweldo na ako." Sabi ko at hinalikan sa pisnge si Mama.


 Tango ang nasagot ni Mama at mangiyak-ngiyak na tumingin sakin.

 "Malaki na nga talaga ang panganay ko. Mag-iingat ka dun ah? Lagi kang tatawag, kapag kelangan mo ng kausap, andito lang kami ni Coco at Zia." Paalala ni Mama at di na nga naiwasang pigilan ang kanyang luha at kusa na itong tumulo. Nagpangiti ako kay Mama.
 Agad kong pinatuyo ang pisnge ni Mama. Napailing nalang ako.


 "Mama naman eh. Aalis lang ako, wag mo naman akong iyakan. Sabi ko naman sayo, no drama diba?"


 "Oo na. Pero di ko lang mapigilan maging emosyonal eh. Lalo na sa panganay ko. Ngayon ka lang malalayo sakin ng ganit--"


 "Ma naman, ayan ka na naman eh." Naiiyak na natatawa kong saway kay Mama. Pati ako nadamay na sa emosyon niya.


 "Pasensya ka na talaga anak. Ganito si Mama ha?" paumanhin ni Mama at ikinulong ang mukha ko sa magkabilang palad ng kamay niya. Tumango-tango ako bilang sagot.


 "Opo ma, naiintindihan po kita." bulong ko kay Mama at yinakap siya ng mahigpit .





"Uy Bes, ang higpit na ng yakap mo sakin ha. Kalas na nga." sambit ni Yan na may halong inis. Natatawa akong kinalas ang yakap sa kanya at inayos ang upo sa sofa.


 "Eto naman, ang arte."


 "Eh kase naman, pag-uwi ni Angel dito, makita ka nun, magseselos yun sayo." paliwanag niya.

A Different Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon