Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Monte—"

"Freen," It's my dad.

"Dad."

"How are you? Miss na miss na kita." He said.

"I miss you too dad, everything is alright and I'm really excited about the wedding. Do you want to meet me?" I asked. Okay na kami ni dad, pero hindi alam ni Levinn o nino man na nagkikita kami ng daddy ko. Dinahilan ko na lang sa kanya noong pumunta siya sa condo ni daddy ay nag-stay in lang ako. Pero nagkakilala na silang dalawa. I introduced him as my boyfriend. 

"Yes, but..."

"But?"

"Do you want to meet your mom too?" My dad said. I sighed.

"Not now dad, not now." Again, I don't want to see her. I really don't want.

"Okay Freen, meet me tomorrow okay? Isama mo siya." Napangiti naman ako. Tiyak na patay si Levinn bukas.

Nagising ako nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko, nakatulog pala ako kanina sa kakahintay sa kanya. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang gwapong lalaki na hinahalik-halikan ang pisngi ko.

"Pati ba naman tulog minamanyak mo?" I asked him lazily dahil nga kakagising ko pa lang. I smiled at him, ang gwapo talaga niya.

"I can't resist you."

"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, gusto lang kitang pagmasdan matulog."

"At manyakin?" Dagdag ko pa.

"Freen." 

"Where's my kiss?" I asked, he smiled and leaned down to my face to kiss me. It was just a smack but it was full of love.

"I'm so excited to have a family." He said. Napangiti ako sa sinabi niya, gusto ko na rin kasing magkapamilya kasama siya.

"Ako rin naman. Pero bago ang pamilya, dad wants to see us tomorrow. He wants to talk to you. Lagot." He suddenly turned pale.

"Y-Your dad?" He asked.

"Yeah. Be ready nangangagat yun."

"Don't scare me! I'll eat you." Banta niya. I just smirked.

"Go on Montemayor."

Nanghina ako ng makita ko silang papalabas ng elevator. Kitang kita ko pa kung paano hawakan ni Levinn ang kamay nang babaeng kasama niya. Bakit ko ba nararanasan ang ganitong sakit? Bakit? Kung malaman ba niya ang dahilan ko kung bakit ko siya iniwan, maiintindihan ba niya ako?

"Freen, ano yung—"

"Ah, Sindy pwede ikaw na lang mag break? I suddenly got a message and it's important. I need to go home." I said. She just smiled at me and nodded. Dali dali akong bumalik sa office ko at doon ko iniyak ang sakit na nararamdaman ko. Mahal ko siya eh, mahal na mahal. At alam kong nasaktan ko siya ng sobra, naging miserable rin siya dahil sa akin. Pero ano pa ba ang ginagawa ko dito? Nasasaktan lang ako.

I dialed Mr. Rou's number, my manager in San Adolfo's Engineering Corporation. After a few minutes he answered my call.

"Good day. This is Mr. Rou's secretary."

"Hello, this is Freen Laurel. Member of his team, may I talk to him?" I said politely.

"Okay Ma'am, I'll transfer the call to him, just wait for a second." Naghintay lang ako ng ilang segundo at tinaransfer na ng secretary niya ang tawag ko.

"Freen? What's with the call?" He asked.

"Mr. Rou, I'm sorry but I cannot do my job here. I want to resign." I heard him sighed.

"Freen, we don't want to lose you in our company. You're a great Civil Engineer and you're one of the golds of the company. Do you want your team to come with you? I'll send them there, just don't resign in your job." He begged.

"I—I have some matters to deal with, and don't get me wrong. Montemayor Empire is good enough. I just have some matter to deal here in the Philippines, I don't want my problems affect my work." I said.

"Please Freen, don't quit." There's a sadness in his tone.

"Mr. Rou, I hope you understand me. Please." I begged him. This is the right way, at ito lang ang nakikita kong paraan para hindi na masaktan. And to move on.

I heard him sighed very deep. "Freen, my company is always here for you okay? If you want to go back, just call me okay? Thank you for working in my company Freen. Just send me your resignation later and I'll talk to Montemayor Empire to replace somone to your position there. Take care okay? Bye."

"Bye." I hang up.

"So that's what you want?" Bigla akong napatigil ng marinig ko ang malamig niyang boses. Parang tumigil lahat ng bagay na nasa paligid ko sa narinig ko. His voice.

"You are running again, you're fvcking leaving again." This time dahan dahan akong humarap sa kanya, and I met his gaze. His intimidating gaze.

"Bakit? Dahil sa nakita mo? Aalis ka? Are you fucking kidding me? Ikaw nasasaktan? Ikaw diba ang nang-iwan?" Hindi ako makapagsalita. Walang nalabas sa bibig ko.

Bigla niyang sinipa yung upuan sa gilid ko. Natatakot ako, natatakot ako sa nakikita ko. Galit na galit siya.

"Fvck this!" Sinuntok niya ang pader ng ilang beses.

"Fvck this life!" Gusto ko siyang awatin sa pagsuntok niya sa pader, pero hindi ako makaalis sa pwesto ko. Nanigas ako sa nakikita ko.

"Mali na naman ako! Maling mali!" Gusto ko siyang yakapin, gusto kong magsalita. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong ilabas din ang nararamdaman ko, pero napako ang tingin ko sa kanya. Kung gaano siya ngayon kagalit sa mundo. Humarap siya sa akin habang umiiyak.

"Pumunta ako dito para kausapin ka, dahil gusto kong linawin ang nakita mo. Gusto kong magpaliwanag sa'yo. Oo inaamin ko sinusubukan ko ulit na tanggalin ka sa isip ko, dahil baka masaktan na naman ako. I'm afraid of losing you again! I'm afraid that one day, I'll wake up again na wala ka na. Sinusubukan kong tanggalin ka ulit sa isip ko. But when I saw your face a while ago, nawala lahat ng takot ko. Nawala dahil nakita kong nasasaktan ka. Itong puso ko, tatlong taon nagdusa, tatlong taon akong miserable Freen, at lahat ng iyon dahil sa'yo. Tatlong taon akong walang buhay. Ang perkpektong relasyon na akala ko ay nawala. When you left, I kept telling myself na babalik ka, na nagbakasyon ka lang, na nagbibiro ka lang sa mga sinabi mo, na mahal mo ako at hindi mo ako kayang iwan. Pero kada umaga na gigising ako, wala ka sa tabi ko. Wala ka." I saw tears fell down to his cheeks again, namumula na ang mga mata niya. At wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang din.  

"I don't want to see you again...crying because of me. I want to make you happy again, I want us to be together again. When I first saw you, nasabi ko na sa sarili ko na ikaw na ang mamahalin ko at papakasalan ko, na ikaw na ang magiging ina ng mga magiging anak ko, na ikaw na ang kasama ko sa pagtanda." Naramdaman ko ang walang tigil na pag-agos ng luha ko sa pisngi ko.

"Pero nang makita ulit kita, hindi lang galit ang nanalaytay sa puso ko, pati pagmamahal. Gusto kitang yakapin ng mahigpit, halikan, at sabihing mahal parin kita hanggang ngayon. Pero galit Freen, galit ang nanalaytay sa puso ko. Galit dahil iniwan mo ako. Nang-iwan ka ng wala man lang iniwang dahilan sa akin, nang..iwan ka." At doon na siya tuluyang bumigay. Napaluhod siya sa harap ko habang umiiyak. Napakasama kong tao, napakasama ko. Hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban, hindi ko man lang siya inisip sa ginawa kong desisyon. Hindi ko man lang naisip na mahal na mahal niya ako.

Walang umiimik sa aming dalawa, tanging hikbi ko lang ang naririnig ko na nanggagaling sa akin. Bigla siyang tumayo at tumingin sa akin ng diretso.

"Mahal kita Freen, mahal na mahal." And he walked away.

****

This story is not for publishing. 

My Husband's KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon