"Sure. Sasamantalahin ko na ang walang pasok.  Kukunin ko na ang susi, pare. Tatawagan ko na ang mga forwarders, para mahakot ko na ang mga gamit ko dito ngayon."

Pagkaabot napagkaabot ni Tristan ng susi ay sumibat na kaagad si Benj.  Halatang excited.  Excited din naman kami.

***

It was a boring afternoon.  Wala akong ganang mag-aral, dahil hindi ko alam kung may pasok ba bukas. Tapos ko nang gawin ang lahat ng homework at projects ko, kaya naman halos mamatay ako sa inip.  Hindi ako mahilig manood ng TV, at hindi rin ako mahilig mag-internet na katulad ni Tristan.  Palagay ko nga ay tama ang kumento nila sa akin na... I am such a boring person.  Malamang, isa rin 'yun sa mga dahilan kung bakit ako iniwan ni Helga kanina.

Si Helga.  Ang aking bagong pantasya.  I-text ko kaya siya...

Kinuha ko ang cellphone ko...

Ako:  Hello Helga. Busy ka ba?

Nag-aalinlangan akong i-send 'yun. Natatakot kasi ako na baka isnabin lang niya ang text ko. Baka nang dahil doon ay sumama pa ang loob ko.  Kilala ko ang sarili ko.  Medyo may pagkasensitibo ako.

Hmp. Sige na nga.  Bahala na.

Message sent...

*Dub-Dub* *Dub-dub*

Grabe naman ang tibok ng puso ko, parang biglang lumakas ang volume. Argh! Kinakabahan ako. Pansinin kaya niya ang text ko?

*DUB-DUB* *DUB-DUB*

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.  Bakit ba ako kinakabahan, eh hindi ko naman siya kaharap?

Biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman medyo napaigtad ako. May nag-text.  Siya na kaya ito?

Helga:  Hindi naman, ikaw?

 Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.  

Parang may kung anong gumalaw sa sikmura ko.  Ganun kasi ako kapag excited, o di kaya naman ay, kapag kinakabahan.  Kung bakit ba naman kasi ganito ang effect ni Helga sa akin?  Marami rin naman akong nagugustuhang mga babae noon, pero hindi naman ako ganito.

Ako:  Hindi rin.  Galit ka ba sa akin?

Message sent...

Ang bilis ng sagot niya, 6 seconds to be exact.  Mukhang sanay na sanay siyang mag-text, hindi katulad kong, inaabot ng siyam-siyam.

Helga:  Hindi.

Kaya naman pala ang bilis. 'Yun lang ang sagot niya.

Ako:  Kung di ka galit. Bakit ka umalis? Hindi tuloy kita naihatid.

Yaaah!  Sige pa Jason, ipahalata mo pa na may gusto ka na nga talaga sa kanya.  Sige, ituloy mo lang 'yan, para mabasted ka na naman! Pero ok lang naman, dahil sanay ka na, hindi ba?  Ano pa bang bago?  Ang dami mo nang niligawan sa tanang buhay mo, pero ni isa eh wala kang napasagot! Eto si Helga, na di hamak na pinakamaganda sa lahat, aasa kang magugustuhan ka?  Sige lang, Jason! Sige lang, kapag nasupalpal ka na naman, bahala ka sa buhay mo.  Kapag namatay ka, eto ang nakalagay sa puntod mo...

Here lies the Unwanted Virgin

Jason Toledo

Sumalangit Nawa!

Helga:  Sa akin na muna 'yun Jason. Pero hindi ako galit sa iyo. Pramis! <3

Huh? May heart symbol 'yung text niya. Ano kayang ibig sabihin n'on?

Hmmm...

Sa kanya na muna ang dahilan, kung bakit niya ako iniwan kanina?  Naku!  Eh di ibig sabihin meron ngang dahilan?  Ano naman kaya 'yun?  May nasabi nga kaya akong hindi niya nagustuhan?         

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat