Prologue
.
.
.
"STOP! I'm begging you. Tigilan n'yo na siya!"
My voice broke. Nag-uunahang umagos ang mga luha mula sa mata ko. Mahigpit ang hawak ng dalawang lalaki sa braso ko. Kahit anong piglas ang gawin ko ay hindi ko magawa. I want to help him. But, how?
"Please, stop!" buong lakas kong sigaw. He was half naked and full of blood. Lasing na ang mga mata nya pero pinipilit nya pa ring tumayo.
Lalo akong umiyak nang tumingin siya sa akin at pinilit na ngumiti. Umaagos ang dugo mula sa noo pababa sa gilid ng kanyang ilong. Pati ang labi nya ay hindi tumitigil ang pagdugo dahil sa paulit ulit na pagsuntok dito.
"Stop it, please! I'm begging all of you. Please stop hurting him!"
Parang hanging dumaan sa mga tenga nila ang mga sigaw ko. Mga bingi ba sila? Hindi ba nila ako naririnig?
"Tumahimik ka! Ang ingay mo."
Pumikit na ako at hinintay na lumapat sa mukha ko ang palad ng masamang lalaking 'to, pero malakas na kalabog lang ang narinig ko. Dumilat ako at nakitang hinila nya ang paa ng lalaking muntik na akong sampalin.
"Don't fucking touch her... kung ayaw mong... mamatay ng paulit-ulit!" nanghihina pero madiing sabi nya.
Nagawa nya pang umupo sa tiyan nito at suntukin sa pisngi, pero talagang mahina na siya kaya't mabilis lang din siyang naitulak nito.
"Hawakan nyo yan! Shit! Dinumihan pa ang mukha ko." sigaw ng lalaki.
Three men surrounded him. Ang dalawa ay nakahawak sa mga braso nya, samantalang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa buhok. Napatingala siya nang hilain siya nito.
"Ano bang kasalanan nya sainyo? Bakit nyo siya sinasaktan?" Humagulgol na ako. Maari na nila siyang mapatay dahil sa ginagawa nila.
"Hindi kasi sumusunod sa utos. Nagalit tuloy si Boss."
Isang suntok ang pinakawalan nito. They all chuckled. Tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa nila. Mga walang-hiya!
"No!"
Humakbang ako para lapitan siya.
"Stop! Don't...come any closer!"
Sinipa siya ng lalaki sa tiyan at agad na sumuka siya ng dugo.
"Calum!" sigaw ko. Sa kagustuhan kong lapitan siya ay nakawala ako sa pagkakahawak ng mga lalaki.
I ran towards him and hugged him with all the strength left of me. Naramdaman ko ang bigat ng hininga nya. He's too tired.
"Why are they doing this to you? Wala ka namang ginagawa di ba?" Hinawakan ko ang mukha nyang puno ng dugo.
"This...is my...punishment," he coughed blood. Di pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko. Para akong mamamatay ngayong nakikita ko siyang nasasaktan. "...for saving you."
Nagawa nya pang ngumiti bago tuluyang bumagsak ang ulo nya sa balikat ko.
