Chapter 32: Ups and downs

Magsimula sa umpisa
                                    

"If you say so. Well, I'm here because I wanted to meet you. Gusto ko lang makilala ang bastardong anak ng asawa ko."

Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Hanggat kaya ko, pipigilan ko. Pasalamat siya't may respeto ako sa mga matatanda. Pero sana hindi niya maubos ang katiting na respeto ko na naiiwan para sa kanya. Hindi basehan ang edad para respetuhin mo ang isang tao.

Malalim akong huminga upang pigilan ang galit. "Ngayong nakilala niyo na ako, kung maari lang po ay pwede na kayong umalis. Ayaw namin ng gulo rito."

Napataas ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko.

"I'm not here to cause any trouble. Gusto ko lang siguraduhin na walang makakaalam na anak ka ni Fred. Mas malaking gulo iyon. Maapektuhan ang kompanya at masisira ang pangalan ng pamilya namin." Naglakad ito papunta sa akin at tumigil sa harap ko. Halos pumutok na ang ugat sa kamao ko dahil sa galit. "I want to tell you and remind you as well as your family that your identity will be remain as secret. I will offer any amount kung 'yon ang habol niyo. Hindi ito dapat pwedeng malaman ni Fred or much better that you leave this place imme---"

Hindi ko siya pinatapos sa kanyang pagsasalita. "Mawalang-galang na ho Mrs. Montecillo. Hindi namin kailangan ng pera niyo. Sa maraming taon binuhay akong mag-isa ng Mama ko. Kahit nahihirapan na siya, pilit niyang kinakaya para lang maitaguyod kami at ang mga kapatid ko na hindi humihingi ng tulong sa ibang tao. Hindi niya kami pinabayaan. Ngayon, sa tingin niyo, maghahabol ba kami sa asawa niyo? Sa pera niyo?"

Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko. "Oo, mahirap lang kami pero hindi kami katulad ng iniisip ninyo. Lahat ng anong meron kami ay pinaghihirapan namin. Nakukuha namin sa tamang paraan."

Pakiramdam ko, tumakbo ako ng napakalayo dahil sa hiningal ako.

Bumalik ang derestong titig niya sa akin. Alam ko na ang ganitong klaseng tao ay hindi nagpapadaig sa kung ano mang sasabihin ng isang katulad ko. Pride ang pinakamatayog na ugali na meron sila.

"Imposible naman sigurong magkaroon kayo ng isang MAGANDANG RESTAURANT tulad ng sabi mo diba?" Sarkastikong wika niya emphasizing those two words. "As I can see in your family's situation, I don't think you don't have the capacity to built that kind of business. I'm pretty sure Fred has something to do with that. Tama ba ako, Summer?"

"S-Summer, anak..."

Tumingin ako kay Mama. Her face was hesitant. Tila gusto niya akong pigilan pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng tingin ko.

"Para malaman niyo, siya ang lumapit sa 'min. Hindi kami ang lumapit sa kanya para humingi ng kung ano lalo na ang restaurant. Siya ang may gustong ipatayo iyon. Kung sa akin lang ay hindi ko na gustong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya dahil sa ginawa niya kay Mama noon. Mahirap para sa 'kin na tanggapin ang lahat ng 'yon."

Humugot ako ng isang malalim na hininga upang pigilan ang sarili na mapaiyak bago nagpatuloy. Bigla ko kasing naalala ang mga paghihirap na sinapit noon ni Mama.

"Nakita ko ang pagsisisi niya. Matagal bago ko siya napatawad sa lahat ng kasalanan niya sa 'kin. Mahirap sa 'kin tanggapin na bunga pala ako ng isang pagkakamali. Nang isang kasalanan pero kahit kailan hindi iyon pinaramdam sa 'kin ni Mama. Ang sakit-sakit na malaman ang lahat ng iyon. Pero tao lang ako. Kailangan ko siyang patawarin sa kabila ng lahat. Binigyan ko siya ng pagkakataon hanggang sa mapatawad ko siya."

Pinatili niya ang deretsong tingin sa akin. Hindi ko nakikitaan na natinag siya sa lahat ng mgs sinabi ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"Pinupunan niya lang lahat ng taong hindi niya ako nakilala kaya niya binibigay---kusa niyang binibigay kung anong pwedeng ibigay niya sa 'kin. At para malaman ninyo, hindi ko gustong tanggapin lahat ng iyon lalo na ang RESTAURANT Mrs. Montecillo. Lahat tinanggihan ko. Pero nakita ko ang determinasyon ni Papa at ang pagsisisi niya kaya ko tinanggap ko ang lahat ng ito. Nakita ko rin na masaya siya."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon