"B-B-Q"

12 1 0
                                    


Ilang dyaryo na rin ang nabili ko sa paghahanap ng mainam na trabaho. Ang dami ko na ring nakolekta na mga ginupit na ads. Ilang resume' na rin ang nai-print ko at naibigay sa kung saan-saang kumpanya. Ilang buwan na rin akong naghihintay ng tawag mula sa kanila. Halos lahat kasi, matapos ang interview ay magsasabing tatawagan na lang daw nila ako. Haaaay...

Bakit ganon? Mas ok pa yata ang mag-aral na lang kesa ganito. Nakakainip maghintay.

Pero isang araw ay may natanggap akong tawag. May bakante raw sa opisina nila at tamang tama raw ang kursong kinuha ko para sa posisyon. Pero si Angelo yung tumawag. Napaisip ako. Ito yung kaklase ko noong high school na malimit nangungulit sa akin. Ngunit eto sya tinutulungan akong makahanap ng trabaho at magiging ka-opisina ko pa . Pero naisip kong matagal na yun. Ang mga alaalang tulad noon ay dapat lang kalimutan dahil matured na kami ngayon.

Ng mga sumunod na araw ay nagpunta nga ako sa kanilang opisina, nagbigay ako ng resume', na-interview at nag-exam. Maghintay daw ako ng muli nilang pagtawag upang malaman ko ang schedule ng aking medical exam.

Ilang araw din akong naghintay bago natanggap ang kanilang tawag. Nagsadya ako sa Caloocan upang doon magpa-medical. Naging maayos naman ang resulta at ako nga ay pinagsimula kaagad. Hindi ko akalaing magiging superior ko pala si Angelo. Siya ang tumatayong Head sa Department namin. Nalaman ko ring may girlfriend na ito. Natuwa naman ako para sa kanya dahil wala ng pagkakataong kulitin niya ako tulad ng dati. Tuwing tatawagan niya ang girlfriend niya ay napapansin kong sinasadya niyang iparinig sa akin ang mga sinasabi niya rito. Ipinakikita niya kung gaano siya ka-sweet at parang ang dating sa akin ay pinamumukha niya sa akin ang sinayang kong pagkakataon na sana ay sa akin niya pinararamdam.

Matangkad si Angelo, halos 5'11" ang height niya. Maputi, disenteng manamit at makisig. Mga katangian na maaring hanapin ng isang babae sa isang lalaki. Ngunit iba ang tipo ko. Hindi ko yata nakita sa kanya. Para kasing may kulang. At kahit ako man ay di ko maipaliwanag kung ano yun. Hinahanap ko pa rin kasi yung parang napapanood sa mga tele-serye at ilang pelikula na kapag nagtama ang mga mata ng dalawang taong may damdamin sa isa't isa ay merong kislap. Na parang tumitigil ang oras kapag sila ay magkausap. Na hindi sila nagsasawang magtitigan. Na parang kahit walang mga salita, sila ay nagkakaunawaan. Hindi ko kasi maramdaman ang mga 'yon sa kanya.

Mabuti na lang at nakilala niya si Cecille.

At dahil nga alam kong may girlfriend na siya, hinayaan ko naman ang sarili ko na makilala siya na noong high-school kami ay pinagkait ko sa kanya. Mabait si Angelo at gentleman. Dahil iisa lang ang daan namin pauwi, madalas ay magkasabay kami. Sumasakay kami ng bus o FX na aabot sa kulang isang oras na biyahe. Nagkakilala kami ng mabuti at naging magkaibigan kalaunan. Naging masaya ang mga araw namin sa opisina. Sa tuwing bababa kami ng Malolos ay nagdadaan kami sa Crossing kung saan tumatambay muna kami at bumibili ng barbeque kapartner ng malamig na malamig na buko juice. Naging habit na namin ito sa tuwing kami ay magkasabay umuwi.

Di nagtagal ay nangailangan ng isa pang staff sa opisina. Kailangan daw ng isang Sales Executive. Madami ring nag-apply. Pero ilan lamang ang tinanggap. Kapansin-pansin ang isang magandang babae na kasama sa mga natanggap. Nalaman namin na Nina ang pangalan nito at katulad namin ni Angelo, ay taga-Bulacan rin. At nalaman kong isang baryo lang ang pagitan naming dalawa.

Mula noon ay kasabay na namin si Nina pagpasok at pag-uwi. Naghihintayan kaming tatlo sa Malolos tuwing umaga sa terminal ng jeep patungong Malinta.Kasama na rin namin s'ya ni Angelo na tumatambay sa Malolos at kumakain ng barbeque tuwing gabi.

Naging magaan ang loob ko kay Nina at maging siya man ay naging open sa akin. Nalaman ko na dati pala siyang nag-aabroad. Kailangan lang niyang pumasok muna pansamantala habang naghihintay ng visa at panibagong kontrata.

B-B-QWhere stories live. Discover now