Pinagtagpo ng Tadhana

15 0 0
                                        

"Maaa!!!" kasalukuyan akong naghahanda ng aming tanghalian ng bigla akong tawagin ng aking anak.

"Ma, curious lang po ako paano ka po ba linigawan ni Daddy?" pagtatanong sa akin ng aking anak. Sasagot pa lamang sana ako ng bigla may nagsalita.

"Ang mommy mo kaya ang nanligaw sakin" pabirong sabi ni Kristof, ang aking asawa.

"Haynako anak. Huwag kang nagpapaniwala dyan sa daddy mo. Sa dinami-rami ng manliligaw ko rati ewan ko ba kung bakit abg daddy mo napili ko. Hindi namab kagwapuhan. Duda ko pina-inom ako nyan ng gayuma e" pabiro kong sabi sa anak ko.

"Kayo talaga mommy at daddy kahit kailan ang cool nyo padin. Hahaha. Pero ma paano po ba nakuha ni daddy ang matamis mong OO?" Pagtatanong sakin ng anak ko habang nakangiti.

*Flashback*

Nag-aapply ako dati sa isang kompanya ng may isang lalaking tumabi sakin, napaka daming tanong tila baga hindi ko pa nasasagot yung tanong tapos may tanong nanaman siya, napakadaming kwento.

Pagkatapos ng araw ng iyon nakatanggap ako ng tawag sa kompanyang aking pinag applyan at pinapabalik ako para sa interview.

Sa araw ng interview, nakita ko nanaman yung lalaking tumabi sakin na napakaraming tanong. At doon ko nalaman na isa din pala siya sa mga applicant  sa kompanyang iyon. Natanggap ako sa trabaho at ganoon din ang lalaking iyon.

Nagdaan ang mga araw, buwan ay mas lubusan ko siyang nakilala. Ang pangalan niya ay, Kristof Sandoval. At sa hindi inaasahan ay siya pala ang lalaking aking kababata na aking minahal. Napakaliit nga talaga ng mundo at doon ulit nagsimula ang hindi inaasahang pagkakaibigan. Kami ang laging magkasama dahil simula pa lamang noong una ay kami pa lamang ang magkakilala.

Nagdaan din ang mga araw, buwan at taon na kami'y nagkasama at sa mga nagdaang taon na iyon ay mas lalo ko pa syang nakilala. Tila baga siya na ang hinahanap ng bawat babae sa isang lalaki. Siya ang tipo ng lalaking may pangarap sa buhay, may takot sa diyos, nay taglas na katalinuhan at doon ko din nalaman na onti-onti na din akong nahuhulog sakanya. Ngunit sa aking takot na baka masira lamang ang aming nabuong pagkakaibigan ay mas pinili kong lumayo ng ka-onti sakanya.

Hanggang isang araw ay kinausap niya ako at nagtanong kong bakit ganun ko na lamang siya iwasan sa mga nagdaang araw.

Inamin ko sakanya ang aking tunay na nararamdaman. Noong una ay nagdadalawang isip pa lamang ako na baka hindi ako ang tipo niya at baka iwasan niya din ako ngunit sa hindi inaasahan ay narinig ko din sa kanyang labi ang salitang, "Mahal din kita, Danica"

Aking matatawag ang aming pagmamahalan ng, "Pinagtagpo ng Tadhana" dahil sa hindi inaasahan ay siya pala ang aking kababata. Tadhana na ang naglapit muli sa aming dalawa.

Nagdaan ang mga buwan at taon na aming pinagsamahan at nagpag-pasyahan naming magpakasal.

Namanhikan sila sa aking pamilya upang kuhanin ang aking mga kamay sa aking mga magulang. Ganito ang aming tradisyon sa Isabela dahil parehas kaming Ilocano.

- - - -

December 19, 1991 ng kami'y ikasal at iyon ang isa sa mga pinakamasayang araw sa tanan ng aming buhay.

Bago kami matulog sa gabi ay nag-uusap kami kong papano ang gagawin namin sa aming bubuoing pamilya.  Napagplanuhan naming magkaroon lamang ng dalawang anak at magtrabaho ng mabuti upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming mga magiging anak. Napagplanuhan din naming kami'y magkakaroon ng family bonding. Napagpasyahan naming magpunta sa Canada upang doon magsimula ng bagong buhay.

* End of Flashback *

"Ang sweet naman talaga ng mommy at daddy namin e diba kuya?" Sabi ng aking anak na si Kash ang nakababatang kapatid ni Jared.

"Syempre naman mga anak" sagot naman ng aking asawa na si Kristof.

"E bakit po kailangan nating manirahan dito sa ibang bansa? Bakit hindi na lamang po tayo manirahan sa Pilipinas?" Pagtatanong ng aking anak na si Jared.

"Para din sainyo ito mga anak upang mas mabigyan namin kayo ng magandang buhay. Pwede din naman tayong magbakasyon sa Pilipinas kong gusto nyo mga anak" sagot ko naman sa aking mga anak.

"Ano bang pumasok sa utak nyo at naitanong nyo ang lovestory ng daddy nyo?"

"Wala naman po mommy. Gusto lang naming malaman. Hehe" sagot ng aking anak na si Kash.

"Kayo talagang mga bata kayo o halina kayo at kumain na tayo ng pananghalian"

Sabay-sabay kaming kumakain ng pananghalian tuwing linggo dahil ito ang aming family bonding.

Halos dito na lumaki sa Canada ang aking mga anak ngunit pinalaki namin sila na may katangian ng tunay na pagkatao ng pilipino. Dahil mas mabuti ng may mas alam sila sa kanilang tunay na kultura.

- The End.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinagtagpo ng TadhanaStories to obsess over. Discover now