Forcing Laughter, Faking Smiles
By eysiedaisy
"A promise, is a promise."
--
Bata pa lang kami ni Reon, ay magkakilala na kami. Masaya kami kahit kaming dalawa lang. Naglalaro, nagtatawanan, kasama sa iyakan, at asaran.
Pero dumating ang isang araw, na hindi ko inaasahan.
" Promise ko sayo.. Babalik ako, ng hindi kita kinakalimutan.. " nakangiting sad ni Reon saakin, habang inilagay ang bulaklak sa gilid ng tenga ko.
" Paano pag hindi mo na ako maalala? P-paano kapag hindi ka na bumalik? S-sino na ang kalaro ko??" nangingiyak kong sinabi sa kanya habang nakayuko.
Hinawakan niyo ang kamay ko at hinimas-himas niya ito.
" Pangako.. Hinding hindi kita makakalimutan." muli niyang pagngiti saakin at niyakap ako.
Niyakap ko din siya ng napaka higpit habang umiiyak ako ng malakas.
" Reon? Anak? Halika na, aalis na tayo. " ani ng mama niya habang nakatingin saamin. " Aalis muna kami Zaya ha? " pagpapaalam nito.
"O-opo.." sagot ko sa mama niya at muli kong ibinaling ang tingin ko kay "Reon... Pangako?" inilabas ko ang hinli-liit ko, sign na kapag tinanggap niya ito, hindi niya kakalimutan ang promise.
Ngumiti ito bago inilahad at naghawak ang hinli-liit naming dalawa.
"Pangako, Zaya. " hanggang sa binitawan na niya ang kamay ko at sumakay sa kotse nila. "Zaya, hanggang sa muli! Paalam! " kaway nito saakin habang sumilip sa bintana ng kotse nila.
YOU ARE READING
F.L.F.S
Short StorySwings. Parks. Music. Love. Isa sa mga bagay na nagpapasaya kay Zaya. Pangakong natupad. Pangakong bumalik. Pangakong magkikita at pagtatagpuin. At nagkita nga. Pero paano kung lahat ng iyon? Ay mag-laho sa isang iglap? -- ❝ Mahal na mahal kita Re...
