"Hmmm. Hi kuya" Sent. Geezz kinakabahan ako. Langyang Neyma kasing yun! Ginamit ba naman ang account ko kanina at nakipagchat sa crush ko. Okay lang sana pero ang masaklap, inamin pa niya na may gusto ako kay CJ Sandoval.
-Seen.
Putek. Niseen tuloy ako. Aggghh. Suplado talaga.
"Hm, kuya, yung message kanina hindi talaga ako nag send nun. Haist pano ba to? Ang hirap talaga pag sa chat nasabi no? Ang hirap bawiin. Well, di ko namin binabawi. May crush talaga ako sayo kuya pero CROSS MY HEART! Di talaga ako ang nag chat sayo kanina. At yung I LOVE YOU. Ewww! Crush lang naman kita. Hindi love kaya kuya erase erase nalang ha?" -Sent. Di ko na chineck kung tama ba ang tinype kong message. Naghintay ako hanggang sa magreply siya.
-Seen.
Haisst. Seen ulit? Baka mag tatype pa siya. Hmm, 5 minutes pag ito di magreply i-ba-block ko talaga siya at magmo-moveon nako! O.A diba? Walang kami pero mag momoveon? Tsk.
Ako si Ally Fernandez, 17 years old. Nag aaral sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English. First year college ng RMMC sa Gensan. May barkada ako sina Amparo Gomelo (bakla) Nardo Lilom (bakla) at si Neyma Magno (baklang babae pero girl talaga siya).
Si CJ Sandoval ay vocalista ng banda na nagrerepresinta sa kursong Education tuwing Battle of the Bands sa school namin. Di ko talaga siya kilala until nakita ko siya nag perform sa stage. Ang ganda ng boses. Pero deadma parin ako. One time dumaan kami papunta sa room namin at nakita ko siya sa labas. Nakasandal sa dingding habang nakikinig ng music gamit ang Wireless Headset niya. Astig niyang tingnan nun. Di ko pa siya agad nakilala nun so tinanong ko si Neyma kung siya ba yung vocalista nung gabing yun para magconfirm pero ang langyang kaibigan ko nag conclude agad na crush ko siya. Timing pa, magkaklase sila noong highschool kaya magkakilala sila! Shocks nalang ako nung araw-araw nalang nila kaming tinukso. Ako si kinikilig habang siya waepek.
Buwan ng March nung nangstalk ako sa fb. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap kasi ang gwapo ng profile niya. Naaalala ko pa nga nung habang nag-sco-scroll ako sa timeline niya bigla siyang nagchat! Kinabahan at naexcite naman ako. At binasa ang FIRST MESSAGE NIYA.
"Salamat sa FL"
Yung ngiti ko lalong lumaki. Ewan ko dapat nga madisappoint ako kasi yun lang ang message niya pero ang naisip ko, YES! NAPANSIN NIYA AKO! Sakto pang birthday ko nun. Nag welcome ako sakanya at kapal ng mukha ko para humingi pa ng favor nun na magpost siya sa timeline ko ng Greetings, kahit happy birthday man lang. Pero ang sagot niya?
"Late na masyado. Sa susunod nalang"
Nadisappoint ako pero di ako nawalan ng pag-asa, kinulit kulit ko pa siya na pwede pang mag greet kahit pang birthday gift niya nalang para sa akin, ang kapal ko lang eh no? Ang reply niya ulit nun?
"Sa susunod na nga lang, di ka pa naman mamamatay"
May pagkapilosopo rin pala siya nun. So ayun, mula nun chat chat na kami. One time nag chat siya.
"Ilang taon ka na?"
Sumagot ako " kaka17 ko lang".
"Ang bata pa." Reply niya
Nagtaka naman ako. Bakit may balak ba siya? Pero inerase ko naman yun sa isip ko kasi malabong mangyari yun. Di naman ako kagandahan eh at tsaka kakakakilala pa lang kami or should I say kakachat pa lang namin. Sumagot ako ng "Yung bata dumedede pa. Hindi pa marunong magchat! Ikaw ilang taon ka na ba?"
"18" reply
See? One year lang agwat namin ehh pero ang reply ko "Ang tanda na"
"Ang matanda hindi nag-iinternet!" Ayun napuno kulitan yung chatbox namin.
Pero simula ng pinakaalaman ng Neymang yun ang account ko! Di pa siya nag rereply. I'm so bothered! Ang tanga ko rin kasi para gamitin ang cellphone ni Neyma at iopen account ko dun para lang macheck kung nag chat siya. Jusko baka iwasan niya ko kasi wala naman siyang gusto saken at ayaw niya kong paasahin. Gusto kong magexplain na hindi naman ako umaasa ehh. Well, slight lang.
Natapos na lang ang 5 minutes na binigay ko pero ni dot dot dot man lang o emoticon walang akong nareceived. I'm so disappointed. Kaya maglalo-out nalang ako. Pero bago pa mangyari yun, nag reply siya!
"Sorry, naglalaro kasi ako ng dota. Okay lang yun :)"
Waaah! Ang bait pala ng loko. Busy lang pala sya.
"Thank you kuya. :) Favor lang, Sana wala ng iba pang makakaalam tungkol dun" Haist ito na naman si kaba nag paparamdam.
"Anong tungkol dun?" Reply niya
"Yung anooo. Crush kita?" Sent
"Sure :) but in 1 condition"
One condition ano kaya yun?
"Hmmm ano naman?" Medyo curious ako. Ay hindi, curious talaga.
"Wag mo nakong tawaging kuya :) pwede?"
Ayieeeeeee~! Kinikilig ako. Ano bang maganda itawag sa kanya? Yieee. Sa sobrang kilig ko namalayan ko nalang na may nasent na akong message.
"Okay brad. Sige tulog nako :) enjoy sa paglalaro. Goodnight!"
