Prologue

2 0 0
                                        

Scalonia Academy : The Last Heir
#SATLH

A novel by: chatter_queen

Story Started: May 15, 2017

Story Ended: ------

Genre: Fantasy / Romance / Sacrifice

Isang maliwanag na ilaw na may kasabay na pagsabog ang naring ni Milanda sa kwarto ng mag-asawang Sykers

"Anong bang nangyayari bakit hindi tayo makapasok" tanong ng tumatayong pinuno ng kanilang grupo at nakarinig sila ulit ng makakasunod na pasabog...  Natutupok na ng apoy ang halos kabuuan ng malaking mansyon.

"Wala bang ibang paraan na pwede nating gawin para mapasok ang palasyo andoon pa sa loob ang mag-asawang Alice at Frank... Pati ang anak nila nandoon din ang anak nila... " tarantang sabi ng isa sa kanilang mga kasama

Nagulat si Milanda sa kanyang narinig "Ano?!" She shockingly said "Emilia,  ikaw muna ang mag-asikaso sa kanila kailangan kong puntahan ang mga Skyers" nagmamadaling sabi ni Milanda
at agad na pumanta sa nasusunog na bahay

Nang makarating iya sa loob ng bahay tumambad sa kanya ang mas nakakabahalang itsura ng bahay "Kailangan kong mahanap kaagad ang mga Skyers." Sabi nito sa sarili ginamit niya ang kanyang kapangyarihang hangin para mabawasan ang nagngangalit na apoy. Sa kanyang paghahanap may narinig siyang mahinang iyak ng sanggol at dali-daling pumunta sa pinaggagalingan ng iyak.

At doon niya nakita ang mag-asawang Alice at Frank kasama ang anak nila na nababalutan ng gintong tela. "Milanda" tanging nasabi ng mag-asawa

"Halina kayo at para makalabas na tayo" sabi niya at tumango ang mag-asawa "Milanda ikaw muna ang maghawak sa aking anak" sabi ni Alice habang nilalagyan ng proteksyong nyebe ang kanyang anak, para maprotektahan sa ang munting sanggol sa apoy, agad naman itong kinuha ni Milanda ang anak ni Alice.  Habang ang mag-asawa naman ang lumilinis ng daraanan ni Milanda . Sa kalagitnaan ng kanilang palabas biglang nahulog ang malaking bahagi ng kisame at humarang sa dadaanan ni Milanda dahil dito napahiwalay siya sa mag-asawa, hindi agad ito napansin ng mag-asawa tuloy-tuloy sila sa paglinis na daan. Sinubukang gamitin ni Milanda ang kanyang kapangyarihan ngunit, nagulat ito ng walang lumalabas sa kanyang kapangyarihan. 

"Alice!! Frank!! " sigaw niya sa mag-asawa. "Milanda!!" Pabalik na sigaw ng mag-asawa at tinangka nilang lapitan ang bahagi ng kisame, nang biglang lumaki lalo ang apoy hanggat hindi na nila makita si Milanda at ang kanilang anak. Wala silang magawa kung 'di tignan ang apoy , dahil sa tuwing gagamitan nila ito ng kapangyarihan ay lalo lang itong lumalaki.

"Milanda umalis ka na dito at iligtas ang aking anak!! " sigaw ni Frank

"P-pero hindi ko kayo kayang iwan!!! " sabi ni Milanda sa mag-asawa

"Kaya namin ang aming mga sarili Ate... Lalo pa't alam namin na hindi mo magamit ang iyong kapagyarihan!" Sabi ni Alice . Naguguluhan man si Milanda ay pinili niya na lang na manahimik.

"Pero ka-" naputol ang kanyang sasabihin ng biglang nagsalita si Frank

"Bilang Hari ng Scalonia... binibigyan kita ng basbas na makalabas ng ligtas sa palasyo dala ang anak kong si Andrea" napatingin si Frank sa kanyang anak na naguumpisa ng umiyak. Marahil nararamdaman na ang panganib na kanilang kinahaharap. Tinatagan ni Frank ang kanyang basbas "naway mailigtas mo ang aking anak, Milanda " sa bilis ng mga pangyayari hindi alam ni Milanda na nag-teleport sila sa labas ng palasyo,  na marahil ang gawa ng mag-asaw.  Kasabay ng pagiyak na sanggol na Andrea ay narinig ni Milanda ang pagsigaw ni Alice sa pangalan ng anak. "Andrea!!! " 'yon na ang huling pagkakataon na narinig niya ang boses ng hari at reyna na matagal na niyang nakasama at napatingin siya sa munting anghel na umiiyak at mahina niya itong pinahinahaon.

"Gagawin ko ang lahat para mapalaki ka ng maayos.... Mahal na Prinsesa. "

       
                                                                               ♔chatter_queen♔

Connected DNAWhere stories live. Discover now