Nag tataka kaba? Haha. Kami may gawa niyan. Walang alam si Xannon. Trip namin gawin ganito para maiba naman. Alam mo naman kasi yun eh. Medyo isip bata ----- sabi ni Yumi at napatango tango na lang ako. Pero habang nag iikot ako sa ginawa nila napako yung tingin ko sa isang picture frame. Picture ni Xandra yun. Kaya nilapitan ko yun at kinuha. 

Kamusta na kaya siya? 3 years na din pala nung nawala siya bigla. Tas yung huling usap namin di pa kami naging okay. Inaamin ko gusto ko na uli siya makita. Sana bumalik na siya. Pero kung bumalik kaya siya ano mangyayare samin? Maaayos kaya kami? Tsk. Pero inaamin ko namimiss ko din naman siya. At gustong gusto ko an siya makita uli. Pero kelan ko pa kaya siya makikita uli? Kelan niya pa kaya balak umuwi? 

.

.

.

Namimiss mo na ba? ----- sabi bigla ni Yiesha. At agad ko binitawan yung picture ni Xandra. 

Alam mo, Xander. Hindi naman masama aminin kung namimiss mo siya eh. Normal lang yun kung gusto mo pa din siya ----- dugtong niya pa. 

Hindi ko na siya gusto, Yiesha. Tsk. Alam kong alam niyo na may pumalit na kay Xandra para sakin. May girlfriend na ako diba? Kaya mali yung sinasabi mo na may gusto pa ako sa kanya ----- sabi ko. Oo, may girlfriend na ako. Mag iisang taon na din kami. 

Girlfriend? Haha. Napilitan ka lang kamo sa kanya. Napilitan ka na gawing girlfriend yun para makalimutan mo si Xandra pero ang totoo hanggang ngaun siya pa din ang gusto mo, Xander. Hindi mo naman titignan ng ganyan yung picture niya kung wala na diba? Alam kong alam mo na alam namin lahat na hindi mo talaga gusto o mahal yung girlfriend mo, Xander. Niligawan mo siya para takpan yung sakit na nangyare sa inyo ni Xandra noon. Pero mali yun, kasi sa ginawa mo lalo mo siyang di makakalimutan ----- sabi niya. Totoo lahat ng sinabi niya. Ginawa kong panakip butas yung girlfriend ko ngaun para ipakita sa kanila na nakalimutan ko na si Xandra pero mukhang maling decision yun. Kasi tulad ng sinabi ni Yiesha hanggang ngaun may nararamdaman pa ako sa kanya. At nagiging denial nanaman ako sa totoong nararamdaman ko. 

Tama ako diba? Gusto mo pa din si Xandra diba? Wag mo na ideny sa sarili mo, Xander. Kasi baka kapag nag deny ka nanaman maunahan ka nanaman ng iba at magsisi ka nanaman. Matuto kana sa pagkakamali na nagawa mo noon. ----- dugtong niya. Bakit ba ang daming alam nito? Tsaka masyado niya ata suportado yung samin ni Xandra. 

Tsk. Oo, gusto ko pa siya. Wala naman nag bago eh. Pero siya, walang kasiguraduhan kung ganun pa din ang tingin niya sakin. Walang nakakasigurado kung parehas pa din kami ng nararamdaman sa isa't isa. ----- sabi ko.

E ano gagawin mo? Susuko ka nanaman? Alam mo, Xander. Kahit alam mong wala kang pag-asa sa kanya kung mahal mo naman talaga siya gagawin mo ang lahat para bumalik ang nararamdaman niya sayo'' sabi niya.

Susubukan ko. Aayusin ko muna tong gulong napasok ko. Alam kong alam niyo na mahirap makawala dun sa babaeng nilandi ko. Pero gagawa ako ng paraan hangga't di pa dumadating si Xandra. Gagawin ko yun para sa pagbalik niya wala na kaming problema." sabi ko sa kanya. Pero ngitian na lang niya ako at lumakad na siya palayo. Seryoso? Ganun na lang yun?

Andyan na sila! Mag handa na kayo ---- sabi ni Yumi at sabay kumpol nila sa gilid at nakisali na din ako. At bago tsaka nila pinapatay yung ilaw sa manang ni Xannon. 

Maya-maya bumukas na yung pinto at alam namin na si Xannon yung nauna na pumasok. 

Bakit ang dilim dito? Wala bang tao? Tsk. ----- sabi ni Xannon at tsaka siya nag lakad papunta sa switch ng ilaw tsaka binuksan. Pero pagbukas niya nun. Pagsabay ng kanta nila Yumi. 

HAPPY BIRTHDAY TO YOU~ 

HAPPY BIRTHDAY TO YOU~

HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUUUU! 

HAPPY BIRTHDAY, XANNON ---- sabay sabay nilang sabi. Atsaka lumapit si Xamara kay Xannon na may dala-dalang cake. At pinagwish si Xannon tsaka pinahipan yung kandila. Bakit feeling ko alam ko kung ano hiniling niya? 

Wow. Thank you. Akala ko di niyo alam. Nag abala pa talaga kayo. Haha. Pero seryoso thank you talaga. At talagang kumpleto tayo ah. ----- sabi ni Xannon. Tumingin kasi siya sa paligid niya at nakita niya ako na nasa gilid lang. 

Kulang tayo, Xannon. Hindi tayo kumpleto -----  sabi naman ni Yiesha sabay lapit kay yosh na ngiting ngiti. Abnormal nanaman ata tong taong to. 

Yosh's POV

Malapit na siya. Alam kong magugulat sila kung sino ang dadating. Anytime pwede dumating si Xandra dito. Kaya habang sila nag eenjoy, ako naman nag iintay sa pagdating ni Xandra. 

Pero maya-maya may biglang kumatok at natahimik silang lahat. Parang nagulat sila kasi may kumatok pa e kami kami lang naman talaga dapat ang bisita ni Xannon. Haha. Pero ako, alam ko na kung sino yan. 

Ako na mag bubukas. Mag saya lang kayo jan" sabi ko sa kanila. At pagkasabi ko nun bumalik sila sa kanya kanya nilang gawain.

Tumayo ako at binuksan ko na yung pinto. Atsaka sinilip, yung nasigurado kong tama ang hinala ko tsaka ko binuksan yung pinto na bukas na bukas at bumungad sa kanila si Xandra. 

Xandra's POV

Andito nako sa tapat ng bahay namin. Grabe kinakabahan ako. Tsk. Di ko alam gagawin ko. Pero kumatok pa din ako. At akala ko si kuya Xannon ang mag bubukas  pero si Yosh ang nag bukas sakin at tsaka siya ngumiti. Alam ko yung ngiting yun. Tsk. 

Binuksan ni Yosh yung pinto at tsaka ako tinignan isa-isa nila Kuya Xannon, Xamara, Yiesha, Yumi at Xander. Tsk. 

Ahm, H-hello? ----- sabi ko sa kanila. Kinakabahan talaga ako eh >.<

X-xandra? Ikaw na ba talaga yan? ----- sabay sabay nilang sabi pera lang kay Yosh at Xander. Si Xander kasi nakatingin lang sakin eh. Parang di makapaniwala na nandito nako. Pero ang laki ng pinagbago niya ah. Black hair na siya at bagay na bagay sa kanya. Ang gwapo niya lalo >.<

Oo :3 ----- sabi ko sa kanila. At pagkasabi ko nun nag takbukan sila agad sakin at niyakap ako. Huhu. Seryoso? Ganito ba talaga nila ako kamiss? Haha

T-teka. Hindi ako makahinga. Paluwagan ng konti. ----- sabi ko sa kanila. Buti na lang naawa sila sakin at niluwagan nila ang yakap. Grabe. Pagkatapos nun pinapasok nila ako sa loob. 

-------

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now