Xannon ----- tawag ko sa kanya at nilingon naman niya agad ako habang nakangiiti. Minsan iniisip ko marunong ba to malungkot? E sa tuwing nakikita ko to palagi na lang nakangiti eh.
Oh, Yosh. Bakit andito ka? Mag papacheck up ka? ----- sabi niya.
Hindi no. Wala naman akong sakit. Uwian mo na ba? Samahan mo naman ako sa mall"
" Oo, nag liligpit na nga ako eh. E? Bakit sakin? Diretso uwi nako eh. Gusto ko matulog" sabi niya. Buti na lang nag punta talaga ako dito. Tsk.
Mamaya kana lang matulog kapag nasamahan mo nako. Bilis na. May bibilihin lang ako. Tsaka ililibre kita." sabi ko. Alam ko kapag sinabi kong libre di na aayaw yan. E isa din to na mahilig sa libre eh.
Sino nag sabi na matutulog ako? Kokotongan ko. Tara na, libre mo namanp pala eh. Haha. Bilisan mo, Yosh" sabi niya. habang nag lalakad na palabas. Haha. Kahit kailan talaga mukha siyang libre.
*fast forward sa mall*
Xannon's POV
Ang dami na nalibre sakin ni Yosh. Haha. Pero di ako umaangal. Libre eh. Mag iinarte paba ako? Tsaka sabi niya birthday ko naman daw kaya yun na daw ang regalo niya sakin. Akalain mong alam niya yun. Akala ko kasi wala siyang alam eh. Madami na nga bumabati sakin eh. Sa facebook man o pati sa text. Pero di ko pa binabasa. Iniintay ko matapos tong araw nato tsaka ko bubuksan ang mga text sa phone ko.
Pero napapansin ko si Yosh na kanina pa may katext. Di ko na lang tinatanong kung sino kasi panigurado na si Yiesha yun. Haha.
Xannon, uwi na tayo. Pero dun muna ako sa inyo. Wala akong matambayan eh. ----- sabi ni Yosh. Ano nanaman kaya gagawin nito sa bahay? Mang gugulo nanaman to.
Ano naman gagawin mo dun? Baka mang gulo ka lang dun" sabi ko. Baka kasi kung ano gawin nito eh.
Hindi no. Bilis na. Nilibre kita eh. Tara na, bilis. Gutom na din ako eh." sabi ni Yosh tsaka nag lakad palayo. Tsk. No choice na ako kundi sumunod sa kanya. Wala na ako magagawa jan kapag nag decide na yan eh.
Xander's POV
Andito na ako sa tapat ng bahay nila Xannon. Kinakabahan nga ako eh. Di ko alam kung bakit e birthday lang naman ni Xannon ngaun. Tsk. Ako lang mag isa ang nag punta dito kela Xannon. May gusto sana ako isama pero wag na lang kasi hindi kilala nila Xannon yun eh. Tsaka baka kami lang mag kakaibigan ang nandito.
Nag doorbell nako at nag iintay lang ako nang mag bubukas. Tsk. Pero maya-maya bumungad sakin si Yumi.
Xander, ikaw pala. Tara pasok ka. Maya-maya dadating na din sila Xannon at Yosh ----- sabi niya tsaka ako pinapasok. At nilibot ko ang tingin ko sa bahay nila Xannon. Madaming lobo may mga ribbon pa nga eh. Tas may malaking nakasulat na Happy Birthday, Xannon sa pader. Seryoso? Children's party ba tong pinuntahan ko? Hindi kasi siya mukhang birthday ng isang 24 years old na lalaki eh.
Chapter 3
Start from the beginning
