Chapter 13: Akin ka!

Start from the beginning
                                    

'Speaking of the devil' natigilan kaming lahat sa sinabi ni Ara at sabay na napalingon sa may entrance. Nakita kung pumasok si Zach at inayos ang pagkakatupi ng longsleeve niya but I involuntarily arched my brow when Inggrid stood beside him, inangkla nito ang braso sa braso ni Zach at naglakad sila patungo sa isang table na may dalawang naka-coat din, sa wari ko ay pinapakilala ni Zach si Inggrid pero hindi nakaligtas sa mata ko ang paghaplos ni Zach sa likod nito habang nakikipagkamay ito sa dalawang lalaki. He pulled the chair for her at inalalayan itong makaupo.

'Is that Inggrid?' Mariin kong pinikit ang mga mata ko at bumuntong-hininga bago ko hinarap si Jerric sa tanong nya.

'Who's Inggrid?' Tanong din ni Ara sa kanya. 'And why are they together?'

'Inggrid Alano. That was the girl na buntot ng buntot kay Zach babe.. hanggang ngayon parin ba! Iba rin ang fighting spirit ng babaeng yan eh' paliwanag ni Jerric.

'Is that so? Pero bat sila magkasama?' Iniwas ko ang paningin kay Ara na nagugulohang nakatingin sakin. 'You need to do a reality check girl. Iba ang haplos' nakataas kilay na dugtong ni Ara.

'She's one of her interior designers.' I tried to hide the disappointment in my voice but deep inside alam kong bigo na naman ang puso ko.

'You know what I have a plan.' Bago ko paman napigilan ay tumayo na si Ethan at nagmartsa patungo sa may reception area ng restaurant, nagkunwaring may tinatanong. Yung mga waitress naman akala mo talaga wala ng katapusan ang pagpapacute. Kung alam lang nila.

'What's his plan?' Bulalas ni Jerric.

'Feeling ko alam kong plano niya..' sagot ni Shane kaya napatitig ako sa kanya. 'I guess he's going to make him jealous. Familiar ang plano niya diba Ara?' Natatawang binalingan nito si Ara na pinamulahan naman sa sinabi niya. Agad namang inakbayan ni Jerric ang nobya.

'Familiar nga' tumatawang tugon ni Jerric na agad siniko ni Ara.

Nakitawa narin ako sa kanila pero agad nawala ang ngisi ko ng makitang lumapit si Ethan sa table nila Zach, maging sila Ara ay natigilan rin sa pagtutuksohan. Pinagmasadan ko ang bawat galaw ni Zach na nakatingala kay Ethan si Inggrid naman ay patuloy ang pakikipag-usap sa dalawang lalaki, nanlaki ang mga mata ko ng itinuro ni Ethan ang table namin kaya napalingon samin si Zach at maging si Inggrid ay natigilan at lumingon din sa gawi namin. Kunwari namang nagbusy-busyhan sila Ara. I can see him in my peripheral sight, seryoso parin siyag nakatitig sakin kahit umalis na si Ethan sa table nila, sumandal ito sa upuan at niluwagan ang necktie. Naagaw ni Inggrid ang atensyon niya ng may pinakitang tila kontrata.

'Usog!' Lecheng Ethan na to.

'Anong ginawa mo dun? Bat napalingon dito si Zach?' Usisa ni Jerric.

'Ganitong sabi ko..' He cleared his throat and pinatigas ang ekpresyon ng mukha 'Zach? Oh i'm sorry to interrupt akala ko kasi sinama ka ni Alliyah then itinuro ko ang table natin and you know what he's still staring at our side.' Nabigla pa ako ng biglang hinawakan ni Ethan ang kamay ko at inilapit ang mukha sakin, babawiin ko sana pero mas hinigpitan niya pa 'don't darling.. remember he's looking at us right now. So if you want to win then lead the game' Pinandilatan ko siya pero tumango tango lang sila Shane.

'He's the expert..' bulalas ni Ara.

'Now the next step is tumayo ka at magkunwaring mag-ccr.'

'What? Why?' Nalilitong tanong ko.

'Because you're still getting his attention. Now!' Muntik pa akong mapatili ng bahagya akong itinulak ni Ethan patayo. 'Go! Mag-cr ka na'

Ganunpaman ay tumayo na rin ako at hinanap ang cr. Magreretouch nalang din ako. Agad akong pumasok sa cr at kinuha ang lipstick sa bag ko I also fixed my hair. Naglalagay ako ng pabango ng pumasok ang dalawang babae na kinikilig.

'Ang gwapo no?'

'Yes super.. Sino kayang hinihintay non?' Nagkibit-balikat lang ako at hindi nalang pinansin ang dalawang pumasok sa cubicle at ng satisfied na ako sa pagreretouch ay binalik ko na ang mga gamit sa bag at sinilip muna ang sarili bago ako lumabas pero bago ko paman naisara ang pinto ay bigla nalang may humablot sa braso ko at hinila ako palabas ng restaurant. Zach? Nang makalabas na kami at nakabawi ako sa pagkabigla ay hinablot ko na ang braso ko.

'Ano ba! Bigla bigla ka nalang nanghahablot!' Bahagya siyang nagulat pero agad naman nakabawi. I i can see his jaw clenched habang mas niluluwagan ang necktie.

'You're seeing Ethan huh' Nanggagaliting tanong nito.

'What? No! Anong pinagsasabi mo' asik ko sa kanya pero mas sumeryoso lang ang mukha nito.

'You think I'm dumb? Akala mo hindi ko nakita ang paghawak niya sayo?' Napatili ako ng bigla niya akong hinablot sa beywang at isinandal sa audi niya, ikinulong niya ako sa dalawang bisig niya na ipinatong sa sasakyan. Lead the game! Naalala ko ang sinabi ni Ethan.

'Ano ngayon kong dini-date ko siya. Does it matter to you?'

'What the hell do you think you're saying?' Nanginginig na ang tuhod ko sa mga sinasabi nya pero hindi ako magpapatinag, if I want to win this game then I'll play it wiser this time.

'You're with Inggrid din naman ah. May narinig ka ba sakin? Kaya anong kinagagalit mo diyan? Bat di mo nalang balikan si Inggrid at dun ka makipaglandian' I hissed at him.

'We're here for business. I'm not here to flirt unlike you!' Alam kong galit na siya dahil namumula na ang mukha niya.

'Of course you are. Kasama ba sa negosyo ang mga himas mo sa likod nya Mr. Dela Silva?' Pero imbes na sumagot ay huminga lang siya ng malalim at ngumisi kaya hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko. 'And guess what? Yes, i'm flirting now get out of my way'

'Really? So you want some game huh?' humakbang siya palapit sakin hanggang sa wala ng natitirang espasyo sa pagitan namin. 'Fine! Then i'll show you how it's played.' Bago paman ako makabawi ng hininga ay inangkin na nito ang labi ko sa marahas na paraan sinubukan kong magpumiglas pero mas humigpit ang hawak nya sa batok ko at hindi pa siya nakuntento dahil gumapang ang isang kamay nito sa likuran ko.

'Z-Zach!' Tuluyan niya ng pinalaya ang mga labi ko pero ramdam ko parin ang galit niya. 'What were you thinking you asshole!'

'I'm thinking of taking you home'

'Baliw ka ba? And you think papayag nalang ako sa lahat ng gusto mo?'

'Yes!' Sigaw niya pabalik sakin.

'Then fuck you' pumihit ako para maglakad palayo sa kanya pero agad niya ulit nahablot braso ko kaya napatili ako at marahas akong ipinasok sa loob ng kotse at yumuko siya para salubungin ang mga titig ko bago ipinihit ang mukha sa may leeg ko.

'Just in case na nakakalimutan mo then let me remind you one thing Miss Esquibelle' napapalunok ako sa tuwing nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. 'You'll do everything for me.. because I bought you!' Parang isang malaking sampal sa kin ang sinabi niya 'akin ka!' Matigas nitong saad bago padabog na isinara ang pinto. Akin ka!

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now