Chapter 1 : New School

71 0 0
                                    

CHAPTER 1

NEW SCHOOL,

Wesley's POV

Haist! Bagong school ang papasukan ko ngayon! Badtrip naman kase!  Nagsara yung school namen,kahit naman All boys school yun at kahit walang mga chicks dun,masaya naman…tsk! Parang namimiss ko tuloy! -3-

"Hoy! Ano?! Natutulog ka na jan sa loob ng banyo???"

"Letche! Manahimik ka!"

"bilisan mo naman bro! para ka namang babae eh! Wala na tayo sa dorm okey!"

"pake ko?!"

"bilisan mo jan! kundi papatayan kita ng tubig!"

"oo na! putak ka ng putak para kang byianan na nalugi jan eh!"

"Kumag!"

At narinig ko na ngang umalis na sya dun sa Pinto ng CR

Haist! Namimiss ko talaga yung school,kase dun kami mismo nag s-stay sa Dorms saka di kelangan mag byahe,maglalakad ka lang ng 10 mins. Andun kana sa harap ng building ,peste! Ano bang problema ng director ng school na yun! >3<

Pagkatapos kong i-mesmirized yung dati naming school,ayun naligo na din ako -3-

"kumag ka talaga! Ayan tuloy! Muntik pa tayong masarahan ng gate! Kabago-bago palang naten late agad!"

"tumahimik ka! Anong late pinagsasasabi mo? Eh muntik lang naman diba?"

"ikaw ang tumahimik jan!" saka na sya nauna maglakad

Oy! Oy! Oy! Teka weyt lang tropapits! Magpapakilala muna ako! ^_^

Ako nga pala si Wesley Zalora,ang Silver Boy ng Amadeo Academy All Boys School! ^_~

Bakit  "Silver Boy"? HAHA! Ako lang naman ang Best Player ng Soccer Team ng Amadeo High!

Kaso yun nga eh! Nag-sara na ang Amadeo -3- badtrip! Kaya napilitan kaming lumipat ng Genre Academy,sounds weird,pero balita ko maganda ang school na to' lalo na sa mga estudyanteng mahilig sa music,honestly ito ang first time kong pumasok sa Hindi All Boys School na School..

Yung kasama ko namang Kumag Kanina,sya si Dean Alonzo,Ang Golden Hand ng Amadeo Academy

Para sa pagkakaalam nyo,itong si Dean ang Team Captain ng Baseball Team ng Amadeo High!

Pagdating sa Baseball,walang sinasanto yan,kaya nga Golden Hand diba?

Di naman sa Sikat kami sa School Pero----------?

Ganon  na nga Sikat kami -3- I mean halos lahat naman ng taga Amadeo high sikat sa school at sa Ibang school,Di naman sa pagmamayabang pero karamihan sa mga estudyante ng Amadeo High,halos lahat may Looks (kasama na kami dun syempre xD ) kaya nga palagi nalang may mga Chicks sa harap ng gate minsan may taga ibang school pa na mga Chicks ang bumibisita sa school,pero minsan naiirita ako! Yung marinig mo yung mga tili ng mga babae? Badtrip yun men! -3-

At maiba tayo! Siguro nagtataka kayo kung bakit kasama ko sa bahay yung Kumag na yun?

Yun ay dahil---------------------!

Wala lang,nasanay lang kaming magkasama sa isang room.sa Amadeo kasi Magka-roo mate kami,halos  3 years din kaming nags-stay sa dorms,nakakamiss talaga! Since malayo pa ang mga bahay namin,kumuha nalang kami ng apartment,kaya yun! Magkasama padin kami,at nakakahiya mang aminin dahil feeling ko ang drama nito,pero….sya ang  Best Buddie ko ^_^v

"Hoy Kumag!"

"Aray! Ugok ka talaga! Nasundot mo yung mata ko!" ihampas ba naman yung brown envelope na hawak nya sa mukha ko -_-

Enchanted (♥ On Hold ♥)Where stories live. Discover now