Chapter 57: Adamant

 

Third Person’s POV

 

The whole laboratory was reduced to rubble. All the alarms were on and everybody was panicking because of the sudden outburst of the creature that they created. The Adamant lose control...

“What is happening here? Bakit kayo nagtatakbuhan?” tanong ng scientist na si Thalia kasama sina Finnick at Roger. Hindi nila alam ang nangyayari dahil kararating lamang nila. Napansin nilang sira lahat ng gamit sa loob ng laboratory at ang ibang bahagi pa nito ay nababalutan na ng apoy...

“Hindi namin alam! B-Basta na lang nakawala ‘yung Adamant at nagwala dito!” takot na takot na sabi ng isang scientist. “Nandoon siya ngayon sa Main Laboratory at siguradon doong naman siya nanggugulo” tatanungin pa sana nila ito pero mabilis na itong tumakbo para sagipin ang buhay niya. Madami na ding scientist ang nakahandusay sa sahig at sugatan...

Ito na nga ba ang kinatatakutan nila. Gumawa sila ng isang halimaw na magdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa ibang tao kundi sa kanila din. Labag sa kalooban nilang tatlo ang mga ginagawa ng mga Vampire Hunter simula pa lamang nung pag-eksperimentuhan nila si Kisha pero hindi naman nila kayang umalis dito dahil dito lamang sila kumukuha ng pampinansyal na pangangailangan. Hindi nila mabubuhay ang kanilang pamilya kung aalis sila dito kaya mas pinili nilang manatili at maging sunud-sunuran sa mga baluktot na paniniwala ng mga Vampire Hunter. At isa pang mabigat nilang dahilan kaya hindi sila makaalis ay kapag naging trabahador ka na nila, hindi ka na makakaalis. Kung balak mo maging scientist o maging tagasunod man nila, siguraduhin mong hindi ka na aalis dahil oras na umalis ka, hindi ka pa nakakalabas ng headquarters ay babawian ka na nila ng buhay. Nasa isip kasi ng mga hunter na baka ipagkalat ang mga ginagawa nila oras na may umalis sa puder nila kaya hindi nila pinapayagang umalis ang sinoman na nagtatrabaho dito, lalo na sa loob ng mga laboratory...

“Ano bang pwedeng gawin para pigilan ang nilalang na iyon?” tanong ni Thalia sa dalawa niyang kasama...

“Dapat pa ba tayong mangealam? Hindi naman tayo naging parte ng paggawa ng nilalang na ‘yun kaya hindi na dapat tayo nanghihimasok. Mapapahamak lamang tayo” wika naman ni Roger...

“Pero kung hindi natin ‘yun pipigilan, anong mangyayari sa buong lugar na ‘to?” sabi naman ni Finnick...

“Naging parte tayo sa paggawa ng nilalang na ‘yun dahil katulong nila tayo upang magplano sa magiging kalalabasan ng experiment kaya kahit anong sabihin mo, sangkot tayo sa lahat ng nangyayari ngayon”

Hindi nila aakalaing aabot sa ganito ang lahat. Noon ay pangarap lamang nilang magtrabaho sa isang laboratory at makatuklas ng iba’t-ibang bagay pero hindi sa ganitong paraan. Ang buhay nila noon ay normal lang kasama ng mga pamilya nila pero simula nung pinasok nila ‘to, gumulo na lahat at ni hindi na nila nabibigyan ng oras ang pamilya nila...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!