One shot series: Si Shanea. By @Ainsleykaii.
A little note:
I am not good of speaking English pero may alam naman ako sa tagalog (natural Pilipino eh LOL.). More so telling stories which is the main reason why I am making this one shot story. At least you wouldn't get bored at my topic, maybe.
I'm warning you. I have a lot of grammatical errors, punctuations, and even spellings. You don't like it. Feel free to go. :)
Love lots *-*v ~ AinsleyKaii.
___________________________
"Ano ba Leigh!? Bitawan mo ako!" Nagpumiglas siya mula sa mahigpit na pagkakagapos ng kamay ng lalaki sa kanyang mga braso.
"Krissa! Wag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo!" Pilit na pinipigilan ni Leigh si Krissa sa balak nitong gawin.
"Hindi ko ito pagsisisihan kailanman! Ito ang nararapat! Ito ang mas tama!"
"Tama!? Bakit Krissa!? Ang pagpapalaglag ba sa batang yan ang tamang gawin, hah!?"
"OO!! DAHIL SIYA ANG BUNGA NG PAGKAKAMALI!" Sigaw ni Krissa.
"YUN NA NGA EH! NAGKAMALI KA NA NGA. GUSTO MO PANG UMULIT!" Napatahimik naman si Krissa at tinitigan ang kasintahan.
"Hindi mo ito anak. Alam mo yun..." Mahinang anas ni Krissa. "A-ayoko lang na may magpapaalala sayo at sa akin ng mga nangyari.." Napahikbi si Krissa. Hinila naman siya ni Leigh papalapit dito at yumakap.
"Pero hindi sulusyon ang pagpapalaglag sa bata." Pag aalo nito. "Nandito naman ako, hindi ako aalis sa tabi mo kahit pa hindi ko anak ang dinadala mo."
"P-pero-"
"Insidente ang lahat, Krissa. Oo, nangyari sayo yun. Pero sa tingin mo? Maibabalik ba ng pagpatay sa bata ang lahat ng nangyari?? Hindi ba pwedeng maging positibo ka mag isip?" Paghaplos pa nito sa kanyang buhok.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko..." Naianas ni Krissa sa mahinang tinig.
"Naaalala mo si Shanea?" Pagtatanong ng lalaki.
"Oo." Pagsagot ni Krissa. "Sumalangit naway kaluluwa."
"Bunga siya ng katulad ng naging kaso mo." Naitulak naman ng bahagya ni Krissa si Leigh sa gulat at tinignan ang lalaki sa mga mata habang pinupunasan angmga luha.
"Yung mabait at masayahing babae na inaahasan ng boyfriend, niloko ng best friend, naisnachan ng gamit, nasunugan ng bahay, napilitang maging asawa ng demonyong tao, at namatay sa sakit ng lukemia?" Gulat na gulat na sabi ni Krissa. "Bunga ng rape ang napakapositibong best friend mo?"
"Hindi ka makapaniwala noh?" Napangiti ng mapait si Leigh sa mga ala ala. "Alam mo bang siya pa ang tumulong sa akin na maging tayo?" Napanganga si Krissa, hindi makapaniwala. "Siya yung nagset ng first up to the last date natin."
"Kaya pala kahit pinagseselosan ko siya dati sayo... Nadadala pa rin ako ng ngiti niya." Napangiti si Krissa sa pumasok na imahe sa isipan. "Namiss ko tuloy yung mainit na pagtanggap niya sa akin kahit anong pagtataray ko sa kanya nung una kaming nagkakilala." Umupo si Krissa at tumabi sa kanya si Leigh.
"Lagi niyang paalala sa akin dati? Think positive." Pinigil ni Leigh ang mga luha. "Kahit pa noong mamamatay na siya."
ⓕⓛⓐⓢⓗⓑⓐⓒⓚ
Nasa loob ng kwarto sa ospital sina Leigh at ang mga kaibigan niya. Nandito rin ang asawa at anak ni Shanea.
Magaan naman ang usapan sa kwarto ng biglang tumunog ang life support ni Shanea.
"Shanea!" Sigaw naman ng asawa nitong si Harvey.
"Tumawag kayo ng doctor!" Sigaw ni Leigh sa ibang mga kasama na nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Uncle Le." Tamnang tinignan ni Hansel ang ina na nakahiga sa kama. "Anong nangyayari kay mama?"
"She'll be okay." Hinawakan ni Leighang kamay ng 10 taong gulang na bata.
"Shanea. Shanea." Paulit ulit na bigkas ni Harvey na tila nag aalala sa asawa.
"Pwede ba Harvey?" Kumunot ang noo ni Leigh. "Wag kang magpanggap na nag aalala ka kay Nea!"
"Nagpapanggap?" Naianas ng lalaki. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon Leigh. Buhay ng asawa ko ang nakataya dito!"
"Asawa? Kelan pa?" Sagot ni Hansel. "Kahit kelan, hindi mo ipinakita sa amin na pamilya mo kami, dad." Malamig na dagdag nito.
"H-hansel." Mahinang sabi ni Shanea na siyang ikinatingin nila. "W-wag mong sagutin ang papa mo ng ganyan anak."
"Pero ma--
"M-mahal na m-mahal kayo ni mama k-kahit anong m-mangy-yari." Pilit nilabanan ni Shanea ang pagsara ng talukap ng mga mata. "H-harvey.. K-kahit hindi manlang t-totoo.. S-sabihin mo man lang na--
"Mahal na mahal kita Shanea." Hinawakan ni Harvey ang kamay ng asawa. "Mahal na mahal. Yun ang totoo. Kaya wag mo akong iiwanan mahal ko." Umiiyak na sabi ni Harvey at hinalikan ang kamay ni Shanea.
Napangiti naman si Shanea. "Hindi ko p-pwedeng labanan ang k-kagustuhan ni Lord eh." Tinignan niya si Leigh. "B-basta ah? L-lagibg nyung tatandaan n-na t-think positive." Unti unting sumasara ang mga mata ni Shanea.
--------------------
"H-hindi." Anas ni Harvey. "SHANEA!!! HINDI. WAG. WAG MO KONG IWAN!" Nagsisigaw si Harvey habang pumapasok ang mga doktor.
"S-shanea.." Natulala si Leigh sa kawalan.
Wala pa ring emosyong tumulo ang mga luha ni Hansel habang nakatingin sa ina.
"Im sorry. Pero ginawa na po namin ang lahat."
ⓔⓝⓓ ⓞⓕ ⓕⓛⓐⓢⓗⓑⓐⓒⓚ.
"At yung demonyong tao na tinutukoy mo? Nagpatayo ng charity." Ngumiti si Leigh kay Krissa.
"Kasi nagbago na siya."
"Binago siya ng pagmamahal niya kay Shanea."
"Sana maging katulad ka rin ni Shanea, anak." Hinaplos ni Krissa ang tyan.
"Magkaroon din siya ng Lukemia!?" Bulaslas ni Leigh.
Sinapak naman ni Krissa si Leigh sa dibdib. "T*nga. Maging kasing bait at positibo niya!"
"Ahhhh. Kumpletuhin mo kasi!" At napatawa na lang ang dalawa.
_______________________
I know. Its lame. :( Please forgive me. Gomen.. :(
But anyways, still, love lots!! Thanks for reading! :D
VOUS LISEZ
One shot Series:Si Shanea
NouvellesLahat ng bagay na nangyayari sa iyong buhay ay itinakda ng panginoon. Nasa saiyo na lamang kung paano mo ito tatanawin. Isang magandang bagay? o kamalasan lamang?
