TMYHTMYL 1

13 0 0
                                        

"The more you hate, the more you love" yun ang meaning ng initials ng title.

Totoo nga ba na kung sino pa ang pinakaayaw mong tao, e yun pa ang magiging pinakamamahal mong tao? Pwede bang mangyari yon?

Ako si Selena Denise Lopez 17 years old, hindi mayaman, hindi din mahirap pero sakto lang hindi pumasok sa malaking university, hindi rin malaki ang bahay namin, pero sama sama kami, nila kuya, ate, francine, mama at papa ano panga bang hahanapin ko, e masaya nako sa mayron ako ngayon..

SELENA's POV

7:30 AM

"Anak gising na mag aalas otso na baka malate ka niyan!"

"Narinig kona agad ang boses ni mama kaya agad nakong nag ayos para pumasok"

"Oh anak? Hindi kanaba kakain?

"Hindi na ma, late nako e.....sige po babye po mama bye po papa!"

"Sige anak mag iingat ka!"

"Babye ate denden!" Wika ni franz, francine talaga ang pangalan niya palayaw niya lang yung franz.

Bye franz!, bye ate.

Umalis na ako ng bahay at dumiretso sa school.

Papasok na ko ng classroom namin section 4..

"Selena!! Saglit!!"

"Sino yun?" Paglingon ko si ali!!! Hays maiinis na naman ako nito, siya agad bumungad sakin buti kung si pauleen pa yan e,

"Oy sandali lang naman bakit ba hindi moko pinapansin?"

"Gusto mo talaga malaman kung bakit?" Inis na inis nako umagang umaga!!

"Bakit nga?"

"Selena!!!" Paglingon ko, finally si pauleen!

"Pauleen!!! Tara na dali" hinila ko si pauleen at agad umalis, narinig ko pa na tinawag ako ni ali.

"Tinanatawag ka ni ali oh?" Sabi ni pauleen

"Hayaan mo yan, tara na dali!!!"

Nakapasok na kami ni pauleen sa classroom, at teka?bakit Wala akong upuan? Nahuli kong nakatingin sakin si ali habang pinipigilan niya ang tawa niya!

"Pau? Bat wala akong upuan?"

"Kuha kanalang sa labas ena"

Naghanap ako agad ng upuan sa labas.

"Pa epal talaga yang ali na yan e! Isa nalang talaga bibingo kana sakin!!"

Habang hinihila ko yung upuan na kinuha ko, nakita ko na pumasok na si maam chavez sa classroom!

"Hala!! Baka mapagalitan ako"

Agad kong hinila yung upuan na dala dala ko, kahit maingay at tinitingnan nako ng ibang estudyante sa mga katabi naming classrooms..

"Hi maam?! Good morning"

"Youre already late Ms. Lopez, stay outside!"

Ano? Stay outside? Huhuhu! Kasalanan to lahat ni ali e nakakabanas hrrrr! Nagpipigil nalang ako ng galit habang pinagmamasdan ko sya, ang sarap mong ipahiya sa harap ng maraming tao, epal ka!!!

Ang amo ng mukha niya pag may teacher pero pag wala, pasimuno ng gulo,ingay kabwisetan!!! Lagi nalang hrrrrr!

After 60 minutes!

Lumabas na si maam chavez! Ibig sabihin tapos na yung klase niya!

"Selena!! Pumasok kana dito!!" salubong sakin ni pauleen.

Di parin nawawala sa isip ko yung ginawa ni ali.

Nagpatuloy ang klase...

Recess na! (RINGGGGGGGGGGGG!)

"Pau tara na? Kain na tayo?" Yaya ko kay pauleen

"Ahm momthsarry kasi namin ni gab ngayon e, baka pwede next time nalang?"

"Hmmm ano panga ba? Sige na puntahan mona si gab"

"Yun haahha salamat selena! Ang bait mo talaga"

Pasalamat ka kaibigan kita, kung hindi nako baka matagal narin akong nainis sayo!
Sino nang kasabay kong kumain? Ako na nga lang!

Pumunta nakong canteen, bumili ng makakain! At umupo, sa kalagitnaan ng kain ko may biglang....

"Miss pwede bang makiupo?" Ang cute ng boses niya, "sige po upo lang ka-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino yung nagtanong!

"Si ali-_- hindi pwedeng makiupo" agd kong binawi ang sinabi ko.

"Umoo kana e, edi pwede akong umupo?" Tanong niya

"Bahala ka nga" tumayo ako at aadyang aalis pero hinawakan nya ang bag ko,

Ano ba?!? Nagpapapansin ka na naman e!!! Bitawan mo.nga yung bag ko! Sigaw ako ng sigaw pero hindi niya binibitawan ang bag ko,

"Hindi kapa ba masaya na napagalitan ako ng dahil sayo?"sigaw ko sa kanya

"Huh? Hindi ko naman kasalanan kung wala kang upuan at lalong di ko kasalanan kung mabagal kang maghila ng upuan" sagot nya.

"Aba!!"

"Tsaka kabayaran narin yun ng di mo pagsagot sa tanong ko sayo kanina! ,so bakit mo nga ako nilalayuan?"

Nagbell na ibig sabihin tapos na ang recess, buti naman agad akong tumakbo pabalik ng classroom!

"Byee" pangasar na paalam ko habang tumatawa!

Pumasok nako agad sa classroom

"Bat ang tagal mo?" Tanong ni pauline

"Huh? Wala siksikan kasi sa canteen e" sagot ko

"Kasabay mo si ali noh?" Tanong nya.

"Huh? Hindi ah?" Gulat na gulat kong sagot.

"Eh bat wala pa sya?"

"Bakit porket wala pa sya, sabay kami nag recess? Ewan ko sayo pauleen" medyo nagagalit galit na yung tono para dina sya masyadong mag tanong!"

(Pumasok na si Maam DeLeon at nagturo ng kasaysayan as usual lagi akong hindi nakikinig pag sya ang teacher namin, masyadong boring ang kasaysayan plus sya!!)

RINGGGGGGGGGGGGG!!!

"Okay class dismiss, you may now go" matipid na pagpapaalam ni Maam deleon.

" tara na pauleen, uwi na tayo" yaya ko kay pauleen,

"Ahm? diba monthsarry namin ni gab ngayon? Next time nalang tayo magsabay"

"Hmmm mas mahalaga pa talaga si gab kesa sakin? Na bestfriend mo?" Tanong ko.

"Syempre hindi, pero nangako na kasi ako kay gab na sabay kami uuwi ngayon e, kaya malamang nagaantay nayun sa baba"

"Sige na mauna kana nga!"

"Sige bye selena, see you tommorow"

Pauleen exits.

"Hay ako na naman mag isa uuwi ano bayan?"

"Gusto mo ng kasabay? Ako pwede?" Sabi.ni ali

"Ikaw na naman?! Alam mo mas gugustuhin kopa umuwi mag isa kesa sumabay sayo noh! Pa epal na toh!"

Agad nakong nagmadali pauwi sa amin...

The More You Hate The More You LoveStories to obsess over. Discover now