patay.

Nagkatinginan kami ni Aya na parang parehas kami ng iniisip.

"Oh? nag grocery pala kayo? Sino siya?" tanong ni Sam.

"A-ah s-siya? Ano uhm Tita namin tama tita namin" sabi ko woooho!Medyo may katandaan na din naman si yaya eh.

Si Sam kasi at Xander nandito sa mall tokwa bakit di namin naisip yun?

"Ma-" magsasalita pa sana si Yaya kaya pinutol ko na.

"Ah Tita si Xander po tsaka si Sam classmates namin"

"Hi po" sabi ni Sam.

"Hello po" sabi naman ni Xander.

Buti na lang naniwala.

"Bakit kayo nandito sa mall?" tanong ni Aya kay Sam.

"Ah... kami? may dinaanan lang kami ni Xander"

"Ahh"

"Gusto niyo sabay na tayo umuwi pauwi na rin kami eh tulungan nanamin kayo" yaya ni Sam.

"Again?" narinig kong bulong ni Xander.

"Ah wag na kaya naman namin eh tsaka baka makaabala pa kami NAKAKAHIYA naman kay XANDER eh" inemphasize ko talaga kasi napaka ungentleman niya grabe!

"Ayos lang yan akin na po yan Tita" Tapos kinuha niya yung plastic bags na dala ni Tita este yaya pala ano ba yan nakakahawa ah.

Si Xander naman walang nagawa kaya tinulungan nalang si Sam. Naglakad na kami papalabas ng mall kasi malapit na kami sa exit ng may nakita nanaman kami sa entrance.

Nagkatinginan kami ni Aya....

"Zelly samahan mo ako please hindi ko na kaya eh" best actress, umacting ba naman na parang naiihi.

"Aya ano nangyayari sayo okay ka lang ba ako na sasama sayo" sabi naman ni Sam.

Nakuuu! parang napatingin na sa amin yung mga classmates namin dati... atpapalapit na sila.

"No! girlthing Zelly tara na!" tapos tumakbo kami papuntang Cr at pumasok sa iisang cubicle.

"Buti na lang nakatakbo tayo hooo!" hingal na hingal kaming dalawa.'

Pano ba naman yung mga dating kaibigan namin eh nandun sa mall na yun waaaaaaah!! bakit di namin naisip yun?

Tumahimik naman kaming dalawa kasi may pumasok ng Cr.

"Girls nakita niyo ba kanina? They look like Zelle  and Aya"

SECRET HEIRESSWhere stories live. Discover now