Happier

639 48 0
                                    

"You seem happy. And it was not because of me anymore."

I was walking through studio 7's hallway when I saw you. With him.

Naka-upo kayo. You are waiting na tawagin para makapag-rehearse.

You two are holding hands. Looking so in love.

Masakit. Na makita kang masaya kasama siya.

Well.

I want a second chance. Kaya nandito ako. Nagbabakasakali. I'm praying and hoping na tatanggapin mo ulit ako. Pero, parang late na ako. Sobrang late na nga yata.

You are smiling.

Napapangiti ka niya.

Ngumingiti ka ng dahil sakanya.

Masakit.

Pero, I'm still happy that you're happy.

"Ang ganda-ganda mo." Nasabi ko sa sarili ko.

"I miss you, Julie." I said it aloud. But, you didn't hear me.

Miss na miss ko na yung Julie na matatawag kong akin. Miss na miss ko na siya. Babalik ka pa ba?

I'm still looking at you two.

Ang saya niyo.
Inggit na inggit ako.

Nagtatawanan kayo.
Unti-unting pinapatay ako.

Tumayo ka. Hinihila mo siya. Habang tumatawa. Kunwari ayaw niyang tumayo. Sumenyas siya. He is asking for a kiss. Tinuro niya yung pisngi niya habang naka-pout.

"Aww. Nagpapa-cute ang baby." Sabi mo. Malakas yon.

Feeling ko tuloy pinaparinggan mo ko. Yung tipong, pinaparinig mo talaga sakin. Lumakas kase lalo nung sinabi mo yung word na 'baby'. Ang sakit naman nun.

Bigla mo siyang niyakap. You kneeled down para magkapantay kayo. And, and you kissed him.

Masakit.

Nakaka-inggit.

Tinignan ko siya. Mukhang kinilig siya.

Ganon pala talaga yung epekto mo sakanya no? Tama nga sila.

Halata sa ngiti niya.

Ramdam kong mahal ka niya. Pero, mahal din kita. Mahal pa rin kita.

"I love you baby." Sabi niya.

Gusto kong sumigaw din. Aminin sa lahat ng tao dito kung gaano pa kita kamahal.

"I love you too." You replied.

Nakakainggit pala talaga na sa iba mo na yan sinasabi no? Sana ako pa rin yung kasama mo. Sana ako na lang yung nasa lugar niya. Mahal pa rin naman kita eh.

Nagulat ako kase, you two look at the side where I am at. Agad akong nagtago.

Sa sobrang kaba ko, nalampasan niyo na pala ako. Wala akong kamalay-malay.

Tulad ng pagkawala ko ng malay na siya na pala yung gusto mo. Siya na pala yung mahal mo.

I was your first boyfriend.

But, I took you for granted. Sorry.

Nasaktan kita. Totoong nung una sinubukan ko lang naman na ligawan ka. Sikat na sikat ka nun eh. Baka sakaling ako din, sumikat. It was my dream.

Hindi ko yun sinasadya.

What I didn't know is totoo na pala. Totoo na palang mahal kita. Sinayang ko no?

HappierWhere stories live. Discover now