*Ting* hudyat na bumukas na ang elevator. Paglabas ko sa elevator... Bulaklak? May mga bulaklak sa floor patungo sa condo ko!
Nang nasa pinto nako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Namangha ako sa mga nakikita ko, may mga lobo na may nakasabit ng mga pictures namin ni jason, may bulaklak na nakahugis puso sa ibabaw ng kama ko at may kasamang cake may mga candles, may mga lobo din sa papag. Bawat pictures may nakasulat. At mas lumapit pa ako, may nakita akong mga letra sa ibabaw ng headboard ng kama ko at nakalagay dun 'Will you be my girlfriend?' Teka ano 'to? Hindi ko alam ang tungkol dito. Biglang lumusot si jayson sa likuran ko.
"Jason, ano 'to?" Bungad ko, ngunit hindi ako tumitingin sakanya, patuloy ko paring tinitingnan ang mga ginawa nya. At naramdan kong hinawakan nya ang braso ko at iniharap ako sakanya.
"Monique" may hawak-hawak syang rosas at lumuhod.. "Wil you be my girl?" Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa bibig ko.
"Jason, alam mong hindi ako handa. Dahil alam mong simula palang kaibigan lang ang turing ko sayo. Parang magkapatid na rin tayo." Saad ko, dahil yun ang totoo. Alam ko at nararaman kong kakaiba ang mga pinapakita nya simula palang, pero hindi ko pinansin at inisip ko nalang na baka ganoon talaga sya.
Pero alam ko ring alam nyang may gusto akong iba, pero bat ginagawa nya pa rin 'to? Alam nya ang tungkol kay lance. Hindi ko maintindihan. Gustong gusto ko si lance, at tingin ko wala ng makakapantay sakanya. Pero ngayong ginawa nya to. Ginulo nya ang buong isipan ko.
"Bakit? Ano pa bang kulang? Ano pang hindi ko nagawa? Hindi ba kita napasaya? Talaga bang hindi ko na malalamangan si lance dyan sa puso mo? Binigay ko naman lahat hindi ba? Sinakripisyo ko ang lahat, pero tingin ko wala talaga akong pag-asa. Salamat sa lahat mon" sabi nya at tumalikod na sya saken. Biglang kumirot ang puso ko.
Nasaktan ba ako dahil nawala sakin ang matalik kong kaibigan o may iba pang higit pa don?
