Y-Yosh ------ sabi niya pero sabay ngiti pero mahahalata mo na kinakabahan siya. 

Kelan kapa nakabalik? Ang tagal namin nag intay sayo ah."

"Last month lang. E? Hindi ba sinabi sa inyo ni kuya Xannon?"

Sinabi niya pero kulang kulang din yung sinabi niya samin. Tsk. Pwede ba tayo mag usap? Kahit dun lang tayo sa coffee shop" 

Ha? Osige, pero mag papaalam muna ako sa kasama ko" 

Sige. Samahan na kita mag paalam sa kanya."

Naah. Hindi na. Tatawagan ko na lang siya. Nagkahiwalay din kasi kami eh. Di ko alam kung nasan siya." ------ sabi niya at tumango na lang ako sa kanya. At siya naman kinuha yung phone niya sa bag niya tsaka may tinawagan na kung sino. Di ko kilala kung sino yun kasi di ko nakita yung pangalan nung tinawagan niya. 

Hello, Xav. Haha. Osige, tatawagin na kitang hon. Dami mo talagang arte. Tsk. Nga pala, mag papaalam ako sayo. Nagkita kasi kami ng kaibigan ko, e gusto niya ako makausap. Kaya nag sabi ako sayo kasi baka hanapin mo ako mamaya. Oo, medyo matatagalan siguro. Kasi alam mo na. 3 years din ako nawala no. Tatawagan na lang kita mamaya kung kailangan mo na ako sunduin. Opo, mag iingat ako. Ikaw din. Babye! ----- si Xandra habang may kausap sa phone. Pero teka, may boyfriend na ba siya? Tama ba pagkakarinig ko na may tinawag siyang hon? Pero pano si Xander? Tsk 

Tara na, Yosh ----- sabi niya uli. Madami akong gusto itanong sa kanya pero di ko alam kung saan ako mag sisimula. Tsk. Bahala na mamaya. 

Sige, tara. ----- sabi ko at nag lakad na kami papunta sa coffee shop. Pero habang nag lalakad kami nag salita siya. 

Kamusta na kayo? May nag bago ba nung nawala ako? ----- tanong niya

Wala naman. Bukod sa kami na ni Yiesha wala nang iba. ----- sabi ko. Yun lang naman ang nag bago bukod sa pagbabago din ni Xander eh. Siya ata ang nag bago sa lahat simula nung nareject siya ni Xandra. Tsk. Makitid din kasi utak nun eh. 

Ahhh. Uhm, galit ba sila sakin? Natatakot kasi ako mag pakita sa kanila kasi baka galit sila sa ginawa ko noon. Tsaka di kaba galit sakin? Kasi alam mo na. Yung ginawa ko noon bago ako umalis ----- sabi niya. Alam ko gusto niya iparating. Pero mag papanggap ako na di ko alam. Alam kong gusto niya na banggitin ko si Xander sa kanya. Kung ano nangyare kay Xander nung nawala siya. Ayoko na makielam, siya na lang ang bahala makaalam nun. 

Hindi sila galit. Iniintay ka nga bumalik nila Yumi eh. Tsaka di ako galit kasi alam kong may dahilan ka kung bakit mo ginawa yun. Pero Xandra, ano ba talaga ang nangyare at umalis ka? Ano gusto mo? Order na tayo ----- sabi ko. Andito na din kasi kami sa coffee shop eh. 

Buti naman. Mag papakita na ako, Yosh. Malapit na. Nag hahanda lang ako sa oras na makaharap ko sila lalo na siya. Kailangan ko lumayo kasi kailangan ko mag pagamot sa ibang bansa. Yun ang rason ko. Hindi naman kasi ako aalis dito kung hindi malaki ang dahilan ko. Ah, chocolate chip cream na lang ang sakin. ----- sabi na. Tsk. Si Xander pa din ang iniisip niya. Siguro naguguilty pa din siya sa ginawa niya noon. Valid yung reason niya kung bakit siya umalis pero sana nag paalam siya ng maayos. 

Sige. Pero sana sa birthday ni Xannon mag pakita kana. Miss na miss kana ng kuya mo, Xandra. Alam kong malungkot siya nung umalis ka, pero tinatago niya yun samin. Pero kahit anong tago niya kitang kita naman sa mga mata niya kung gano siya kalungkot. Tsk. Sige ----- sabi ko. Atsaka ako umorder sa waiter. Ayoko tumayo kaya tumawag na lang ako ng waiter. Haha. 

Yun ang balak ko. Mag papakita ako sa birthday niya. Kaya sana wag mo sasabihin sa kanila na nakita mo na ako. At sana sa birthday ni kuya Xannon kumpleto kayo dun. Gusto ko kayo makita na sama-sama, Yosh. 

Sige. Hindi ako mag sasabi. Basta mag papakita ka sa kanya. Pero Xandra, mahal mo pa din ba si Xander? ----- diretso kong tanong sa kanya. Pero ang expected ko na magugulat na Xandra ang makikita ko. Pero ngaun walang gulat na nangyare, pero nakangiti siya. Hindi ko alam kung para saan yung ngiting yun. 

Yosh, ito lang masasabi ko sa tanong mo. Siguro may pagmamahal pa din ako sa kanya kahit konti. Pero ang masisigurado ko naka-move on nako kasi may tumulong sakin. ----- yung sinasabi ba niya na nakatulong sa kanya ay yung kausap niya kanina? Tsk 

Yung sinasabi mo ba na nakatulong sayo ay yung kausap mo kanina sa phone? Siya ba, Xandra? ----- tanong ko sa kanya at tsaka siya ngumiti at tumango sakin. Tsk. Sabi na. Pero sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila. 

-------- 

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now