Habang nag namimili ng mga bibilihin yung mga babae biglang lumapit sakin si Yosh. May alam to panigurado. Kabisado nako nito pero siya alam niya kung kelan siya makikielam.
Problema?" sabi ni Yosh.
Problema ko? Yung katulad pa din 3 years ago. Ganun pa din ang problema ko. Tsk. Yosh, bukas na ang birthday ko at ang gusto ko kahit hindi ako humihiling ng regalo nung mga nakaraang birthday ko. ANg gusto ko ngaun makita ko si Xandra. Makita at makasama ko lang ang kapatid ko.
Oo, birthday ko na bukas. Ewan ko lang kung alam nila Yumi yun. Hindi ko din naman sinasabi sa kanila kasi di ko naman ugali yun. Tsaka baka kasi kapag sinabi ko sabihan nila ako ng kung ano. Haha. Kaya mas mabuti na malaman na lang nila ng kusa.
Hindi mo ba alam kung asan siya? Tsaka saan ba kasi talaga siya nag punta nung umalis siya dito? Hindi mo kasi sinasabi kahit tinatanong ka namin eh. Xannon, kailangan din namin malaman kasi kaibigan din namin si Xandra" sabi ni Yosh. Tsk. May point naman siya eh. Alam ko kung saang lugar nasan si Xandra. Pero nung sinubukan ko siya puntahan dun sa tinitirahan niya walang Xandra na sumalubong sakin.
Alam ko. Pero nung pinuntahan ko siya noon para dalawin walang Xandra na sumalubong sakin. Yung kamag anak lang namin ang nakita ko dun. At ang sabi nila hindi naman daw tumuloy si Xandra sa kanila. Ni hindi nga daw nila alam na dumating dun si Xandra eh. Kaya nagulat sila nung bigla kong hinanap si Xandra sa kanila. Tsk.
"Pero diba tinawagan ka naman ni Xandra? Bakit hindi mo tinanong sa kanya kung asan siya? Edi sana ngaun alam mo na kung asan siya."
Tinanong ko siya, Yosh. At ang sabi niya dun siya nakatira sa mga kamag-anak namin. Naniwala naman ako kasi wala naman siyang ibang pwedeng tirahan dun eh. Tsaka may tiwala ako sa kanya nun kaya hindi ako nag hinala na baka hindi siya dun tumitira."
"Tsk. Pero hanggang kelan ka mag iintay sa kapatid mo, Xannon? Baka kasi hindi pa ito yung panahon para mag pakita siya."
Hanggang kaya ko mag intay. Hindi ko pwede pabayaan yun, Yosh. Tsk. Tsaka alam ko na malapit na siya mag pakita. Parang nakita ko na nga siya kanina eh. Pero nag pakita siya sakin nasa malayo siya at may kasama siya."
Yosh's POV
Hanggang kaya ko mag intay. Hindi ko pwede pabayaan yun, Yosh. Tsk. Tsaka alam ko na malapit na siya mag pakita. Parang nakita ko na nga siya kanina eh. Pero nag pakita siya sakin nasa malayo siya at may kasama siya." sabi ni Xannon. Pero nginitian ko na lang siya at di na sumagot.
Nag pakita na pala sa kanya si Xandra. Oo, alam ko na nandito na si Xandra at nakausap ko na siya. Gusto niyo malaman kung pano? Ikukuwento ko sa inyo.
*Flashback*
Nag lalakad ako mag isa dito sa mall. Nag hahanap kasi ako ng pangregalo kay Yiesha. Haha. Gusto ko kasi siya isurprise kaya kahit walang okasyon bibilihan ko pa din siya ng kung ano man maganda ang makita ko dito.
Pero habang nag lalakad ako may nakita akong babae. Yung babaeng matagal na nawala samin. Yung babaeng umalis na hindi nag paalam samin. At yung babaeng mahal ni Xander.
Nung una nag dadalawang isip ako kung siya nga yun kasi parang ibang tao na siya ngaun. Tsk. Pero dahil gusto ko din siya makausap nilapitan ko na siya.
Xandra? ----- tanong ko sa kanya. Baka kasi nag kamali lang ako kaya patanong ko siyang tinawag. Pero mukhang hindi ako nag kakamali kasi nakita ko siya kung pano siya nagulat. At nung humarap siya sakin dun ko siya nasigurado na siya nga yun.
Chapter 2
Start from the beginning
