"Okay..okay..I'm sorry Julie.. nasabik kasi ako sayo e... ag tagal kasi natin hindi nagkasama, sorry na mahal ko.."

tikom lang ang bibig nya rito, tiningnan nya ito ng masama, nagsusumamong tumingin ito

"Sige na Julie.. Promise..Hindi ko na gagawin yon, Hihintayin ko kung kailan ka handa, pangako Julie.. tara na matulog, pinapangako ko, hindi na ito mauulit"

padabog na humiga siya, di nya ito pinansin, pagod na siya mag-isip, gusto na nya i refresh ang utak nya sa mga nangyayari mula kanina, naramdam nya ang paglundo ng kama

"Goodnight na mahal ko..payakap ako ha? sorry ulit ha? tulog na tayo.." hinalikan siya nito sa buhok at dinantay ang kamay sa bewang nya

Bakit ganon? walang buhay ang mga yakap nito sa kanya? walang dating ang mga halik nito...

nanatili siyang nakatingin sa kisame, pinakiramdaman nya kung tulog na ito, hanggang sa wala na siyang maramdamang reaksyon mula dito, kanina lang inaantok siya, pero nung niyakap siya ni Sef, hindi na siya makatulog.. bakit iba kapag yakap siya ni Elmo?

sa mga sandaling yon, buong gabi siya hindi pinatulog sa kakaisip kay Sef at lalong higit kay Elmo..

.

.

.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang umalis si Julie sa bahay nila, mula noon araw-araw na siyang umiinom, hindi na rin siya nakakapasok sa trabaho, bigla siya nawalan ng gana mabuhay.. wala ng dahilan para mabuhay...

umiiyak habang umiinom sa isang sulok si Elmo habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto

"Parang kailan lang.. Puno ng saya ang bahay na to.. kung noon iniisip ko mapapatawad mo ako sa nagawa ko..pero habang tumatagal umasa din ako na mamahalin mo na rin ako.." napatungo si Elmo at napahagulgol ng iyak

"Elmo???"

napaangat ng ulo si Elmo sa pagbukas ng pinto ng kwarto, kasabay non ay ang pagluwa ng magulang nya mula don

"Dios Mio Elmo! anong ginagawa mo?? bakit ka umiinom?? anong nangyari dito??"

tumingin sa paligid ang Mommy nya, nakita roon ang nagkalat ng bote ng alak na nainom niya

Wala sa sarili na ngumiti siya sa ina

"Anak! ano bang nangyari? Nasan si Julie??"

pagkarinig sa pangalan ng asawa agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata

umiling siya sa mga magulang niya, "wala na siya.."

natuptop ng mommy nya ang bibig nito

"Anong ibig mong sabihin? anong wala?"

hindi siya sumagot sa tanong ng Mommy nya,

hinawakan nito ang mukha nya, at tinitigan siya sa mata

"Anak..Nag away ba kayo mag-asawa? wag ka mag-alala, pupuntahan natin siya sa kanila, suyuin mo siya.. mareresolba nyo rin ang problema nyo"

kagat labing tumitig sa mata ng ina

"Imposible na po yon.."

"Bakit naman anak? walang hindi nakukuha sa magandang pag-uusap"

unti unting tumulo ang luha kanina pa pinipigilan

"Hindi na po mangyayari yon..dahil.. dahi Sumama na siya... sa taong mahal nya"

kitang kita nya ang sakit na nararamdaman ng anak, agad niyang niyakap ang anak ng mahigpit

"Oh Son!" pagdadalamhati nya sa nakitang kalagayan ng anak

malungkot na hinawakan ng Daddy ni Elmo ang balikat ng anak

.

.

.

"Kamusta na ang inaanak ko? huling pagkikita natin ay nung kasal mo ah!"

ngumiti ng pilit si Elmo sa kaharap

"umupo ka muna ninong" at tinuro nya ang kalapit na silya dito

"Oh? ano ba tong gusto mong pag-usapan at kailangan pa talaga personal mo akong makita? ang dami kong knancel na client para sayo! lakas mo talaga sa akin inanak"

"Alam ko kasi matutulungan nyo ako ninong e.."

"Aba'y abogado ako, pero wala ako alam sa pang chi chiks!" pagbibiro pa nito

pero seryoso na napatingin lang si Elmo

"Tungkol po sa amin mag-asawa yung sinasabi ko sa inyo"

napakunot noo ang abogado sa pag-iiba ng aura ng kaharap

"Anong tungkol sa asawa mo?"

humugot muna siya ng malalim na hininga at tikom ang kamaong binigkas nya ang sadya dito

"I want to file an annulment"

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrWhere stories live. Discover now